Sunday, October 9, 2011

Mga Laro ng Kabataan

Lahat tayo ay may kanya-kanyang malulungkot at masasayang karanasan sa ating nakaraan. Mula sa ating pagkabata hanggang sa ating paglaki ay naranasan na nating mabigo at magtagumpay sa ating mga mithiin. Mga simpleng bagay na nagbibigay sa atin ng aliw, mga problemang nakapagpapalungkot sa atin, at mga larong hinding-hindi natin malilimutan na nagbigay sa atin ng walang katumbas na kasiyahan. Dahil sa mga larong ito, marami tayong natutunang magagandang aral na maihahambing natin sa totoong buhay.
        Naaalala ko pa ang aking kabataan kung saan ko unang natutunan ang aking mga kinahihiligang mga laro na palagi naming nilalaro ng aking mga kaibigan. Mula pa noong akp’u nasa pitong taong gulang na, natutunan ko ng maglaro ng iba’t-ibang mga laro, katulad ng “Jackstone”, “Bex” o “Sagudsod”, “Dampa”, “Teks”, “Syomoy”, “Paon-paon”, “Dakpanay”, “Tagu-anay”, “Dr. wak-wak”, “In-in”, “Luthang”, “Tirador”, “Chinese Garter”, “Luksong Baka”, “Slipper Game”, “Batter Lata”, “Wanna Be”, “Close-up”, “Lupa-Langit”, “7 up”, “Syatong”, “Litik”, “Balay-balay”, “Labog-labog” at marami pang iba. Napakarami kong natutunang aral sa mga larong ito. Gaya na lamang ng mga sumusunod: 1. “Jackstone”, sa larong ito may mga n\dadaanan kang mga hakbang para marating mo ang pinakamataas na lebel. Tanging maliit na bola at bato lamang ang gamit sa paglalaro nito. Dito ko natutunang magsikap upang malampasan ang bawat hakbang patungo sa tagumpay. Ang pagiging matapat at patas o walang dayaan sa laban ay dapat nating “ma-apply” sa totong buhay. 2. Tuwing uso na ang “Lastiko” sa lugar naming, uso na rin ang larong “Dampa”. Sa larong ito, nakaaway ko ang aking pinsan, na kakampi ko sana, pero nang malaman kong niloloko lang pala nila ako, agad-agad kong kinuha ang lahat ng aking mga lastiko. Usong-uso pati sa Paaralan namin, ‘nung nasa Elementarya pa lamang ako ang larong iyon. Kahit minsan mansakiy na sa kamay ay patuloy pa rin sa nasimulang laro. Minsan pa nga ay halos magagabi na ako uuwi kasi tinatapos pa naming ang aming laro, lalo na tuwing malapit nang maubos ang mga lastiko ko. Sinisikap ko talagang mabawi ang dapat ay sa akin, ngunit minsan kapag naubos na talaga, binibili ko nalang ‘yung mga panalo na lastiko ng kalaban ko. Kaya doon nauubos lahat ang baon ko. 3. Paborito ko rin noon ang larong “Paon-paon”, kung saan may dalawang pangkat na magkalaban. Bawat pangkat ay may kanya-kanyang “basement”. Kapag sinimulan na ang laro, kanya-kanyang sugod ang bawat kasapi ng dalawang pangkat para habulin ang kalaban. Ngunit kailangang tandaan na maaari mo lang angkining bihag ang iyong nahabol kung ikaw ay mas huli sa pag-apak ng inyong “basement”. At kapag may nakuha ng bihag ang bawat pangkat, gagawin na itong bihag na tinatawag sa amin’g “Bagoong”. Hanggang sa ito’y mangamoy na, kaya simula na ng kutyaan sa bawat pangkat. Pero maaari pa ring iligtas ang bihag sa pamamagitan ng, kailangan lamang mahawakan ng kanyang kakampi ang kahit na anong parte ng kanyang katawan para ito ay makalaya. At para malaman naman kung sino ang panalo sa laro ay dapat muna na may isang pangkat na makaapak sa “basement” ng kalaban para tanghalin silang panalo. Napakasaya talaga ng larong ito, kaya nga kahit ‘nung nasa “highschool” na kami ay nilalaro pa rin namin ito. Kaya minsan pinapapagalitan kami sa mga guro dahil para daw kaming mga bata na naglalaro pa rin ng mga ganoon’g laro. Palibhasa’y mga dalaga at binata na daw kami. Sa larong ito, natutunan kong maging matulungin at nasabi kong “Kailangan talaga ang pagkakaisa sa bawat pangkat”. Ngunit ang pinakapaborito ko talagang laro ay ang “Volleyball”. Simula pa noong “Grade-VI” ako ay interesado talaga ako sa larong ito. Hanggang sa sumali ako sa “team” namin  sa Paaralan at nakuha kami para ipadala bilang manlalaro sa “NMRAA” o Northern Mindanao Regional Athletic Association. Hanggang sa tumuntong ako ng “highschool” ay sumali na rin ako sa “team”  ng “LNNCHS” o Lanao Norte National Comprehensive High School. At palagi pa rin akong sumasama tuwing may “Division Meet”, “Intramurals”, “Provincial Meet” at “Regional Meet”. Ngunit ‘nung nasa “2nd Year High School” na ako, sumali kamin sa “Palaro” noong Araw ng Lanao del Norte. Nagkataong ang mga araw na ‘yun ay may pasok kami. Sinabihan kami n gaming “coach” na, Huwag daw kaming mag-alala kasi “exempted” kami sa lahat na aming “subjects”. Mahigit isang Linggo ang larong iyon, kaya isang Linggo rin kaming hindi pumasok. Ang akala naming “exemption” ay hindi pala na-aprubahan ng ibang guro. At isa na ‘dun ang “adviser” namin. At ang “subject” namin sa kanya ay “Biology”. Dahil ‘dun ay “na-failed” kami sa “2nd Grading”. Pinagalitan ako ng aking ina at dahil ‘dun, pinahinto niya ako sa paglaro ng “volleyball”. At binantaan rin niya ako na pahihintuin ako sa pag-aaral. Takot na takot ako sa sinabi ng aking ina, kaya nagsumikap ako para makabawi. At sa awa ng Diyos, nagging “top 6” ako. Napakasaya ko talaga nang malaman ko iyon at napasaya ko rin ang aking ina. Kahit ganun pa man ay hindi pa rin nawala ang pagkahilig ko sa larong “volleyball”.
       May laro rin kami noon na kinahihiligan, ang “Rubics Cube”. Noong “3rd year ako” napapamangha ako sa mga naglalaro nito. Kaya nagpaturo ako sa ako sa aking nakakatandang kapatid. Di nagtagal, natutunan ko ring bumuo ng “rubics”. Pinakita ko ang aking galing sa paglalaro nito sa iba kong mga kaklase at ibang mga kaibigan. Sila ay namangha at nagpaturo sa akin kung paano ito lalaruin. Kaya marami na sa amin ang natutong maglaro nito at minsan ay nagkakaroon kami ng “contest”. Ito ang nagbibigay sa amin ng kasiyahan at kaaliwan. Ang ibang laro namin noon ay ‘yung “ Chinese Garter”, sa larong ito ay mga babae lang ang sumasali dahil ‘yung mga lalaki ay hindi marunong nito. Nilalaro namin ito tuwing may “vacant time” at bago kami magsimula ay mag-babatopik muna kami. Pagkatapos ay mag-sama-sama ‘yung mga “winners” at ‘yung mga “losers”. Sa larong ito, kinakailangan talagang ang “flexibility” para maabot ang pinakamataas na “level”. Kung minsan pa nga ay maraming nasusugatan dahil masyado silang “trying hard” pagdating dito. Kahit hindi na nila maabot ay pinipilit nila ang kanilang mga sarili. Dahil dito, natutunan ko na hindi pala tama ang pagiging “trying hard” pagdating sa mga laro o sa tuwing may gagawin. ‘Yun namang larong “Slipper Game” ay may dalawang pangkat na magkakalaban. May tsinelas na sisipain sa unang pangkat na maglalaro. Ktapos ‘yung isang pangkat ay sinasalo nila ang sinipang tsinelas. Kapag nasalo nila ay mababawasan ng isang tao ang unang pangkat. Kapag hindi naman nasalo ay lilibutin ng sumipa ang tatlong bilog na parang “triangle”. At babalik sa kanilang “basement” . Depende ito king ilang puntos ang mga nakuha ng bawat pangkat. Ang makakuha ng mababamg puntos ay may “consequences”.
        Hinding-hindi ko talaga malilimutan ang mga masasayang karanasan na nangyari noon. Lalo na ‘yung mga malulungkot na nangyari dahil dito ko naiisip ang mga kamalian ko na dapat kong ituwid. Ganunpaman lagi kong pinapahalagahan ang lahat ng masasaya at malulungkot na karanasan ng aking nakaraan. Talagang nakakatawang isipin na ‘yung mga laro noon ay nagging dahilan minsan ng hindi pagkakaintindihan sa aking mga kababata. Ang maganda pang isipin ay kahit sa simpleng mga laro ay marami akong mga natutunang aral na nakakatulong sa akin ngayon.

No comments:

Post a Comment