Nitong mga nakaraang araw, hindi ko manlang napansin, ubos na pala
ang perang pang-allowance ko? Saka naisip ko, halos isang lingo rin pala
ako sa kompyuteran. Kunwari may ginagawang project hayun, nagdodota
pala, opz! Huwag mo ankong ibuking kay lola hapf?, sige kah gusto mo
pagalitan ako?
Taggdadalawang
oras ako kung magbuhos ng oras sa kompyuteran , 15 pesos ang oras at 20
pesos naman ang pustahan namin kada game. Minsan panalo pero kadalasay
talo ako, mas magaling kasi sila keysa sa akin. Naalala ko tuloy noong
nasa high skol pa ako. Alam mo
ba kung saan ang standby area ko tuwing lunch break?..sa kopyuter
laboratoryo n gaming skol. Hindi naman ako opisyal doon, ito kasing guro
naming eh!, lagi kaming pinapatawag ng kaklase kong babae din,
scheduled na kasi kaming maglaro ng dota, syempre hindi kami
nagpupustahan, nasa skol kasi eh!.. wala rin naman kaming bayad maglaro
doon ng dota kasi yung kalaban ko sa dota ay ang guro naming sa pisika,
wala ring trouble kasi siya rin iyong incharge sa kompyuter laboratoryo,
so ok kami!..ay! hindi pala araw-araw, mga tatlong beses lang sa isang
linggong pasok, kasi pag martes ay doon sa kompyuter laboratoryo
nagmemeting ang mga guro at kapag huwebes naman ay ginagamit ng mga skol
journalist yung komlab. Minsan naman tinatamad akong makipaglaro ng
dota, kasi nga lagi akong talo, nakakainis!.ginagawa ko nalang libangan
ang magsurf sa internet, nag yayahoo, at nagfafacebok ako. Ay naku kung
alam mo lang, 351 na ang level ko sa paglalaro ng farmtowm sa
facebok. Naisip ko nga minsan eh, sana totoo nalang ang pera, bahay,
lupa at mga ari-arian sa farmtown sa facebok, hindi n asana ako
nag-aaral ngayon,,eh ganun talaga eh, hanggang sa panaginip nalang yun,
ay!, hindi pala, hanggang sa pag fafarmtown lang pala.hahah
Hay
naku!,, puro pagkokompyuter na talaga ang laman nitong utak ko. Alam mo
kagabi na nanaginip ako?,, medyo weird nga lang pero makabuluhan din
kung iisipin.
“pumunta
raw ako sa isang pamilyar na lugar, hindi ko lang matandaan. Doon ay
may isang konkreto, maliit na bahay at ang gandang tingnan dahil kulay
bughaw ang pintura nito sa labas. Pumasok ako sa bahay na iyon , iwan ko
kung maniniwala kayo. Higit bente ang mga taong….este mga batang
naglalaro ng kompyuter doon. Na excite tuloy ako, parang nakakainganyung
maglaro rin, at hayun may
nakita ako, isang bakanteng kompyuter doon sa sulok. Dali-dali ay
lumapit ako doon upang gumamit at minamalas nga naman, naunahan pa ako.
Kaya wala akong magawa pinanood ko nalang sila, nakakatuwa. Nakalimutan
ko tuloy mga bata pala itong mga nadito. Nagtanong ako sa isa sa mga
bata “ bata, ilang taon kana? Bakit kopyuter ang laro mo?” “ anim na
taon na ako, ditto ako naglalaro kasi andito ang mga laro na babagay sa
batang tulad ko”sagot ng bata. Batang tulad ko?napaisip ako, ang weird
naman, eh bakit ditto sa kompyuteran? At saka ko lang napansin, may
naglalaro ng slipper game, in-in, Chinese garter, bater-lata, balay-
balay, dampa, golen-golen, aper og sticker, maring-maring at saka
paun-paon. Nalito tuloy ako, bakit ganito? Mga laro ko noon yan
ah!,,pero bakit? Sa kompyuteran na rin ba uso laruin ang mga iyon? Hay
naku, naisip ko tuloy “ siguro, sa susunod pang mga henerasyon, ang mga
larong iyon na kung tawagin ay mga pisikal na laro ay sa
kompyuter na talaga lalaru-in. bakit nga ba hindi? Eh nandito na nga
eh!,, nakikita mo naman diba? Kung saan kamy, mata at utak nalang ang
gumagalaw para ma-enjoy mong laru-in ang mga laro noon. Hindi ako
makagalaw sa kinanatayuan ko, manghang-mangha talaga ako. Grabe ang
teknolohiya ngayo, napaka high-tech na, at sigurado akong Pilipino ang
nag-imbento ng mga kompyuter na iyan. Eh kasi sa pilipinas lang usong
laru-in ang mga iyo, kumbaga larong pinoy iyon. Akalain mo nga naman,
nag level-up na ang pinoy. Exaggerated mang isipin pero ok na
rin.hanngang sa akoy magising at napag alaman na panaginip lang pala ang
lahat ng iyon.
Iba
na talaga noon at ngayon. Kung ikukumpara malayo na rin talaga ang
kabataan noon at ngayon. Ang mga laro kasi noon ay mga larong pang
pisikal. Takbo ditto, takbo doon. Kagaya ng larong patintiro,in-in kung
tawagin sa aming probinsya, kung saan
grupo-grupo ang paglalaro nito at papasok ka sa rektanggulo at kapag
nahuli ang isa ay ang kalaban na naman ang maglalaro. Ang slipper game,
kung saan tinatapon patalikod na taya ang tsinelas at kung masalo ng mga
nsa likod ay talo ang taya at kung hindi naman ay magiging mistulang
manikin na hindi kikilos ang mga tao sa likuran hanngang sa pulutin ng
taya ang tsinelas. Ang balay-balay, kung saan ay may kunwa-kunwaring
ina, ama at anakpara mabuo ang isang masayang pamilya. Ang bater-lata,
kung saan may lata at tinitira ito ng tsinelas at kung matumba ang lata
ay kukunin ng mga manlalaro ang kanilang tsinelas ngunit siguraduhing
hindi ka mahuhuli ng taga bantay ng lata at kung ikaw ay mahuli ay ikaw
na naman ang magbabantay ng lata. Ang Chinese garter, kung saan may
garter at tatalunin mo hanggang pataas ng pataas ito. Ang paun-paun,
kung saan may dalawang grupo at may tinatawag na bahay na
pinoprotektahan ng bawat grupo upang hindi ito maagaw ng
kalaban. Ang maring-maring, kung saan sa larong ito ay pwede ang
dalawang pares lang, ginagamitan ng pares ng tsenilas. Ang dampa, kung
saan lastiko ang ginagamit at dinadampa ng kamay upang manalo. At ang
paborito kung laro na onggoy-onggoy , kung saan gumagamit ng baraha at
kailangan lahat ay may pares upang manalo.
Ang
mga nilalaro ko dati ay ibang-iba sa mga nilalaro ko ngayon. Ngayon
kasi, lagi nalang akon sa kompyuteran, hindi pa ako pinapawisan dahil
air conditioned at magastos pa sa pera. Uso na talaga kasi laru-in ang
farmtown sa facebok ngayon, yung magkakaroon ka ng sarili mong farm at
magtatanim, mag-aani at pwede ka pang magbenta ng iyong ani at
ari-arian. Yun nga lang sa facebok lang at hindi sa totoong buhay. At
ang larong tumblebugs, isa sa mga nakahiligan kung laru-in sa kompyuter,
kung saan may ibat-ibang kulay ito at ipinagtatlong pares mo
ito ng kulay hanggang sa maubos ang lahat ng mga bola at panalo kana.
Marami pa ang mga laro na kinamamahalingan ng mga kabataan ngayon,
kagaya nalang ng dota, na tulad koy adik rin sa larong ito, elements
qou, chuzzle at marami pang iba.
May
ibat-ibang uri man tayo ng mga laro, ibat-ibang paraan man ang gamitin
natin sa paglalaro ng mga ito, mahirapan ka man sa paglalaro, ang
importante ay nag-eenjoy ka sa ginagawa mo. Ang nilalaro ko noon at
ngayon, alinman sa mga larong iyonay nakapagbigay sa akin ng aral at
saya. Hindi na importante kung anu ang nilalaro mo upang aliwin ang
sarili, para akin noon man o ngayon, ibat-iba man ang paglalaro ay
pareho paring nagdadala ng saya sa ating mga munting puso.
No comments:
Post a Comment