Monday, October 10, 2011

DALI! HAMPANG TA!


Laro ng mga musmos ay kay sarap balikbalikan. Ang daming mga tanong sa bawat isipan ngunit paglalaro pa rin ang nahuhumalingan,
Takbo dito, takbo doon. Parang walang bukas kung maglaro. Ang sarap maging bata.
Naalala ko pa noong aking kapanahunan, palagi akong napapagalitan dahil pag-uwi ko sa bahay ay ang dungis ng damit at ang dumi ng mukha. Minsan nga noong ako’y kinder pupil ay mayroon akong kababatang nagngangalang Inday. Anak siya ng trabahanti ni Lolo Lipe, aking lolo na ama ng Papa ko, na si Angkol Tonyo. Siya ang aking kalaro. Ang laruan ko noon na isang set ng dinner utensils ay ginagamit at pinaglalaruan namin sa lupa. Gumagawa kami ng cake gamit ang hinulmang lupa at nilalagyan ng toppings na mula naman sa mga halaman at tanim na bulaklak ni Lola Luding, asawa ni Lolo Lipe, at ang juice naming ay tubig na may halong katas ng kalamansi para maging kulay dilaw ang tubig at mukha na itong juice. Ngunit hindi naming ito kinakain, sa halip ay sa laruang manika naming ito ipinapakain. Sa kulungan ng baboy sa may likod bahay kami nagtayo at naglalaro ng bahay-bahayan dahil wala pang lamang baboy ito. Pag-uwi galing sa maghapong paglalaro ay sinturon agad ni Lolo Lipe ang salubong. Dahil sa wala si Papa, na nagtatrabaho sa malayong lugar bilang isang sundalo ay nakasunod din si Mama, ay sina Lolo at Lola na ang nag-aalaga sa akin kaya sobrang disiplina na kahit maglaro ay limitado at dapat na matulog para maging malusog daw. Ngunit dahil sa matigas ang ulo ay palaging palo at kusnit sa tagiliran ang abot sa kamay ni Lolo at Lola.
Habang isinalaysay ko ang mga pangyayari noon ay napapangiti na lamang ako. Ang daming mga kalukuhan na nagflashback sa memorya ko. Ang dami kong mga larong naranasan noon ngunit hindi na ng mga kabataan ngayon.
Ito naman ‘yung mga laro ng nasa elementarya ako. Sa unang taon ko sa Marbel 5 Central Elementary School ay puros laro lang ang nasa isip, walang panahon mag-aral. Taong 2000 iyon ng mauso ang larong, “PS I Love You.” Marami kaming naglalaro, isa ang taya at maghahabulan. Kung sino yung naabutan ay sasabihan ng “freeze” tsaka naman hihinto yung naabutan. Ang mga hindi nafreeze ay may pagkakataong iligtas ang kasama sa pamamagitan ng pag-abot ditto sabay sabi ng “PS I Love You.” Nakakahiya kung lalaki ang pagsasabihan nito at mag-uumpisa ang asaran. Mayroon ding larong “Sili-sili” na habulan din ang tema at isa ang taya. Maghahabol ang taya at pag may naabutan ay magsasalita ng “sili”,hihinto naman yung naabot at mag-aacting na maanghang ang bibig at ang iba naman ay sasagipin ang kasama sa pamamagitan ng pag-abot dito sabay sabi ng “water.” Masaya rin ang larong “Lupa Langit.” Nakagiliwin din naming itong laruin.
Kung ang mga pinsan ko ang kasama ko ay maglalaro kami ng “Batang X”. sa larong ito ay magkakaroon ng dalawang grupo. Ang mga gagamitin sa laro ay 2 pares ng tsinelas. Ang isang pares ay gagawing ekes, may isang gagawing pantukod sa ekes at ang natira ay gagawing “batano” para patumbahin ang ekes sa layong 15 meters. Pagnatumba nag ekes ay maghahabulan na. Kailangan matamaan ang grupong tumira gamit ang tsinelas na pampukol sa ekes, ngunit kung mailap at magaling umiwas o magtago nang grupo ay kailangang maitayo muli ang ekes at magkakapuntos sila ng isa. Sila ulit ang titira, kung nataman ang bawat myembro ay ang kabilang grupo naman ang maglalaro. Lakas ng katawan, bilis ng takbo at matalas na isipan nag kailangan sa larong ito kundi ay talo palagi. Kung nababagot na sa larong ito ay papalitan ng “Taguan.” Mas masaya ang larong ito dahil pwedeng abutin ng dilim dahil sa hirap hanapin ng mga nagtatago.
Nauso rin sa amin ang larong “Chakay”. Para itong international game na “softball at baseball.” Ngunit sa halip na bola at may bat na gamit ay isang piraso lang ng tsinelas ang kailangan. Magkakaroon ng dalawang grupo na pantay ang bilang. May diamond na bubu-uhin at may “pitcher” kung sa baseball pa sa gitna. Magkakaroon lamang ng isang pagkakataon para sipain ang tsinelas at kung masasalo ng kabilang panig ay out na ang isang myembro, ngunit kung hindi masasalo ay tatakbo sa unang base. Ang mga rules at regulation sa laro ay pwedeng ihambing sa softball at baseball. Umusbong din ang larong “Bagoong-bagoong.” Magkakaroon ulit ng dalawang grupo na may kanya-kanyang base o home. Katulad ng sa amin, magkatapat ang home base ng dalaawang grupo at ito ay punong-kahoy. Ang tema ay habulan pa rin at kailangan may nakabantay na myembro sa base dahil pagna safe ng kabilang grupo ang home base ng kalaban ay talon a nag kalaban. Ito pang isang laro na nauso sa buong Pilipinas, ang larong “Chinese Garter.” Sino nga ba naman ang hindi maglalaro nito na kahit ‘nung nasa high school na ako ay usong-uso pa rin ito. Fourth year na kami noon ng ibalik naming ang larong ito sa school, ayon sumunod din ang mga lower years sa laro. At dahil sa kalukuhanag iyan ay napatawag kami sa Principal’s Office at napagsabihan.
Habang hinahalungkat ko ang mga event na ito sa buhay ko ay napapatawa ako. Ang sarap bumalik sa pagkabata. Ang sarap- sarap ng feeling.
Ngunit, kabataan ngayon ay wala na sa mga larong iyan. Hindo nay an uso sa kanila. Ngayon na nagkalat na ang mga video games sa bawat tindahan, internet café sa bawat sulok ng daan, PSP 1 at 2, wii PlayStation, iPod nano. iPad 1 at 2, Macbook, Notebook, Laptop, Gameboy, PC at cellphones ay parang magic na na-disappear ang mga larong Pinoy at napalitan ng mga larong pang-western. Hindi na na-exercise ang mga bagets ngayon, babad na lang sa computer at wala ng oras sa pag-aaral. Palaging bagsak sa mga academics dahil sa halip na umatend ng klase ay hayon sa computer café sumali sa tournament ng pinakasikat na laro sa bansa na “dota.” Ang daming nahuhumaling sa larong ito. Ang mga kabataan ay natuto ng magnakaw sa sariling ina at mag-absent sa klase ng dahil lang sa larong ito. Minsan ay hindi na umuuwi at kumakain sa pagka “adik” sa laro. Mas lalo pang nadagdagan ang mga computer addicts ngayon dahil sa mga na-uusong laro tulad ng “plants vs. zombies, farm mania, angry birds, bookworm, tetris, mortal combat, GTA, at madami pang iba.”
Ayon nga sa kantang “magpakailanman” ng Rocksteddy ay:
“..darating din ang araw na tayo’y tatanda, babagal ang mga paa at manlalabo ang mga mata at hindi mamamalayan ang pag-ikot ng mundo, darting din ang panahon na malalagas ang buhok, balat ay kukulubot at makukuba ang likod…darating din ang bukas na tayo’y kukupas, ang buhay ay magwawakas kasama ng gunita....panahon ay lilipas din, mga araw ay daraan, ang mundo ay papanaw din…”
Sa mga linyang ito ay napaisip ako na ang swerte ko dahil kahit na matigas ang ulo ko noong ako’y bata pa ay at least naranasan kung maglaro at kay sarap balikbalikan ng mga panahong ito. Ang sarap sa pakiramdam na sabihing “wow! Nagawa at nalaro ko yan lahat. Masayang gunitain ang kahapon at sabay sigaw sa mga tropa ngayon “dali!hampang ta!” sa tagalog ay “tara!laro tayo!.”

No comments:

Post a Comment