Monday, October 10, 2011

Laro ko noon at ngayon

Ilang taon na nga ako? Ah, labing anim. Bata pa naman ako pero bakit hindi ko na nalalaro ‘yung mga laro ko noon? Tsk. Kasi “daw” dalagita na ako. Hindi na bagay. >.< Namimiss ko tuloy. Noon naglalaro ako ng patintero, kahit sa ilalim ng mainit na sikat ng araw. Kapag walang linya ang daan ay kumukuha kami ng tubig upang magmarka ng pahalang sa kalye at magbubuo kami ng dalawang grupo, tapos “bato-bato pick” kung sinong talo, siya ang taya. Sa bawat linya ay may isang taong nakabantay, dapat makalampas ka sa mga ito at makabalik ka sa “home” ng hindi ka nila nahahawakan.
    Minsan, kapag umuulan, nagtataguan kami. Ang taya ay nagbibilang hanggang sampu tapos kami naman ay magtatago sa mga liblib na sulo ng bahay. Gaya ng sa cabinet, sa ilalim ng mga drawer at maglalagay ng mga pananggalang upang hindi ao makita ng taya. Kung hindi naman tagu-taguan ay nalalaro ami ng “langit-lupa” kung saan ay “nagsisiko” kami upang makapili ng taya. Sikop, ito ‘yung nilalagay namin an gaming hintuturo sa palad ng aking kalaro at sisigaw siya ng “sikop” tapos mag-uunahan kami sa pagtaas ng aming kamay upang hindi mahawakan ng nagmamay-ari ng palad o kung hindi naman ay kumakanta kami sabay turo sa bawat manlalaro, ang kanta ay ganito: langit, lupa, saan a bababa? Sa im, sa im, sa impyerno. Saksak puso, itulo ang dugo. Patay. Alis! Kung sinong umalis ay siya na. Tapos kung naturo ka ay abswelto ka na. Kakantahin ulit ito ng paulit ulit hanggang sa maging dalawa nalang kayo at kung sino ang matamaan ay siya ang swerte at ang wala naman ay siya ang taya.    
Kung hindi naman tagu-taguan o langit-lupa. Naglalaro kami ng “takingking-cross”. May pitong parisukat na ang porma ay cross at may guhit na pinahabang H sa pinakagitnang parisukat. Tapos, kaming lahat  na manlalaro ay mahahanap ng “pamato”. Ang pamato ay isang baton a manipis at flat. Kailangan talaga na flat ito upang hindi ito malaglag at gumulong sa malayo na pwedeng maging dahilan ng iyong pagkatalo at pagkauna ng iyong mga kalaban.
Kung gusto naman naming tumalon talon ay naglalro kami ng “Chinese”. Dalawang klase ito, “Chinese Kingkong” at “Chinese Garter”. Sa Chinese garter, tatalon ka depende sa iyong lebel. Una ay sa paa, tuhod, balakang, kilikili, leeg at ulo at kung minsan ay lumalampas pa. Sa Chinese kingkong naman ay napakaraming galaw ng paa pero ganoon din ang mga antas nito. Ang pagkakaiba lang ay dalawang Chinese garter ang gamit sa Chinese kingkong.
 Kung hindi naman masyadong mainit ay naglalaro kami ng “slipper game” kung saan may apat na bato na ang porma ay diamante at may dalawang grupo na maglalaro. Sa gitna rin ay may bato at doon pipitmi ang pitcher, ang kanyang trabaho ay iserve ang tsinelas sa taong sisipa na nakatindig sa home at pagkatapos niya itong sipain ay tatakbo siya patungo sa kasunod na bato habang ang ibang miyembro ay abala sa pagkuha sa tsinelas na iyong sinipa. At kung masalo man ito ng kabilang grupo ay ibabato nila ito sa iyo at kapag natamaan ka ay, wala kana. Tanggal ka na sa laro at maghintay na lang na tubusin ka ng iyong mga kagrupo na hindi matatalo. Kung hindi ka naman nakasipa ng maayos ay pwede kang umulit ng pangatlong beses pero kapag sumobra na ay ganun din, tanggal ka na sa laro.
    Paminsan minsan rin ay naghahabulan kami. Minsan kasi ay may napipikon kaya magpapahabol kami kaya iyon na ang magiging simula ng laro. Takbo lang kami ng takbo hanggang sa maabutan kami ng taya tapos apag naabutan ka ay ikaw na naman ang taya. Pabalikbalik lang hanggang sa mapagod kami.
    Ngayong puro modern na ang mga gamit at nahihiya na ang  mga kalaro ko noon ay palagi na lang aong nakababad sa harap ng kompyuter, PSP at iba pa. Mahilig aong maglaro ng mga crossword puzzle kung saan naiintriga ako sa mga salita na pwede kong mabuo.
    Naglalaro ako ng “bookworm” kung saan tumatalas ang aking pag-iisip sa mga salita. Dahil sa bawat salita na aking nabubuo ay nabubuhay ang karakter ko at nadadagdagan ang aking buhay. Kaakibat din nito ang pagiging partikular ko sa mga estrangherong mga salita.
    Gaya rin ng bookworm ay naglalaro din ako ng “text twist” kung saan time limited at kinakailangan kong mabuo ang pinakamataas na salita base sa ibinigay na mga letra. At kahit sa pinakamaliit na salita ay nakakakuha rin ako ng puntos kaya nakakasali ako sa listahan ng mga matitinik na manlalaro.
    Minsan din ay naglalaro ako ng “tetris” kung saan nacha-challenge akong magfocus upang makuha ko talaga ang pinakamaayos na ayos ng mga bricks. At kapag nakakauha ako ng mga bricks na di angkop ay napapaisip talaga ako kung saan ko ilalagay ang mga susunod na pigura. Madalas nga ay ako ang natatalo kasi hindi pa ako masyadong bihasa sa paglalaro ng mga ganitong klase ng mga laro.
    Kung minsan ay naglalaro ako ng pet society kung saan bibibili ako o bumibili ako ng mga pet ko. Ang mga pet ko ay ang mga kaibigan ko sa facebook na naglalaro rin ng pet society. Kailangan talagang mabili ako o ako ang bumili upang lumaki ang aking halaga at maging mas higit ako sa aking mga kakilala.
    Kung type ko namang kumita ng pera at bumuo ng pamilya ay naglalaro ako ng “The Sims” kung saan gumagawa ako ng sarili mong bahay at pamilya at upang maging kapakipakinabang ay kailangan kong kumita ng pera upang may makain kami sa pamilya at makapaglagay ako ng mga gamit sa loob at mapaganda ko pa lalo ang aking bahay. Kung minsan ay nakikipag-kaibigan naman ako sa iba dahil sa pakikipag-usap ay kumikita din ako ng pera.
    Kung gusto ko namang mabuhay ang kulay sa aking mga mata kay naglalaro ako nang “bejeweled” kung saan kailangan kong maghanay na tatlong magkasingtulad na kulay upang makakuha ng mataas na puntos at matawag na excellent player.
    Ngunit, namamalayan kong hindi na ako gaya ng dati na kapag naglalaro ay pinagpapawisan. Ang nararamdaman ko na lang ay sumasakit ang aking mata ng dahil sa kakatutok sa harap ng monitor.
    Noon ay nagiging mas masigla ako, pero hindi ko na nararamdaman ang ganoong asiyahan matapos akong maglaro sa mga laro sa kompyuter. Nakakamiss talaga ang mga laro noon na pinagsawaan ko. Sana ay mabalik iyon kahit na minsan.

No comments:

Post a Comment