Sa
panahon natin ngayon napakalaki na talaga ng diperensya ng mga laro
natin noon at ngayon. Kasi noon ang mga laro natin, ay ang buong
katawan talaga an gating ginagamit, gaya ng bato-lata, ito ay ang
laro kung saan may isang lata na babantayan ng taya dahil yung nga
hindi taya ay babatuhin nila ang lata gamit ang isang tsinelas upang
matamaan ang lata upang matumba ito at pwedeng makuha ulit ang
tsinelas na ibinato nila, ngunit kapag naipatayo na ulit ang lata ng
taya ay kailangan na nilang bumalik muli sa kanilang kampo dahil
huhulihin sila ng taya at yung mahuhuli ay siya na naman ang
magiging taya, may isa rin akong laro noon na tinatawag na patintero,
na kung saan may dalawang grupo, at kung may isa kang ka-grupo na
mahuhuli ay ang inyong grupo na naman ang magiging taya, at ang isa
ko pang gustong-gusto na laro ay ang larong tinatawag naming na
tuhog-tuhog, kung saan yung rubber band ay binabaon naming naming sa
lupa at tsaka kukunin naming siya ulit gamit lamang ang isang
kapirasong walis ting-ting at yung may pinakamaraming makuhang rubber
band ay siya ang magiging panalo. Marami pa akong ibat-ibang laro
noon gaya ng litik, slipper game, lastiko, sagudsod,
takingking-cross, dakpanay, Chinese garter, luksong-tinik,
labay-tunga, bulan-bulan, bikaka, syomoy at marami pang iba. Noon
marami talaga akong ibat-ibang larong nalalaman, kay nga dahil dito
ay marami rin akong naging mga kaibigan, minsan nga namimiss ko ang
maging bata dahil na rin sa mga larong ito.
Pero
kahit ganoon paman ay kailangan talagang magpatuloy pa rin ang buhay,
at heto nga, kung noon ay may ganoong klase ng mga laro, ngayon naman
ang mga laro ko ay yung mga larong hindi masyadong ang aking buong
katawan kasi sa mga laro ngayon ang ginagamit mo lang ay ang kamay,
mata, imahenasyon at syempre hindi rin mawawala ang teknolohiya, gaya
ng cellphones, computers, gameboy, ps1, ps2, psp, at iba pang klase
ng mga playstation. Sa ngayon ang computer ang pinakasikat na laruan
o di kaya’y libangan ng mga bata, teenager at kahit na mga
matatanda.
Noon,
kung ang laro ko ay tirador at luthang na ginagamit upang tamaan ang
isang bagay o di kaya’y tao, ngayon naman may isang laro sa
computer na kung tawagin ay angry birds, na kung saan gamit ang isang
angry bird bilang bala, ay tamang anggulo at isang click mo lang ay
matatamaan mo na ang gusto mong tamaan sa larong ito. At noon meron
ring isang larong tinatawag na paun-paun na kung saan bawat isa ng
miyembro ng grupo ay may responsibilidad na protektahan ang kanilang
kampo, na kahit na maging pain o “paun” ang isang miyembro ay
isasakripisyo nila ito upang maprotektahan lamang ang kanilang kampo
at syempre responsibilidad rin nila ang bawiin mula sa kalabang kampo
ang kanilang nahuling kasama. Well merong ring ganito ngayon, ito ay
isa ring laro sa computer, na kung saan ang plants ay pinoprotektahan
nila ang mga brains na gusting kainin ng mga zombies at kahit na
makain rin sila ng nga zombies ay okey lang basta hindi lanh makain
amg pinakamamahal nilang brains. At ang larong ito ay tinatawag na
plants vs. zombies. At kung noon naman ay may laro tayong
baril-barilan, ngayon may laro na tayong tinatawag na K.O.S na kung
saan para mo talagang totoong pinapatay ang iyong kalaban. Marami rin
akong mga ibat-ibang laro ngayon gaya ng tetris battle, icy tower,
the sims social, poker, robot unicorn, maple story, it girl,
fashionista face-off at marami pang iba.
Totoo
ngang malaki ang pinag-kaibahan ng mga laro natin noon at ngayon pero
hindi mo talaga maiiwasang maipaghambing sila dahil may koneksyon
sila.
Pero
kung ako ang papapiliin kung alin sa dalawa ang mas gusto ko, ang
pipiliin ko ay yung mga laro ko noon kasi, sa panahon natin ngayon,
minsan ka nalang makakakita ng mga batang naglalaro ng ganitong uri
ng mga laro, at dahil dito mas naeengganyo akong ilaganap ang
ganitong uri ng mga laro. Kasi sa mga ganitong uri ng laro marami
kang nakukuha na benepisyo, isa na rito ay ang kalusugan sa katawan,
kasi sa mga laro noon pisikal na katawan mo talaga ang iyong
ginagalaw at nagiging malusog ka rito dahil ang mga rito galaw mo ay
nagsisilbi ng exercise, hindi kagaya ngayon na marami ng mga batang
masakitin dahil hindi na sila naglalaro ng uri ng laro noon imbis
palagi nalang silang naglalaro ng computer at dahil dito mas marami
na silang nakukuha na mga sakit, isa sa mga halimbawa nito ay ang
sobrang pagka adik ng mga bata dito at minsan ay hindi na sila
kumakain at hindi lang ito totoo sa mga bata kundi pati na rin sa
mga matatanda. Isa rin sa mga benepisyong nakukuha sa mga uri ng laro
noon ay ang pagiging palakaibigan mo, sa mga larong noon ditto mo
minsan masusubok ang tunay na pagkakaibiganan, kaysa naman ngayon na
marami ka ngang “friends” hindi mo naman malalaman kung totoo
sila dahil sa computer lang kayo magkaibigan, at sa computer lang
sila nakakapaglaro. Ngunit sa ibang ibang aspeto naman ay may dulot
din naming benepisyo ang mga laro ngayon. Kasi para sa ibang tao ay
nagsisilbing kaligayahan ito para sa kanila kagaya nga ng isang
kakilala ko na kahit wala silang pera ay kapag nakakapaglaro siya ng
isang laro sa facebook ay nawawala daw lahat ng kanyang nga hinaing
dahil napapaligaya siya ng larong ito, siguro para sa iba kahibangan
lang ito dahil hindi naman ito totoong kaligayahan dahil panandalian
lang ito. Pero base sa pagkakasabi niya nito sa akin ay nararamdaman
ko talaga ang emosyon niya habang sinasabi niya ito sa akin ay wala
talaga akong ibang magawa kundi intindihin na lamang siya dahil para
talagang nagiging masaya siya kapag naglalaro siya nito.
Alam
ko na sa ibang tao ay mas gusto nila ang mga laro ngayon kasi nga ay
mas high-tech ito, para sa rin sa’kin nirerespeto ko ang, kasi
minsan nga rin nawiwili ako sa mga laro ngayon gaya ng sikat na sikat
na aro ngayon sa facebook ang tetris battle. Sa lahat ng laro sa
computer sa larong ito lang talaga ako na “adik” kung sa bisaya
pa. Kasi sa larong ito na cha-challenge ako dahil bukod sa kahirapan
na ipag kabit-kabit ang mga tetrimino, ang isa mahirap dito ay may
kalaban ka at ang mga kalaban mo pa ay mga taga-ibang bansa. Inaamin
ko na gustong-gusto ko talaga ang larong ito ngunit hindi pa rin nito
mapapantayan ang pagmamahal ko sa mga laro ko noon kasi ayon nga sa
kasabihan “first love never dies”, hahahaha….
At
syempre higit sa lahat, kailangan lang talaga nating lahat ang
balanse sa kanya-kanyang mga laro natin hindi lang sa mga laro natin
noon at ngayon kundi pati narin sa mga laro ng buhay.
http://larokonoon.blogspot.com/
ReplyDelete