“Hoh!!hapit ko makatsan
da!!” Isa lamang yan sa mga naibulalas ko noon tuwing ako’y naglalaro kasama
ang aking mga kaibigan.
Aliw na aliw ako sa mga
larong nahahamon ang aking talas ng mata at bilis ng takbo. Ilan dito ay ang “Tumba
Lata” at “Bahog-bahog” na labis kong kinagigiliwan doon sa liblib na pook ng
Lantapan,Bukidnon.
Sa kabuoang laro ng “Tumba
Lata”, iisa lamang ang taya na siyang
nagbabantay sa lata, habang tinitira ito ng mga kalaro gamit ang tsinelas. Babantayan
nya at huhulihin ang sino mang kukuha ng tinitirang tsinelas upang makatira
ulit. Ang tensyon sa larong ito ay sa tuwing tatamaan ang lata, lalo na’t
mapadpad sa malayo. Kasi naaagaw ang atensyon ng taya sa pagkuha lata dahil kailangang
ibalik muna ng nya ito bago manghuli, kung saan ito kadalasang tympo ng
pagtakas ng mga tumira. At kung sino man ang unang mahuli ay siyang papalit na
taya.
Katulad ng “Tumba Lata”,
paggana ng isip at diskarte ang dapat isaalang-alang sa larong “Bahog-bahog”.
Ito ay binubuo ng dalawang kupunan. Bawat kupunan ay may sariling bahay (base).
Kailangang may “bahog” o pinasulong na taya ang bawat kupunan bilang hudyat ng
pagsisimula ng laro. Maghahabulan ang mga miyembro ng bawat kupunan ng may
talas ng mata at stratehiya upang makadakip ng magiging bihag.
Bukod sa mga larong pakikipagharutan ay
nalolong din ako sa mga larong may talon-talonan. Ilan dito ay ang “Chinese
Garter”, ang Luksong tinik at ang “Sun, Moon, Earth”.
Naalala ko pa noon, ako
ang laging pikon kapag naglalaro kami ng mga kaibigan ko ng “Chinese Gater”.
Papano ba naman kasi ang tatangkad nila. Kapag sila na ang taya, alkanse ako
lalo na kapag nasa balikat na ang haba ng garter. Hay naku!! Nahihirapan talaga
akong abutin yon. Maging sa luksong tinik ay nagkaganoon din minsan ang eksena,
ang haba din kasi ng mga dangkal nila. Gayunpaman, nauuwi parin ssa katuwaan
ang lahat ng mga angal kong iyon.
Sa kabilang banda,
parang nanghahamon ng gulo ang seryosong mukha na maikikintal sa larong “Sun,
Moon, Earth” Dahil kailangang maalam na pag-iisip sng sandata dito. Ang lugar
na paglalaroan ay kailangang may kahit tatlonh baitang o ang-ang. Dito
ipinagpalagay na ang pinakamataas na baitang ay ang “sun”, ang panggitna ay “moon”
at ang pinamababa ay ang “earth”. Iisa lang ang taya na siyang nag dedekta kung
anong baitang bababa o aakyat ang mga kalaro. Diskarte na niya ang bilisan ang
pagdedekta upang litohin ang mga kalaro upang magkamali. Kung sino o kung
sino-sino man ang magkamali ay siyang paplit na taya.
Hahay!! Talagang walang
sawa akong naglalaro noon kahit sinunog na ni ‘araw’ ang aking balat at
kinakantahan na matulis na tinig ni nanay. Basta’t makapaglaro lang ay ayos na.
Di naglaon, ang
atensyon sa nakahiligang aliwan ay nauwi sa mas makabulohang libangan. Ang
larong tulad ng “Truth or Dare”, “Concentration”, “Puzzles” at “Q and A”(question
and answer) ay ilan lang sa mga panibagong laro ngayong ako’y teenager na.
Sa ‘truth or dare’ ay
kadalasang naihahayag ang mga sekreto naming magkakibigan lalo na’t ‘truth’ ang
piniling parusa. Samantalang ssa ‘concentration’ ay pukos at talas ng
pandindinig ang naipapamalas.
Ngunit mas naaliw ako
sa pagguhit at pagsulat ng mga sariling komposisyon na aking libangan at nauuwi
sa laro kadalasan. Ito ay dahil hindi
lamang takot na sa sikat ng araw at pagod makipagharutan, higit pa roon ay nais
kong maensayo ang aking kaalaman at natutunan.
Sadya ngang walang permanente sa mundo mat
hindi lahat ay magkapareho. Ang laro ng isang siyam na taong gulang na bata ay
sadya ngang nag-iiba kapag lumlaki na. Maging ang kinakasama sa paglalaro ay
napaplitan din. Talagang sa bawat yugto ng buhay ng tao, hindi maiiwasan ang
mga pagbabago. Ito ay maaring dulot rin ng pagbabago sa sitwasyong kinasasangkutan.
Maaring impluwensya rin kapaligiran, kagustohan, mga desisyong pinagpipiliian
at paggamit ng mga natutunan.
Sa kabilang banda, ang paglalaro ay bahagi na
ng ating kultura. Ito ay nagsisilbing ‘break’ sa mga puyat sa kanya-kanyang
trabaho at maging sa kung sino man nais maaliw, mag ehersisyo,magpalipas ng
araw at magkaroon ng ‘bonding o jamming’ sa mga mahahalagang tao sa bawat isa.
Ngunit kung may maganda
itong maiidulot sa ating buhay, ay mayroon din itong hindi kanais-nais na
epekto depende kung paano ito gigamit. Ika nga nila “lahat ng sobra ay masama”.
Hinay-hinay lang, ika nga sa patalastas ng mga inuming alkohol “DRINK
MODERATELY”, bago ka malulung at maging “HABANG TUMATAGAL LALONG SUMASARAP” ang pananaw sa buhay. Tandaan nasa huli ang
pagsisisi.
No comments:
Post a Comment