Monday, October 10, 2011

“Mga Laro Ng Aking Kabataan”

Paglalaro ay isa sa mga bagay na nakakapagpasaya sa isang bata, dahil kapag sinabing “LARO”, ang unang pumapasok agad sa isip ng isang bata ay “SAYA”. Parte na talaga sa buhay ng isang bata ang paglalaro. Sa pamamagitan nito, maraming katangian ang nabubuo o nalilinang. Hindi talaga maipagkakailang lahat tayo, kahit matatanda ay sabik sa paglalaro. Maraming klase ng laro ang kadalasang nilalaro ng mag bata. Dito nakikita ang naiibang kasiyahan na nakukuha ng mga bata. At  sa paglalaro, dito kadalasan nabubuo ang pagkakaibigan na pwedeng tumagal hanggang sa paglaki. Gaya na lamang ng istorya ko:
            Bagong salta ako noon sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Wala akong kakilala doon kshit mga kamag-anak man lang. Wala akong kaibigan dahil nahihiya akong lumabas ng bahay dahil nga sa walang akong kakilala. Hanggang isang araw, may lumapit sa akin, batang lalaki na halos kasing edad ko lamang. Niyaya niya akong maglaro  ng BALAY-BALAY o mas kilala sa tawag nga bahay-bahayan. Doon ko nakilala ang mga bago kong  mga kaibigan. Masayang laruin ang bahay-bahayan, may nagpapanggap na ina, ama at anak. Dahil ako yung pinakabta doon, ako ang naging bunso kunwari. Sa larong ito nakikita ang pagiging “famil-oriented” ng isang bata kasi sa pamamaraan ng pagganap ng bata sa kanyang ROLE, nakikita kung papaano dinadala ng kanyang magulang ang kanilang pamilya. Kunwari ikaw yung ina, ginagaya lamang ng bata kung paano sila dinadala ng kanilang ina. Kung palagi silang pinapalo sa maliit na rason, nakikita iyon sa larong ito dahil kung ganoon ang nangyayari sa bahay nila, yun rin yung gagawin o gagayahin ng bata.
            Marami pang klaseng laro ang nilaro naming. Isa sa mga larong yun ang tinatawag na TUMBA LATA. Ito yung laro na ang lata ay ilalagay sa loob ng guhit bilog sa lupa. Kailangan tirahin ang lata gamit ang tsinelas para matumba upang makatakbo ang iyong mga kasama. Ang taya ang siyang magtatayo sa lata kapag natumba at pagnaayos na niya pwede na niyang hulihin yung nga kasali na tumatakbo na hindi umabot sa linya na parang nagsisilbing BOUNDARY LINE, kapag lumagpas kana sa linyang iyon, hindi kana huhulihin pa ng taya. At kung sino man iyong hindi umabot sa boundary line tapos nahuli na ng taya, iyon na ang magiging sunod na taya. Dito nakikita ang pagiging alerto ng mga kalahok dahil kung hindi ka alerto pwede kang maging taya. Dito rin nakikita ang pagtutulungan ng lahat maliban sa taya, dahil kailangan mong tulungan yung mga kasama mo makatakbo sa pamamagitan ng pagtumba ng lata. Isa ito sa mga paboritong laruin naming noong bata pa kami. Naiisip ko lage ang aking mga kaibigan kapag may nakikita akong mha bata ngayon na naglalaro ng laronh ito.
            PATINTERO ay laro na sa tingin ko ay paborito, hindi lamang ng aking mga kaibigan kung hindi pati na rin ng ibang tao. Masaya talaga ang larong ito dahil guguhit kayo ng malalaking parihaba sa lupa. Mas mainam na gamitin ang tubig sa pagguhit dahil hindi kaagad nawawala. Dumidepende ang pagguhit mo ng parihaba sa dami ng kalahok. Hahatiin niyo sa dalawang grupo ang mga kasali. Kailangan ng malaking espasyo kapag ito ang napili ninyong laruin. Dapat makakalagpas kayo sa mga parihaba ng hindi nahahawakan o nahuhuli ng grupong kalaban niyo dahil kapag nagkataon, kayo naman ang magiging taya. Nabubuo sa larong ito ang tinatawag na TEAMWORK sa mga kalahok sa larong ito dahil kailangan niyong magtulungan upang manalo kayo. Makikita din dito ang pagiging  wais ng mga kalahok dahil kailangan niyo mag-isip ng taktika at stratehiya  na gagamitin nila para mapagtagumpayan ang laro. Natatapos ang larong ito depende kung ang mga kalahok ay pagod na at gisto ng tumigil.
            Isa rin sa mga nilalaro naming palagi ay ang TAGO-TAGUAN. Nakakairita rin itong laruin minsan lalo na pag ikaw ang taya pero kung hindi naman ang okey lang. Ito ang kadalasan naming nilalaro ng mga kaibigan ko noon. Bata palang ako noon ito na iyong  palaging gusto kong laruin, kahit na naiinis ako minsan kapag ako ang taya. Madali lang ang paraan ng paglalaro nito, ang taya ay tatalikod at sasandal sa isang pader, magbibilang hanggang sa mayroong magsabi ng salitang “GO”  mula sa mga kalahok. Pero bago sabihin ng mga kasali ang salitang “GO”, dapat nakatago na sila lahat. Tapos sisimulan na ng taya ang paghahanap. Kung sino ang pinakaunang nakita ay siyang posibleng maging taya sa susunod na “GAME”, ngunit maari pa siyang ma-“SAVE”, kapag isa sa mga kalahok ay hinidi pa nakikita ng taya tapos hahawakan niya iyonhg pader kung saan nakasandal ang taya noong nagbibilang pa lamang ito at sasabihin ng kalahok ang salitang “SAVE”, kapag nagawa na iyon, magbibilang ulit ang taya at balik tago nanaman iyong mga kasali, ngunit kapag hindi nagawa iyon at lahat ng kalahok ay nakita na, iyong pinakaunang nakita ang siyang magiging taya sa susunod na game. Nadedevelop sa larong ito ang pagiging pasensyoso, dahil sa larong ito kailangan ng pasensya o PATIENCE sa paghahanap ng mga nagtatagong mga kalahok. Dapat din maging alerto sa larong ito upang hindi ka na maging taya ulit.
            Noong bata pa lamang akoay mahilig ako sa pagsasayaw, kaya naman hilig ko rin laruin ang tinatawag na “JEMPAPARU”. Sa larong ito halos puro bababe lamang ang sumasali. Dito sa larong ito, ang mga kalahok ay tatayo na nakapormang bilog, kung sino iyong naatasa na magsimula ng GAME ay siyang unang lalapit sa kung sino man iyong gusto niyang lapitan sa lahat ng mga kalahok, sasayaw siya sa harap ng nilapitan niya,tapos yung isang nilapitan ay siya nanaman ang pipili ng kung sino man iyong gusto niyang lapitan at sayawan. Ganoon lamang ang mekaniks nga laro, natatapos ang laro kapag titigil na ang mga kalahok at naubusan na ng mga STEPS na sasayawin. “CONFIDENCE”  ang na nalilinang sa larong ito dahil kailangan ng confidence  upang hindi ka mahihiya sa pag sasayaw sa gitna  kaya naman sa larong ito na dedevelop ang CONFIDENCE dahil unti unting nababawasan ang iyong hiya sa tuwing nilalaro niyo ito. At sa pamamagitan ng larong ito napapakita ang iyong talent sa pagsasayaw.
            Isa sa mga pampalipas oras naming nuon ay ang larong PAON-PAON. Kadalasan  naglalaro nito ay mga lalaki pero sumasali pa rin naman iyomg mga babae minsan. Ito yung laro kung saan hinahati sa dalawang grupo ang nga kalahok.Pipili ang bawat grupo ng isang lugar na magsisilbing “BASE”  o bahay ng grupo. Nagsisimula ang laro kapag isa sa bawat grupo ng  mga kalahok ang pupunta sa gitna at magsisilbing pain sa mga kalaban, kapag tumakbo ang kalaban upang hulihin ang pain sa kabilang grupo na nasa gitna, babalik naman sa base iyong pain. Ganoon lamang ang proseso sa larong ito, kapag mayroong nahuli ang bawat grupo, papatayuin ito na naka-EXTEND  yung mga kamay upang kung sakasakaling  makalapit ang kanyang mga kasamahan ay maSAVE pa yung nahuli.Ang mananlo sa lrong ito ay iyong grupo na maraming nahuli at hindi nasave na grupo. Makikita ang “TEAMWORK” sa bawat grupo dahil kailangan magtulungan silang lahat upang mahuli yung mga kalaban at kailangan rin nilang isave yung mga kasamahan nilang nahuli ng kalaban. Nasusubukan rin sa larong ito ang pamamaraan ng pag-iisip sa bawat kalahok sa pagbubuo ng TECHNIQUE at STRATEGY upng mapagtagumpayan ang laro.
            Sa lahat ng nga laro, ang pinakapaborito ko ay ang larong “DAKPANAY”. Napakasayang laruin ang larong ito. Kahit ilan ang sumali okey lang. Ito anng pinakasimpleng laro  na nilalaro naming nuon. Kung sino iyong  taya ay siyang huhuli sa mga kalahok. Tatakbo kahit saan man gusto ng mga kalahok. Kung sino iyong mahuhuli ng taya ay siya naman ang  manghuhuli. Pabalik-balik lang ang proseso ng laro. Nadedevelop  ang  “SELF-CONFIDENCE” sa larong ito dahil kailangan mong magtiwala sa sarili mo dahil wala kang ibang aasahan kung hindi sarili mo dahil ang larong ito ay individual at hindi  grupo.
            Lahat ng mga larong aking sinulat sa ibabaw ay ang mga laro na palagi namning nilalaro ng mga kaibigan ko. Dahil sa mga larong ito nagkabuklod-buklod ang aming samahan at dahil din ditto kung bakit mas naging malakas ang malakas ang pagkakaibigan namin. Laro ay isa sa mga dahilan kung bakit marami akong nagging kaibigan noong kabataan ko na hanggang ngayon ay kaibigan ko parin. Mas naging matatag ang pagsasamahan naming dahil sa patuloy naming paglalaro at sa tuwing naiisip naming ngayon iyong mga panahon na nagka sama-sama kami dahil lamang sa mga laro, hindi naming maiwasan ang matuwa kahit na nagka layo layo na kami sa isa’t  isa ay patuloy pa rin ang walang hanggang pagkakaibigan naming.
            Maraming bagay ang nagsisimula nang dahil lamang sa isang laro. Dito nagsisimula ang pagkakaibigan  at dito rin nagsisimula ang pag aaway, ngunit gayun pa man hindi dapat ito maging hadlang upang tumigil na tayo sa paglalaro. At kahit ganoon pa man, dapat maging masaya tayo dahil  sa pamamagitan ng “LARO” mas naging makabuluhan ang ating kabataan noon at dapat rin maging masaya pa tayo dahil may nakilala tayong bagong tao sa buhay natin. Dahil rin sa paglalaro may naiiwan tayong mga “MEMORIES” na maaari nating dalhin hanggang sa ating kamatayan. Hindi talaga mapapantayan ang kaligayahan ng isang bata kapag ito ay naglalaro   dahil ito ay isang kasiyahan na hindi maikukumpara sa kahit na anong bagay dahil ito ay nakukuha ng kusa. Iba rin talaga ang saya na naiiwan sa atin kung ito ay galing noon bata pa lamang tayo dahil kahit na sa kawalan natin ng malay noon sa mga bagay bagay nagawa pa rin nating ma –APPRECIATE ang mga simpleng bagay nakukuha natin gaya ng sa paglalaro.
            Laro ay isa sa mga bagay na nakakapagbigay sa atin ng kasiyahan  noong bata pa lamang tayo kaya imposibleng malimutan na lamang natin basta basta ang mga bagay bagay na nakakapagpasaya  sa atin.Siguro kahit papaano ay naging makabuluhan an gating kabataan nang dahil sa paglalaro. Kaya nga minsan naiisip natin n asana bumalik na lamang tayo sa pagkabata upang mabalikan lang natin ang mga alaala noon. Mahalaga talaga sa isang tao ang mga masasayang araw na naidulot ng paglalaro.  Kaya naman naging makabuluhan talaga an gating kabataan nang dahil lamang sa laro.

No comments:

Post a Comment