Monday, October 10, 2011

Mga Laro Noon at Ngayon

Ang laro ay isang aktibidad na kinasasangkutan ng isa o maraming manlalaro. Ang laro ay isang libangan o kasiyahan ngunit maari din itong isang ehersisyo at isa rin ito sa paraan para malinang ang ating mental at pisikal na kakayahan.
Sa panahon natin ngayon kokonti nalang ang nakikita natin na mga batang naglalaro sa lansangan. Kadalasan ay nasa bahay nalang o nasa mga internet cafe naglalaro nga mga online games. Ngunit noon lalo na pag hapon ay marami kang makikitang bata sa kalye na naghahabulan at abala sa paglalaro. Isa rin ako sa mga bata noon na kung hapon na ay lumalabas ng bahay para maglaro at makigpag habulan sa mga kaibigan ko. Minsan pa nga ay gusto kong balikan ang pagkabata ko na parang wala lang, nag-eenjoy lang sa paglalaro. Kahit nahihirapan na sa paghinga ay naglalaro pa rin. Naaalala ko pa noon isa sa mga nilalaro ko ay ‘yong Chinese garter ‘yong bang tatalon ng ka ng ten, twenty sa garter na nilalagay muna sa tuhod hanggang sa pataas na ng pataas . Nakaka-enjoy talaga ‘yon lalo na pag nalampasam mo yong ulo. Naglalaro rin kami luksong tinik at luksong baka. Grabe to na mga laro, kailangan maataas ang talon mo, pataas kasi ng pataas. Sa luksong tinik may dalawang tao na dinudugtong dugtong ang kanilang kamay at saka ka tatalon hanggang sa pataas ng pataas. Sa luksong baka naman may tao na yuyuko at siya ang niluuluksuhan. Minsan pa nga eh natutumba yong taya eh dahil hindi ako masyadong mataas kung tumalon, haha. Tawa na lang kami. Ako na naman yong taya ako na naman yong tinatalonan nila. Minsan lang ako sumasali sa larong ito, iniiwasan ko kasi maging taya kasi nasasakitan ako sa likod. Ikaw ba naman yong tinutukudan habang lumulukso, hindi ka ba masasakitan. Pero kahit papano namimiss ko pa rin laruin to, masaya din naman kasi eh. Alam mo ba laruin ‘yong syatong? Naku, isa din ito sa mga paborito ko. Naghuhukay kami ng di naman masyadong malalim sa lupa, at kukuha ng dalawang kahoy. At iyon na umpisa na ng laro. Naaalala ko pa nga kahit na di masyado malaki ang lugar basta pwede lang makapag laro doon ng syatong ay naglalaro talaga kami. Isa din sa mga nilalaro ko noon ang tumbang preso. Ito ‘yong nilalaro gamit ang tsinelas at binabato ang lata. At kapag natumba yon ay unahan sa pagkuha ng tsinelas at habulan na. Ang saya talaga nito laruin, naaalala ko pa nga noon kakagising ko pa lang sa hapong iyon tapos lumabas lang ako para magpahangin. Nakita ko mga kaibigan ko na naglalaro nito, aba tumakbo agad ako sa kanila at pinilit sila na pasalihin ako. Kaya ayon nakasali din. Haha, ang kulit ko talaga bata pa naman kasi. Kung minsan pag puro lang kami mga babae ay blakjak ang nilalaro namin o ‘yong tinatawag niyo na piko. May mga iba’t iba pa kaming uri ng blakjak. Sa naaalala ko, blakjak no.5, blakjak no.2 at di ko na maalala yong isa pa. Basta piko din ‘yon kung tawagin niyo.
Ang sarap-sarap talaga balikan ng mga larong iyon, lalo na yong mga laro na takbo ka lang ng takbo. Habulan ng habulan. Kagaya nalang nung bahug-bahug o agawan ng base. Ang saya nito,lalo na kapag marami kayong naglalaro. Nakakalito nga dahil sa dami ninyong naghahabolan pero nakakatuwa pa rin. Lalo na pag ang grupo niyo ay maraming nahuli, parang ayaw mo ng umalis sa base niyo para magbantay sa mga nahuli para di sila makuha ng kabila. Nakakapagod talaga tong larong ito, minsan pa nga pagkatapos naming maglaro nito ay basing basa kami ng pawis kung umuuwi sa mga kabahayan naming. Kaya ayon napapagsabihan dahil baka raw magka-ubo. Nakz naman, hehe. Ito pa ang malupit tira 7 o batuhan ng bola. Ang sakit kaya nung pambato, pero sumasali pa rin ako, haha. Kakatuwa to lalo na pag marami kayong naglalaro, at sa gabi pa nilalaro. Naaalala ko pa noon habang tumatakbo ako para di ako matamaan ng bola ay nadapa ako. Di ko talaga napansin ‘yong bato kahit na malaki pa iyon ang dilim naman kasi. Pero kahit na masakit ay pinilit ko pa ring tumakbo, pero nung matamaan na ako ng bola ay naku napakasakit talaga. Kaya ayon pumigil ako, haha. Medyo madaya ako, pero masakit talaga eh. Haha. Eh ‘yong sili-sili alam mo ba paano laruin iyon?  Ito ‘yong may isang taya at nanghahabol siya at sinasabihan ng sili ‘yong nahuhuli niya. At titigil sa pag takbo ‘yong na-silihan, makakatakbo lang siya ulit kung may may magsasaggip sayo at sasabihan ka ng tubig. Mapapalitan lang ang taya kung lahat ay nahuli na niya at sabay silang sisigaw ng “viva”. At kung ikaw naman ay nahuli, lagot ka ikaw na naman ang taya. Ang hirap pa naman manghuli lalo na pag marami kayong maglalaro, malas talaga kapag ikaw ang nagging taya at marami kayong naglalaro. Kaya wag kang patanga-tanga pag “viva” part na, para di ka mataya. Ang sarap maglaro ulit nito, haaay! Isa pa ang larong langit lupa. Naaalala ko pa nung grade 3 pa ako. Maaga natapos ang klase namin noon kaya naglaro kami ng langit lupa. Doon kami sa building ng mga grade 5-6, dahil may hagdanan doon. Iniiwasan ko talaga maging taya noon kasi ang hirap na mabigay ang trono mo sa pagiging taya sa iba. Haha. Inaasar ka pa nga pag di ka na halos mapalitan sa pagiging taya, nakakinis kaya ‘yon. At ito pa isa sa mga paborito ko’ng nilalaro noon kung tawagin naming stop mannequin o ‘yong slipper mannequin. Iyon bang tatalikod ang taya at magtatapon ng tsinelas at kung di masalo ng mga naglalaro ay nagiging istatwa sila. Paikot-ikot ang taya at pag may nakita siyang gumalaw kahit konti man lang ay siya na naman ang taya. Pero kung wala siayng nakitang gumalaw siya pa rin ang taya. Paulit-ulit lang to pero nakakatuwa dahil kapag ang nagiging istatwa ay kinukulit ka ng taya hanggang sa makagalaw ka. At nakakatawa din yong mga nagiging istatwa yong iba ay di mailarawan ang porma nila. Nakakatawa talaga. Isa din sa mga diskarte ng mga taya na ginugulo ka nila para hanggang sa makagalaw ka para ikaw na naman yong taya.
Napakarami pa talagang mga laro noon na nakakalibang at nakakamiss laruin. Isa na dito ang taguan. Sino ba naman ang di nakakakilala sa larong ito, dba? Eh halos lahat tayo ay nakaranas maglaro nito. Kahit gabi ay naglalaro kami nito, nagbibilang hanggang sampu yong taya. At kung hindi ka pa nakatago ay nagsasabi ng “taympers”. Haha, nakakamiss talaga yong linya na iyon. At ang na miss ko ay yong unahan kayo ng taya na makapunta sa base para ma’save yong sarili mo at para din di ka mataya. Pero pag naunahan ka na ng taya, ay ano paedi ikaw na ang taya. Naaalala ko pa ng minsan gabi na kami nglaro nito, natatakot na ako magtago kung saan saan dahil ang dilim na. Kaya sumasama nalang ako sa kaibigan ko para may makasama akong nagtatago. Dahil natatakot talaga ako sa dilim noon, kahit nga nayon eh. Pero kahit natatakot ay go parin basta makalaro lang. Haha. Habul-habolan, nakakapagod to dahil takbo ka ng takbo para di ka mataya. Minsan pa nga ay nadadapa ako pag ito ang nilalaro naming dahil din a ako tumitingin sa dinadaanan ko. Para di lang ako mataya, pero kahit anong takbo ko ay palagi talaga ako natataya ang hina ko naman kasing tumakbo eh. Haay! At ang pinaka paborito ko sa lahat ang patintero. Kahit noong nasa high school na ako ay naglalaro pa kami nito. Nang minsan ay napagalitan nga kami ng isang guro sa aming paaralan dahil sigaw kami ng sigaw habang naglalaro nito. At kapag bakasyon, halos tuwing hapon ito ang nilalaro naming. Pumapalakpak lang ang isa sa aking kaibigan, at iyon ay signal na lumabas ka na dahil maglalaro na. Haha, grabe talaga. Ang taas kaya ng tinatakbuhan naming, dahil ang dami naming kung maglaro. Naaabutan pa kami minsan ng gabi sa kalalaro. Haaay, gusto ko maglaro ulit nito.
Ngayon minsan ka nalang makakakita ng mga batang naghahabulan at naglalaro sa kalye. Pati nga ako nakisabay na rin sa daloy ng panahon, kompyuter na palagi ang inaatupag. Sa facebook na naglalaro, gaya ng Farmville, fishville at iba pang mga online games maliban nalang sa Dota at Crossfire dahil hindi ako marunong nun at ayaw ko rin ng matuto nun. At kung minsan Plants vs. Zombies na at Angry Birds ang aking nilalaro. Di talaga maipagkakaila na iba na ang hilig ng mga tao nga kung noon ay larong pisikal, nagayon ay din na halos lumalabas ng bahay dahil naglalaro ng online games. Pero kahit na ganito di ko naman binabaon sa limo tang mga laro noon. Dahil parte na ito ng ating kultura na tradisyon din naman natin. Sana naman ay marami pang mga nakakaalala sa mga laro noon at hindi nila ito kalimutan. At buhayin natin ang mga larong pinoy ng sa ganon ay buhay pa ito sa mga susunod pa na henerasyon.

No comments:

Post a Comment