Monday, October 10, 2011

ALIN ANG ANG MAS MAGANDA LARO NOON O NGAYON?

Noong bata pa ako  mahilig akong maglaro ng mga laro sa aming baryo o mga laro ng ating lahi. Damang dama ko talaga ang aking pagkabata at kalayaan kaapag ako ay naglalaro noon kasama ng aking mga kaibigan. Pero paminsan minsan hindi ako pinapalaro kapag tanghali dahil oras daw iyong ng pagtulog . Marami kaming nilalaro noon kagaya ng tumbang preso tumbalata ang tawag sa amin ng larong yan, patentero, taguan, at habulan ilang lamang yun sa mga laro sa amin. Halimbawa para sa tumbang preso, isa lamang ang taya na nagbabantay sa lata para hindi matumba, at hinahabol ng taya ang sino mang lumapit sa lata ng sardinas. Sa larong ito, nasusukat ang iyong bilis para habulin ang iyong mga kalaro  , masusing pag unawa upang malaman kung sino ang pinaka mabagal sa inyong grupo atiyong liksi kung gaano ka kaliksi nakumuha ng lata at ibalik nito sa dating posisyon. Sa patentero, dalawang magkabilang grupo ang kasali sa larong ito, bawat grupo ay may parehong bilang ng mga miyembro. Sa unang grupo, sila ang dumidepensa sa kanilang bahay upang hindi mapasok ang kanilang kampo. Sa kabilang panig  naman, sila ang papasok sa kampo ng kalaban na grupo. Sa larong ito kailangan ang liksi ng bawat miyembro at pagkakaisa ng bawa grupo upang makamit ang tagumpay. Para naman sa taguan ito ang pinaka paborito ko sa lahat ng lahat ng mga laro dahil dito ginagamit ang iyo utak sa paghahanap ng iyong kalaro. Dito mo masusukat ang iyong pagkakabisado mo sa lugaar ng inyong paglalaruan. Masaya ang larong ito dahil dapat alisto ang taya sa paghahanap sa kanyang kalaro at dapat hindi siya lumayo sa kanyang bahay dahil kapag nagkataon na ang kanyang hinahanap  ay nakapasok, siya ay matatalo.
              Sa panahong iyon ay mas sagana pa ng sariwang hangin ang aming nilalanghap at Malaya pa kaming nakakapaglaro doon sa bakanting lote na dati ay isang sakahan ngayon ay gagawin ng isang pang kolehiyong paaralan. Kaya dahil doon wala na kaming lugar na pag lalaruan at sa kasamaang palad magiging isang maduming lugar na ang aming pamayanan na dati ay malayung malayo ang anyo sa isang syudad. Dahil patuloy ang paggawa ng aming mayor ng mga makabagong inprastaktura upang paunlarin pa aming pamayanan tulad ng bago naming palengke na dati ay maliit lamang pero sa ngayon pinalakihan na at ang aming bagong Bus terminal na pinalakihan pa ng espasyo na sa ngayon ay malapit ng matapos. Dahil sa mga Gawain pagpapaunlad sa aming pamayanan unti-unti kaming nalalayo sa dati naming maayos at malinis na kapaligiran, hindi ko maikakaila na malaki na ang asenso sa aming baryo at hindi ko masasabi na ang lahat ng kanilang ginagawa ay puro masasama dahil gusto lang n gaming mayor na paunlarin ang aming baryo. Pero hindi ba tayo pwedeng mamuhay ng simple, noong unang panahon ba hindi ba sila nabuhay kahit walang teknolohiya? Kaya dahil sa mga ito unti- unti tayong nilalayo sa ating pagka Pilipino. Dahil sa patuloy ang pag-unlad  ng aming pamayanan marami ng makabagong teknolohiya ang laganap na sa amin at patuloy na inihahatid sa amin upang gawing bagong kaaliwan ng mga tao ito ang kompyuter.
                   Maraming makabagong laro ang pinagkakagulohan ng mga kabataan ngayon sa kompyuter kung sa noon naglalaro kami ng mga taguan ngayon unti-unti kaming hinihila patungo sa laro ng kompyuter. Naroon ang DOTA isa sa kinababaliwan ng mga kabataan ngayon, kagaya ng aming kapitbahay na si Gelo gabi-gabi na siyang naglalaro ng kompyuter n gaming kapitbahay at paminsan minsan tinatawag siya ng kanyang tatay kapag oras na ng tulogan. Para sa akin masayang laruin ang DOTA dahil nahahasa ang iyong isipan na kung paano mo patutumbahin ang kalaban. Ang dota ay napakakomplikadong laro para sa mga baguhan pero pagnasanay ka nang maglaro parati mo na itong maiisipan kahit saan ka magpunta hindi mo na ito maalis sa iyong isipan. Tulad din ng Counter strike isang laro ng kung saan parang totoong tao kana sa kompyuter isa itong laro na para kang isang magiting na sundalo para sagipin ang iyoong bansa laban sa mga terorista. At isa pang laro ay ang Conquer, mayron akong kakilala na adik na sa larong ito na halos hindi na natutulog dahil maglalaro na lamang daw. Ginagawa na niyang bahay ang internet café doon. Sabi pa niya kapag naibenta ang character mo sa larong ito magkakapera ka daw depende s layo na ng level mo. Ang isa naman sa kinababaliwan ng mga kabataan ngayon ay ang bagong online games ngayon na cabal halos magkatulad lamang sa conquer, siguro binago lamang nila ang mga pangalan subalit pareho lamang ang laro.
            Mayroon namang iba na mahilig sa mga laro na masyadong delikado tulad na lamang nang skate boarding na imbis sa semento lang nilalaro ngayon ang iba ay nasa hagdanan na nila ginagawa. Hindi pa siguro sila kuntento sa paglalaro ng maayos kaya ginagawa nilang mas kapanapanabik sa mga manonood o kaya’y gusto pa nilang magpasikat sa ibang mga tao. Kulang na kasi ng mga patnubay ang karamihan sa ating mga kabataan sa ngayon ng kanilang mga magulang na naglalapit pa sa masamang landas nito. Dahil siguro ito sa pagiging abala ng kanilang mga magulang sa trabaho o kaya nama’y dati ng walang magulang kaya napabayaan . Kaya ang iba pumupunta na sa internet café dahil adik na sa laro ng kompyuter at ang iba naman nalulung sa bisyo para makasabay sa grupo o para mapansin ng abala nilang mga magulang. Ewan ko ba ba’t hindi pinagmumulta ng gobyerno ang mga may-ari ng internet café na malapit  sa mga paaralan. Dahil sa mga makabagong laro natin ngayon naaadik ang atingg mga kabataan sa kompyuter. Hindi ko mapagkakaila na maganda talaga ang paglalaro nito at nakatutulong ito para mahasa ang iyong bilis ng utak para magdisesyon agad sa ibat-ibang  sitwasyon.
              Amg laro naman noon ay nakakatulong sa pag-unlad ng iyong mga kakayahan at paghasa na rin ng iyong natatagong mga talento. Nakakatulong din ito para maging malakas ang iyong resisitensya laban sa mga sakit at  isa rin  ito sa dahilan para matuto tayong makihalobilo sa ibat ibang anyo ng tao o ugali ng isang tao. Sa mga laro din noon nahuhubog ang ating pakikipagkapwa tao, respeto sa isa’t isa at higit sa lahat sa laro noon ditto tayo masaya. Hindi natin masusukat  kaligayahan ng isang bata kapag siya ay malayang nakikipaglaro kasama ng kanyang mga kaibigan. Sa laro natin ngayon nasusukat ang mental na abilidad ng isang tao, dito rin nasusukat kung gaano tayo kabilis gumwa ng desisyon  at plano sa maikling panahon lamang.  Nalalaman din natin ang ating kamalian na  pwede pa nating i-tama. Kagaya ng ating mga adik ngayon pwede pang magbago.
           Hindi ko sila maiikumpara ang laro noon sa ngayon dahil ang noon ay noon at ngayon ay para sa ngayon. Ang laro noon ay Masaya nangangailangan ng tatag at ngayon kailangan ng utak. Kung sasabihin kung mas Masaya noon kaysa sa ngayon at mas Masaya ngayon kaysa noon dapat ko itong patunayan. Kung sasabihin mong mas Masaya noon dapat mong patunayan na mas Masaya noon ,  subukan mong hindi maglaro ng kompyuter  at gawin mo kung ano ang nagpapasaya sa iyo. At kung sinaabi mong mas Masaya ngayon siguro hindi mo naranasan ang iyong pagkabatang paglalaro dahil nagmamadali kang tumanda para magkaboyfriend/girlfriend. Dahil nasa isip mo pagmatanda ka walang bawal bawal. Ang payo ko lamang disiplina ang kailangan hindi ka maadik kung hindi ka masyadong naglalaro nang sobra, lahat ng sobra ay masama. Mapanoon o ngayon na laro ay nakakaadik ngunit disiplina sa sarili ang kailangan.

No comments:

Post a Comment