Sunday, October 16, 2011


Ang Paglalaro
Lahat ng bata ay mahilig maglaro, ito ang kanilang paraan upang makahanap ng kasiyahan, dito din sila nakakahanap ng munting paraiso sa ating magulong mundo. Lahat ng tao ay dumaan sa paglalaro noong bata kaya alam natin kung ano ang pakiramdam kapag ikaw ay naglalaro. Masasabi kong hanggang sa lumaki tayo ay hindi pa rin tayo tumitigil sa paglalaro, maaaring medyo childish na tignan kapag ika’y malaki na, pero minsan ito’y hindi naiiwasan talaga, may mga tao kasing likas na sa ugali o karakter nila ang paglalaro.
            Noong ako’y nasa elementarya pa lang mahilig ako maglaro, at ang lagi kong nilalaro ay ang Chinese garter o mas kilala sa tawag na ekis, naglalaro din ako ng Barbie at bahay-bahayan, jolen at iba pa. Ang rason ko lang noon kapag ako’y naglalaro ay pang-aliw lang sa akin, minsan nga naalala ko halos buong araw ako hindi makakain makapaglaro lamang, kaya tuloy lagi akong napapagalitan.  Importante sa akin ang paglalaro dahil dito lang ako laging masaya, kapag naglalaro ka kasi parang walang problema, lahat ng kalaro mo nagtatawanan, habulan dito, habulan doon minsan naisip ko sana paglalaro na lang ang buhay.
            Ngayo’y nasa kolehiyo na ako, oo, naglalaro pa rin ako pero hindi gaanong kasigla tulad nung bata pa ako. Minsan kasi nakakahiya na kasi nga malaki ka na daw, kung noon Barbie at bahay-bahayan ang nilalaro ko ngayon puro mga online games na pero hindi ko ‘to madalas nagagawa dahil busy na lagi sa school.
            Kapag naglalaro ang isang tao ay may mga bagay-bagay din siyang natututunan. Hindi ibig sabihin ng laro ay lagi ng masaya, minsan nakakasakit din ito ng kapwa, halimbawa ay pinagtitripan ang isang tao upang malibang ang kanilang sarili, para sa iba laro lang iyon pero ang totoo ito’y pambubuli. Sa paglalaro madalas natutumba ka pero hindi importante kung paano ka natumba at pinagtawanan ng iba, ang importante ay kung paano ka tatayo at babangaon ulit, ito ang natutunan ko kadalasan sa aking paglalaro, nakatulong din ito sa akin upang tumatag ang aking loob sa mga oras ng problema.

Mga Larong Filipino noon at ngayon


Lahat tayo ay nararanasan  ang pagiging bata, ang  kamusmusan ang nangibabaw. Ang pagiging inosente sa mga seryosong kaganapan sa komunidad. Nililibang ang sarili sa mga larong pambata katulad ng habulan , tagutaguan at marami pang iba. Bilang isang bata noon, natutunan kong laruin ang karaniwang mga laro sa amin, katulad bng “shatong”, “slipper game”, “langit- lupa” at iba pa ngunit ang kinahihiligan ko sa lahat ay ang “iskul bokol”, yung laro na gumagamit ng mga jolens kasi karaniwang sa mga kalaro ko ay ang mga pinsan ko, silang dalawa ay pawang mga lalaki, noong nasa elementary pa lamang kami nahilig ako sa outdoor na mga laro ngunit pagtungtong ko ng ikatlong taon sa elementary ay madalang aalagang akong naglalaro  ng “iskul bukol” at iba pang “outdoor games” dahil ako ay nahihilig sa bagong online game na “Conquer”. Usong-uso sa amin ang Conquer na games, pero nakakaiilang nga ay halos mga lalaki ang naglalaro madalang lang ang mga babae sa paaralan namin na naglalaro ng Conquer pero naglalaro pa rin ako ng langit lupa at Chinese garter pero noon ay mas mataas ang oras na binibigay ko sa paglalaro ng Conquer. Hindi lang sa Conquer, nasundan pa ito ng Flyff, Khan ,Tantra, Eudemons, Counter Strike at ang pinakapa;b;orit o ko sa lahat ay ang Ragnarok RPG. Ayaw ko sa DOTA. Makikita talaga ang kaibahan ng mga kabataan ngayon at noon. Noon kasi puro “outdoor game” lang ang nilalaro ngunit ngayon ay mga virtual games.
            May isang pangyayari ang nakakatwa noon noong bata pa ko, ewan ko lang kung nakakatawa bas a mga mambabasa. May isang araw talaga na puro laro lang ako. Walang pahinga sa paglalaro ng Ragnarok. Buong ara at buong magdama na nasa harapan ng kompyuter naming kahit gutom na ako ,hindi ko pinapansin ang tawag ng aking tiyan. Kinabulkasan ay pumasok ako sa paaralan na parang zombie. Unang taon ko pa sa sekundarya noon at napagalitan ako n gaming guro dahil hindi ako nakagawa ng takdang- aralin.
            Noon kasi ang mga bata ay walang abnormal sa katawan dahilsa paglalaro ng mga outdoor games na para na ring nag ehersisyo. Ngunit ang karaniwang mga kabataan ngayon ay mga obese dahil sa palagi nalng nasa harapan sa  kompyuter at wala nang oras na alagaan ang kanilang mga sarili. Ngunit may mga positibong maidudulot ang paglalaro ng virtual games. Halimbawa nalang sa sa mga amusement center katulad ng Hiros at Funland na may mga stimulator na nagbibigay ng mga impormasyon. ang mga laro noong bata pa ako ay napakapagbibigay aliw sa amin lalung-lalo na noong nasa elementarya pa ako kasama ang mga kaklase ko pero hindi naman makakaila na marami ang mga kabataan ngayon na nahuhumaling sa mga online games, at isa ako sa mga bata na yun.

Mga Larong Pangkabataang Pilipino Noon at Ngayon, Saan Ba Kayo Mas Sumasang-ayon?


Tumbang preso, patintero, tagu-tagoan at luksong tinik. Ito’y iilan lamang sa mga larong nilalaro ng mga kabataang Pilipino. Mga bagay na nakikita sa paligid, kapit-bahay, mga kaibigan at ang iyong sarili lamang ang kailangan maaari ka nang maglaro. Ngunit dahil sa mga umuunlad nating teknolohiya ay unti-unti nang kumakaunti nag mga naglalaro nito. Bakit nga bang kailangan nating mabahala sa unti-unting pagkawala ng mga larong-Pinoy?
Lahat ng mga larong-Pinoy ay nangangailangan ng malakas na pangangatawan, isip, liksi at bilis kaya naman ito’y magandang halimbawa ng ehersisyo hindi lamang sa pisikal nating pangangatawan kun’di sa mental rin nating kalusugan. Ang mga batang nasa panahon ng kalakasan lalo na ang mga batang may edad na apat na taon pataas ay nangangailangan ng napakalaking halaga ng ehersisyo upang mas lumakas ang kanilang mga buto at pangangatawan habang sila’y tumatanda pa. Nakatutulong rin ang paglalaro sa pagpapatibay ng resistensya at pag-iwas sa mga sakit tulad ng hika, ubo, sipon, lagnat, trangkaso at LBM. Siyempre naman ang pinakamahalaga sa lahat ay ang tamang pagkain. Hindi tulad ng ibang mga laro tulad ng golf, badminton, bowling at iba pang sports, ang mga larong-Pinoy ay hindi na kailangang gumastos pa upang ito’y malaro. Halimbawa ay ang patintero kung saan ay kailangan lamang ng mga guhit sa sahig at ang tumbang preso na nangangailangan lamang ng isang lata at tsinelas. Sadyang napakamalikhain talaga ang mga Pilipino kaya naman marapat lang nating ipagmalaki an gating mga larong-Pinoy, ngunit bakit nga ba kumakaunti nalang ang mga naglalaro nito? Kasalanan din ba natin ito?
Sa kabila ng lahat dahil sa gusto nating mga tao na mas mapadali ang ating mga gawain, unti-unti ding umuusbong ang pag-unlad ng teknolohiya. Ito ay kung saan gumagamit tayo ng mga makinang nagsisilbi nating mga alipin. Noon wala pang washing machine, vacuum cleaner, cooking stove at dry cleaner na tumutulong sa paglinis ng ating mga tahanan. Lahat ng mga paglilinis noon ay sarili nating ginagawa tulad ng pagwawalis, pag-iigib ng tubig, paglalaba at pagsisibak ng kahoy upang magamit sa pagluluto. Dahil mas sumisimple na ang mga gawain nating mga tao, ito na rin marahil ang dahilan kung bakit mas tumatamad ang mga tao lalo na ang mga kabataan n gating panahon. Marami na sa mga kabataan ang nalululong sa mga kalayawan at halos hindi na maiwasang pansariling kagustuhan. At dahil napakadali nang tapusin ang mga gawain ay mas tumataas na rin ang mga panahong walang magawa ang mga tao kung wala na talaga ay iiwasan nalang ang pagkabagot sa pamamagitan ng paglalaro. Paglalaro lalung lalo na sa paggamit ng kompyuter, isang makabagong teknolohiya sa panahon ngayon. Ang mga usong laro tulad ng Angry Birds, DotA, Farmville, Cityville at Gamehouse games ang mga iilan sa mga kinawiwilihang laruin ng mga kabataan ngayon. Kailangan mo lang umupo at gamitin ang iyong mga kamay upang makapaglaro nito. Maaari ka ring humanap at magkaroon ng kaibigan sa iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng social sites tulad ng Facebook at Twitter. Sa umuunlad nating pamumuhay at gawain, halos lahat na ng mga ginagawa ng tao ay pinapatakbo na ng kompyuter at halos lahat ng tao ay dumedepende nalang sa paggamit ng kompyuter, ngunit alam naman nating ang lahat ng pag-unlad at pagkasira ay kagagawan naman nating mga tao na lumikha ng mga bagay na ito.
Sabi nga nila, sa lahat ng sarap ay may magbubungang hirap. Bagama’t napakadali lang ang paglalaro gamit ang teknolohiya kaysa sa mga larong kailangang gumamit ng pisikal na lakas lalo na ang larong-Pinoy, alam naman nating mas marami parin ang maidudulot na mabuti kung maglalaro tayo ng mga larong-Pinoy. Una ay sa kalusugan. Kung maglalaro tayo gamit ang kompyuter, hindi lalakas ang ating mga katawan kung hindi ito’y hihina pa dahil sa napakalakas na radiation nating matatanggap. Maaari din itong magdulot ng pagkabulag at hindi maiwasang panginginig ng katawan. Malaki rin ang maitutulong ng mga larong-Pinoy sa paghulma ng sariling personalidad at pakikitungo sa kapwa. Mas bumubuti kasi ang pakikitungo kung personal nating nakakasama ang ating mga kalaro. Ang paglalaro din ang isang paraan upang makahanap ng iba’t ibang kaibigan na tumutulong sa paghulma ng atin mga ugali. Hindi tulad ng paggamit ng social sites, ang personal na pakikipagkaibigan ay mas nakatutulong upang masanay tayong makipagsalamuha sa iba’t ibang uri ng mga tao at upang mas makilala din natin sila. May mga uri din ng teknolohiya na nakatutulong upang palakasin ang katawan ngunit kailangan lang talaga ng sapat na salapi at kung gamot naman ay tamang preskripsyon ang kailangan. Sa kabuuan ay kailangan rin naman talaga natin ang teknolohiya ngayon at ang mga larong-Pinoy noon na tinatangkilik rin naman hanggang ngayon. Hindi din naman natin maiiwasan ang paglaro ng mga makabagong laro ngayon kaya ang pinakamahalaga lamang sa lahat ay ang respeto sa sarili, tamang pagpipigil at matalas na pag-iintindi.

ANG KAIBAHAN NG LARONG BATA SA LARONG PANGMATANDA


Ang paglalaro ay nararanasan at mararanasan ito ng isang tao. Natural lamang sa isang tao ang maglaro. Ito ay hindi lamang isang epektibong paraan para sa isang masayang pampalipas oras  ito rin ay nakakatulong upang maehersisyo hindi rin lamang ang ating katawan kundi pati na rin ang ating isipan. Maraming maibibigay na magandang epekto sa atin ang paglalaro isa na rito ang panlaban sa pagkabagot ngunit ito ay nakakasama rin kapag nasobrahan. Kapag ang isang tao ay naaadik na sa isang laro, mawawalan na siya ng kakayahang mag organisa ng kanyang mga skedyul, mas pipiliin nya pang maglaro kaysa gawin ang dapat niyang gawin. Kahit ano pang gawin niyang pagpipigil na hindi maglalaro maakit at maakit rin siya nito. Dahil ang laro ay sobrang mapang-akit.
Para sa akin higit na mas masaya ang larong pangbata kasi naglalaro lamang ang mga bata para maaliw,naglalaro sila ng walang ibang inaalala. Tago dito,tago doon, akyat dito, akyat doon, takbo dito, takbo doon at kapag nadapa at nasaktan ay iiyak, umiiyak sila ng walang ibang dahilan kundi dahil sa sakit na pagkakadapa. Paminsan-minsan nilalaro na rin ng mga mas nakakatanda ang laro ng mga bata para magfeeling bata.
Masaya rin naman ang laro ng mga teenedyer katulad ng sa mga bata, sa katunayan nga mas adventurous pa ang laro nila, may larong nasusubukan lahat ang kakayahan mo, kaya lang hindi katulad ng mag bata naglalaro sila ng maraming posibilidad na dahilan tulad ng may iniiwasang isipin,may pilit kalimutan na problema kahit saglit lang at higit sa lahat ginagawa nilang pampatay oras ang kanilang paglalaro. May laro rin ang mga kabataan ngayon na sobrang makaka apekto sa kinabukasan. Kapag sila ay nasaktan sa kanilang paglalaro, hindi lamang dahil sa sakit ng epekto kung kaya’t sila ay umiiyak. Dahil alam naman natin na hindi basta umiiyak ang mga hindi bata, maaring may sakit na rin sa puso itong kinikimkim dala ng problema.
Noong ako ay bata pa marami rin akong masasayang alaala sa mga laro na aking naranasan. Ang paglalaro ng “teks” ito yung maliit na kard na mayroong larawan sa unahan, nililipad ito sa ere at pag dumapo na ito sa lupa at nakatihaya yung teks na pag aari ko ako yung panalo, paminsan minsan nanalo ako kaya lang masakit man isipin palagi akong natatalo. Palagi din akong sumasali sa mga tago-taguan paminsan nagiging taya at pag hindi makabawi titigil na sa paglalaro ganyan ako ka fair maglaro. Ang super enjoy talaga na laro ay ang habulan,masaya siya dahil super nakakapagod, pagpapawisan ka talaga ng bongang bonga. May laro pa kami noon na gamit ang Chinese garter,hola hop at jumping rope pero ang tatlong yan ang hindi ko masyadong sinasalihan dahil sa katunayan ay hindi ko talaga carry yung katawan ko.he.he.he.Masaya rin ako pag naglalaro rin ako ng “bato lata” dahil pabilisan at matinding diskarte sa pagkuha ng saktong timing kung dapat mo na bang kunin yung tsinelas mo at tumakbo o hindi pa pwede, dito rin yung mahahasa ang pagiging hunter mu sa pagtama ng sarsa gamit ng tsinelas, at pagkatapos ng laro mangangamoy ka talaga, laking pasalamat ko nalang na pag uuwi na ako ng bahay hindi galit na mukha ni mama ang sumasalubong sa akin kundi yung mga maintindihin niyang ngiti, mapayapa niyang yakap at maalaga niyang mga kamay.Ganito akong bata, babae pero mas gusto ang larong panglalaki, ni minsan hindi ko ginustong maglaro ng manika kahit binibilhan ako ni papa at mama nagiging design nalang iyon ng bahay kasi naman wala talaga akong hilig sa ganyan.
Paglalaro lamang ang inaatupag ko ng bata pa ako kahit nga sa paaralan naglalaro pa rin ako, pero simula ng nag high school ako bigla nalang nagbago ang nilalaro ko at ang rason kung bakit ako naglalaro. Pagkalikot sa cellphones, sa computer at ang pagpicture-picture, ito ay ilan lamang sa aking mga nilalaro ngayon. Naglalaro ako ng ganitong klaseng laro dahil ito yung tipo na hindi mo na kailangang lumabas at magpabandira sa matinding sikat ng araw syempre nagdadalaga na rin kaya medyo inaalagaan ko na rin yung kutis ko.he.he.he.At hindi na rin naayon sa mga dalaga ang magamoy araw dahil lamang sa kakalaro. Naglalaro ako noon para maalliw, ngunit naglalaro ako ngayon para kahit saglit lang makakalimutan ko yung problema ko o di kaya’y nagpapalipas oras lamang, pampa-fresh ng utak kung baga.
Kung iniisip natin na ang mga bata at teenedyer lamang ang may laro,nagkakamali tayo dahil may laro rin ang mga matatanda. Kaya lang ang rason kung bakit sila naglalaro ay upang maibsan ang pagkakabagot nila. Pagmamadyong, pagbrabraha at pagkakasino ang kadalasang laro nila, medyo mas magastos nga lang ang sa kanila, pero may ibang matatanda naman na sa pamamagitan ng pakikinig ng music o kaya sa pakikinig ng drama sa radio nila inuubos ang kanilang oras.
Kapag nakakita tayo ng batang umiiyak sasabihin nating cute pero kapag nakakita tayo ng mas matanda na umiiyak maaring may magsabi na tanga siya o kaya ay mahina siya dahil imbis na kayanin, tumayo at labanan ang sakit, umiiyak lang siya sa tabi at nagpapatalo.
Kahit ano pamang klaseng laro ang nilalaro natin, isa lang ang sigurado ako “pantay pantay lang ang nararandaman at mararamdaman nating kaligayahan kapag tayo ay naglalaro,”at ito yung pinaka importante sa lahat.

Kung Takbo ako noon, Upo naman ngayon


“Hoh!!hapit ko makatsan da!!” Isa lamang yan sa mga naibulalas ko noon tuwing ako’y naglalaro kasama ang aking mga kaibigan.
Aliw na aliw ako sa mga larong nahahamon ang aking talas ng mata at bilis ng takbo. Ilan dito ay ang “Tumba Lata” at “Bahog-bahog” na labis kong kinagigiliwan doon sa liblib na pook ng Lantapan,Bukidnon.
Sa kabuoang laro ng “Tumba Lata”, iisa lamang  ang taya na siyang nagbabantay sa lata, habang tinitira ito ng mga kalaro gamit ang tsinelas. Babantayan nya at huhulihin ang sino mang kukuha ng tinitirang tsinelas upang makatira ulit. Ang tensyon sa larong ito ay sa tuwing tatamaan ang lata, lalo na’t mapadpad sa malayo. Kasi naaagaw ang atensyon ng taya sa pagkuha lata dahil kailangang ibalik muna ng nya ito bago manghuli, kung saan ito kadalasang tympo ng pagtakas ng mga tumira. At kung sino man ang unang mahuli ay siyang papalit na taya.
Katulad ng “Tumba Lata”, paggana ng isip at diskarte ang dapat isaalang-alang sa larong “Bahog-bahog”. Ito ay binubuo ng dalawang kupunan. Bawat kupunan ay may sariling bahay (base). Kailangang may “bahog” o pinasulong na taya ang bawat kupunan bilang hudyat ng pagsisimula ng laro. Maghahabulan ang mga miyembro ng bawat kupunan ng may talas ng mata at stratehiya upang makadakip ng magiging bihag.
 Bukod sa mga larong pakikipagharutan ay nalolong din ako sa mga larong may talon-talonan. Ilan dito ay ang “Chinese Garter”, ang Luksong tinik at ang “Sun, Moon, Earth”.
Naalala ko pa noon, ako ang laging pikon kapag naglalaro kami ng mga kaibigan ko ng “Chinese Gater”. Papano ba naman kasi ang tatangkad nila. Kapag sila na ang taya, alkanse ako lalo na kapag nasa balikat na ang haba ng garter. Hay naku!! Nahihirapan talaga akong abutin yon. Maging sa luksong tinik ay nagkaganoon din minsan ang eksena, ang haba din kasi ng mga dangkal nila. Gayunpaman, nauuwi parin ssa katuwaan ang lahat ng mga angal kong iyon.
Sa kabilang banda, parang nanghahamon ng gulo ang seryosong mukha na maikikintal sa larong “Sun, Moon, Earth” Dahil kailangang maalam na pag-iisip sng sandata dito. Ang lugar na paglalaroan ay kailangang may kahit tatlonh baitang o ang-ang. Dito ipinagpalagay na ang pinakamataas na baitang ay ang “sun”, ang panggitna ay “moon” at ang pinamababa ay ang “earth”. Iisa lang ang taya na siyang nag dedekta kung anong baitang bababa o aakyat ang mga kalaro. Diskarte na niya ang bilisan ang pagdedekta upang litohin ang mga kalaro upang magkamali. Kung sino o kung sino-sino man ang magkamali ay siyang paplit na taya.
Hahay!! Talagang walang sawa akong naglalaro noon kahit sinunog na ni ‘araw’ ang aking balat at kinakantahan na matulis na tinig ni nanay. Basta’t makapaglaro lang ay ayos na.
Di naglaon, ang atensyon sa nakahiligang aliwan ay nauwi sa mas makabulohang libangan. Ang larong tulad ng “Truth or Dare”, “Concentration”, “Puzzles” at “Q and A”(question and answer) ay ilan lang sa mga panibagong laro ngayong ako’y teenager  na.
Sa ‘truth or dare’ ay kadalasang naihahayag ang mga sekreto naming magkakibigan lalo na’t ‘truth’ ang piniling parusa. Samantalang ssa ‘concentration’ ay pukos at talas ng pandindinig ang naipapamalas.
Ngunit mas naaliw ako sa pagguhit at pagsulat ng mga sariling komposisyon na aking libangan at nauuwi sa laro kadalasan.  Ito ay dahil hindi lamang takot na sa sikat ng araw at pagod makipagharutan, higit pa roon ay nais kong maensayo ang aking kaalaman at natutunan.
 Sadya ngang walang permanente sa mundo mat hindi lahat ay magkapareho. Ang laro ng isang siyam na taong gulang na bata ay sadya ngang nag-iiba kapag lumlaki na. Maging ang kinakasama sa paglalaro ay napaplitan din. Talagang sa bawat yugto ng buhay ng tao, hindi maiiwasan ang mga pagbabago. Ito ay maaring dulot rin ng pagbabago sa sitwasyong kinasasangkutan. Maaring impluwensya rin kapaligiran, kagustohan, mga desisyong pinagpipiliian at paggamit ng mga natutunan.
 Sa kabilang banda, ang paglalaro ay bahagi na ng ating kultura. Ito ay nagsisilbing ‘break’ sa mga puyat sa kanya-kanyang trabaho at maging sa kung sino man nais maaliw, mag ehersisyo,magpalipas ng araw at magkaroon ng ‘bonding o jamming’ sa mga mahahalagang tao sa bawat isa.
Ngunit kung may maganda itong maiidulot sa ating buhay, ay mayroon din itong hindi kanais-nais na epekto depende kung paano ito gigamit. Ika nga nila “lahat ng sobra ay masama”. Hinay-hinay lang, ika nga sa patalastas ng mga inuming alkohol “DRINK MODERATELY”, bago ka malulung at maging “HABANG TUMATAGAL LALONG SUMASARAP”  ang pananaw sa buhay. Tandaan nasa huli ang pagsisisi. 

LARO NOON GAMIT ANG KOMPYUTER?


Nitong mga nakaraang araw, hindi ko manlang napansin, ubos na pala ang perang pang-allowance ko? Saka naisip ko, halos isang lingo rin pala ako sa kompyuteran. Kunwari may ginagawang project hayun, nagdodota pala, opz! Huwag mo ankong ibuking kay lola hapf?, sige kah gusto mo pagalitan ako?
Taggdadalawang oras ako kung magbuhos ng oras sa kompyuteran , 15 pesos ang oras at 20 pesos naman ang pustahan namin kada game. Minsan panalo pero kadalasay talo ako, mas magaling kasi sila keysa sa akin. Naalala ko tuloy noong nasa high skol pa ako. Alam mo ba kung saan ang standby area ko tuwing lunch break?..sa kopyuter laboratoryo n gaming skol. Hindi naman ako opisyal doon, ito kasing guro naming eh!, lagi kaming pinapatawag ng kaklase kong babae din, scheduled na kasi kaming maglaro ng dota, syempre hindi kami nagpupustahan, nasa skol kasi eh!.. wala rin naman kaming bayad maglaro doon ng dota kasi yung kalaban ko sa dota ay ang guro naming sa pisika, wala ring trouble kasi siya rin iyong incharge sa kompyuter laboratoryo, so ok kami!..ay! hindi pala araw-araw, mga tatlong beses lang sa isang linggong pasok, kasi pag martes ay doon sa kompyuter laboratoryo nagmemeting ang mga guro at kapag huwebes naman ay ginagamit ng mga skol journalist yung komlab. Minsan naman tinatamad akong makipaglaro ng dota, kasi nga lagi akong talo, nakakainis!.ginagawa ko nalang libangan ang magsurf sa internet, nag yayahoo, at nagfafacebok ako. Ay naku kung alam mo lang, 351 na ang level ko sa paglalaro ng farmtowm sa facebok. Naisip ko nga minsan eh, sana totoo nalang ang pera, bahay, lupa at mga ari-arian sa farmtown sa facebok, hindi n asana ako nag-aaral ngayon,,eh ganun talaga eh, hanggang sa panaginip nalang yun, ay!, hindi pala, hanggang sa pag fafarmtown lang pala.hahah
Hay naku!,, puro pagkokompyuter na talaga ang laman nitong utak ko. Alam mo kagabi na nanaginip ako?,, medyo weird nga lang pero makabuluhan din kung iisipin.
“pumunta raw ako sa isang pamilyar na lugar, hindi ko lang matandaan. Doon ay may isang konkreto, maliit na bahay at ang gandang tingnan dahil kulay bughaw ang pintura nito sa labas. Pumasok ako sa bahay na iyon , iwan ko kung maniniwala kayo. Higit bente ang mga taong….este mga batang naglalaro ng kompyuter doon. Na excite tuloy ako, parang nakakainganyung maglaro rin, at hayun may nakita ako, isang bakanteng kompyuter doon sa sulok. Dali-dali ay lumapit ako doon upang gumamit at minamalas nga naman, naunahan pa ako. Kaya wala akong magawa pinanood ko nalang sila, nakakatuwa. Nakalimutan ko tuloy mga bata pala itong mga nadito. Nagtanong ako sa isa sa mga bata “ bata, ilang taon kana? Bakit kopyuter ang laro mo?” “ anim na taon na ako, ditto ako naglalaro kasi andito ang mga laro na babagay sa batang tulad ko”sagot ng bata. Batang tulad ko?napaisip ako, ang weird naman, eh bakit ditto sa kompyuteran? At saka ko lang napansin, may naglalaro ng slipper game, in-in, Chinese garter, bater-lata, balay- balay, dampa, golen-golen, aper og sticker, maring-maring at saka paun-paon. Nalito tuloy ako, bakit ganito? Mga laro ko noon yan ah!,,pero bakit? Sa kompyuteran na rin ba uso laruin ang mga iyon? Hay naku, naisip ko tuloy “ siguro, sa susunod pang mga henerasyon, ang mga larong iyon na kung tawagin ay mga pisikal na laro ay sa kompyuter na talaga lalaru-in. bakit nga ba hindi? Eh nandito na nga eh!,, nakikita mo naman diba? Kung saan kamy, mata at utak nalang ang gumagalaw para ma-enjoy mong laru-in ang mga laro noon. Hindi ako makagalaw sa kinanatayuan ko, manghang-mangha talaga ako. Grabe ang teknolohiya ngayo, napaka high-tech na, at sigurado akong Pilipino ang nag-imbento ng mga kompyuter na iyan. Eh kasi sa pilipinas lang usong laru-in ang mga iyo, kumbaga larong pinoy iyon. Akalain mo nga naman, nag level-up na ang pinoy. Exaggerated mang isipin pero ok na rin.hanngang sa akoy magising at napag alaman na panaginip lang pala ang lahat ng iyon.
Iba na talaga noon at ngayon. Kung ikukumpara malayo na rin talaga ang kabataan noon at ngayon. Ang mga laro kasi noon ay mga larong pang pisikal. Takbo ditto, takbo doon. Kagaya ng larong patintiro,in-in kung tawagin sa aming probinsya, kung saan grupo-grupo ang paglalaro nito at papasok ka sa rektanggulo at kapag nahuli ang isa ay ang kalaban na naman ang maglalaro. Ang slipper game, kung saan tinatapon patalikod na taya ang tsinelas at kung masalo ng mga nsa likod ay talo ang taya at kung hindi naman ay magiging mistulang manikin na hindi kikilos ang mga tao sa likuran hanngang sa pulutin ng taya ang tsinelas. Ang balay-balay, kung saan ay may kunwa-kunwaring ina, ama at anakpara mabuo ang isang masayang pamilya. Ang bater-lata, kung saan may lata at tinitira ito ng tsinelas at kung matumba ang lata ay kukunin ng mga manlalaro ang kanilang tsinelas ngunit siguraduhing hindi ka mahuhuli ng taga bantay ng lata at kung ikaw ay mahuli ay ikaw na naman ang magbabantay ng lata. Ang Chinese garter, kung saan may garter at tatalunin mo hanggang pataas ng pataas ito. Ang paun-paun, kung saan may dalawang grupo at may tinatawag na bahay na pinoprotektahan ng bawat grupo upang hindi ito maagaw ng kalaban. Ang maring-maring, kung saan sa larong ito ay pwede ang dalawang pares lang, ginagamitan ng pares ng tsenilas. Ang dampa, kung saan lastiko ang ginagamit at dinadampa ng kamay upang manalo. At ang paborito  kung laro na onggoy-onggoy , kung saan gumagamit ng baraha at kailangan lahat  ay may pares upang manalo.
Ang mga nilalaro ko dati ay ibang-iba sa mga nilalaro ko ngayon. Ngayon kasi, lagi nalang akon sa kompyuteran, hindi pa ako pinapawisan dahil air conditioned at magastos pa sa pera. Uso na talaga kasi laru-in ang farmtown sa facebok ngayon, yung magkakaroon ka ng sarili mong farm at magtatanim, mag-aani at pwede ka pang magbenta ng iyong ani at ari-arian. Yun nga lang sa facebok lang at hindi sa totoong buhay. At ang larong tumblebugs, isa sa mga nakahiligan kung laru-in sa kompyuter, kung saan may ibat-ibang kulay ito at ipinagtatlong pares mo ito ng kulay hanggang sa maubos ang lahat ng mga bola at panalo kana. Marami pa ang mga laro na kinamamahalingan ng mga kabataan ngayon, kagaya nalang ng dota, na tulad koy adik rin sa larong ito, elements qou, chuzzle at marami pang iba.
May ibat-ibang uri man tayo ng mga laro, ibat-ibang paraan man ang gamitin natin sa paglalaro ng mga ito, mahirapan ka man sa paglalaro, ang importante ay nag-eenjoy ka sa ginagawa mo. Ang nilalaro ko noon at ngayon, alinman sa mga larong iyonay nakapagbigay sa akin ng aral at saya. Hindi na importante kung anu ang nilalaro mo upang aliwin ang sarili, para akin noon man o ngayon, ibat-iba man ang paglalaro ay pareho paring nagdadala ng saya sa ating mga munting puso.

Laro ko……


“ Hala! Na tae ka…. “, “ Huli ka…..! “, “Nakita rin kita”, “ Takbo…! “, hahaha… iyon lang naman ang ilan sa pinaka-sikat na mga diyalogo na sikat na sikat sa amin kung kami ay naglalaro. Ewan ko nalang sa iba pang sulok ng Mindanao o maging sa buong Pilipinas. Pero sa pagkakaalam ko, ang mga sikat na mga diyalogo nila kung sila ay naglalaro ay dumedepende kung anong laro at kung ano ang kultura nila. Tingnan nalang natin kung ano-ano ang mga laro ko at mga laro nila.
“ Huli ka…! “, iyan lang naman ang popular na linya ang madalas naririnig kung ito ay nilalaro. Boung Pilipinas mismo ay alam kung anong laro ito, sapagkat ito ay minsan nang binansagang isa sa mga laro ng lahing Pilipino. Ang larong ito ay nilalaro kung saan isa sa mga manlalaro ay ang humahabol, mas kilala bilang “ taya “, at ang iba naman ay ang mga hinahabol, kailangan mahawakan ng humahabol ang kamay, katawan, paa, likod o ulo ng kanyang hinahabol para siya ay hindi na ang taya, sapagkat pinapalitan siya ng taong nahabol niya at na kapkapan sa alin mang bahagi ng kanyang katawan. Alam niyo ba kung anong laro ito? Haha…. alam kong alam niyo kung ano ang larong ito. Kung sa amin ito ay sikat sa tawag na “ dakpanay “, nakakatawa lang isipin, pero alam niyo ba na sa ibang lugar ng Pilipinas partikular na sa Sultan Kudarat ang larong ito ay sikat sa tawag na “ lagsanay “. Pareho lang ang mekniks ng larong lagsanay sa mekaniks ng dakpanay. Habol dito, habol doon, yun lang naman ang dapat gawin.
 Sa isla nga ng Cebu, iba rin ang tawg nila sa laron ito sikat ito sa taawg na “ iro iro “ ang cute diba. Hehehe, nakakatuwa talaga, biruin mo klase-klase pala ang mga pangalan ng larong ito. Pero hindi bale meron pa namang ibang laro na sikat rin.
“ Nahanap rin kita..! “, “ Save.. “, “ Nakauna ko nimo..! “, hahaha…. Alam nyo siguro kung ano ang tawag sa larong ito, kung saan ang taya ay nakasandal sa isang haligi o pader at nakapikit, habang ang ang iba naman ay tumatakbo papalayo sa taya at nagtatago kung saan-saan sa bahay, sa hardin, sa bakuran at maging sa c.r. “ hide and seek “ sa Ingles kung ito ay tawagin. Naku napaka-obyus naman kung anong larong ito. Sa mga Tagalog naman ay mas kilala ito sa pangalang “ taguan “. Oo, talagang obyus na talaga kung anong laro ito talaga. At
iyon na talaga, ito ay mas kilala sa amin sa tawag na “ taguanay “, halos magkapareha lang naman ang tunog ng pangalan nito kung sa mga Tagalog mo ito ikukumpara at talagang magkapareho sila ng mekaniks sa paglalaro nito. Kung saan dapat at hindi dapat na gawin ay pareho rin sapagkat meron itong mga alituntunin na dapat isaalang-alang o dapat sundin. Pero akalain mo hindi lang pala mga viruses ang marunong mag mutate pati mga laro rin pala, sapagkat ang larong ito ay nilalaro na sa ibang paraan ang pinakaangkop na halimbawa nito ay ang larong “ pulis-dunggab “. Oo nga talaga…
Ok, sa ibang banda naman, hindi talaga malilimutan ang mga linyang “ na tae ka..!, “ sayop imong pamato.. “ at “ salamat naa nakoy balay.. “, sapagkat ang larong ito ay isa sa mga sikat na laro ko noon, ewan ko nalang kung ano ang tawag ng larong ito sa mga Ilonggo, Tagalog, at iba pa. Pero alam niyo, ito ay  tinatawag na “ tin tin bata “ at “ tin tin cross “ sa mga Hiligaynon. Ang paraan sa paglaro nito ay napakadali lang, kailangan mo lang tumalon gamit ang isang paa lang, dapat malagay mo ang pamato mo sa dapat nitong landingan at higit sa lahat hindi mo dapat  apakan ang mga linyang nakaguhit sa sahig, dapat talaga. Kung maapakan mo ang isa sa mga linya ay tiyak papalitan ka ng ibang kalaro mo.
Ang larong ito ay mas kilala bilang “ saya saya “ at “ tingking cross “, ang mas nakatatawa pa nito ay may lumitaw na bagong laro na nang lumaon ay naging tanyag na sa tawag na “ vecks-vecks “. Sure talaga, ito ay nilalaro na hindi ka dapat tumitingan sa baba, kailangan mong tumalon at nang tumalon na hanggang mapasa mo ang pagsubok at meron talagang papalit sayo kung nagkamali ka ng apak.
Sino kaya dito sa atin ang hindi nakakakilala ng larong “ Chinese garter “, oo, tama ang narinig mo. Baka akalain mo mga babae lang ang marunong maglaro nito. Kung iyong mararapatin  ikaw ay nagkakamali. Sapagkat hindi lamang mga babae sa amin ang naglalaro nito sa amin, para ngang mas magaling pa ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Sa hindi lang sa pagmamayabang isa ako sa mga “ varsity “ sa ganitong laro , kung cartwheel ay napakamadali lang kung pagtalon ng hanggang ulo? Ay napakasisiw lang baka hindi mo alam hindi lang basta ulo ang kaya kung abotin. Sa mga hindi pa alam kung ano ang paraan ng paglaro nito, ang dapat mo lang gawin ay ipahawak mo lang ang magkabilang dulo ng garter sa iyong mga kalaro, magsisimula ang  ang laro sa pinaka mababang lebel sa paa, patungong tuhod, tapos sa bewang, sa kilikili, sa leeg, sa ulo at sa 1 hanggang 3 inch daw. At iyon, ang dali dali lang.
Sa “ jackstone “ kaya, alam mo? Hahaha…. Kung hindi mo naitatanong, ako lang naman ang undefeated sa amin sa 4rth year hayskul kung jackstone ang pag uusapan, kasi nga napakadali lang ng paglaro nito. Gusto mo bigyan kita ng mga tips para mgiging magaling ka katulad ko? Dapat una meron ka munang pera pangbili ng jackstone yaong bola at mga stone, pagkatapos magpraktis ka lang ng magpraktis sa bahay mo hanggang maging kasinghusay mo ako. Yun, meron bang mga tanong? Wala, ah sige nakuha mo na rin ang mga magic tips ko.
At sige, papunta na tayo sa isa pang laro na gustong-gusto ko. Tinatawag itong       “ patintero”, alam mo na man siguro kung ano ito lalaruin kaya hindi ko na tatalakayin pa ng husto kung ano ito talaga.
Ganito talaga ang laro ko noong bata pa ako, masaya ako sapagkat isa ito sa mga  naghubog sa akin ngayon at kung bakit ako naging ganito ngayon. Kung titingnan natin meron talagang pagkakaiba sa mga laro ko at sa ibang laro pero parang sa pangalan lang siguro nagkakaiba. Pero higit sa lahat ang pinaka-importante ay nalaman ninyo ang mga laro ko noon.