Monday, October 10, 2011

NOON AT NGAYON

Ang mga laro noon ay iba sa laro ngayon. Ang mga laro ay nagbibigay sa atin ng saya at pampalipas oras. Naalala ko pa nung bata pa ako mahilig ako maglaro ng Chinese garter. Maraming mga laro noon na tiyak na magugustuhan mo. Katulad ng sipa, patintero, shatong, luksong tinik, luksong lubid, tumbang priso, holen, Dr. kwak kwak at marami pang iba. Marami kasi, kung sasabihin ko lahat.                         Ang laro ay parti na ng ating buhay. Nakakatulong rin ito sa ating katawan at isipan. Ang laro ay tinututuruan tayo ng disiplina at sportsmanship. Natuto tayong tumawa  at nawawala ang ating problema. Siguradung mapapagod ka sa mga laro noon. Nung mga grade 5 pa ako, pagkatapos ng klase sa hapon ay naglalaro pa ako. Walang pakialam kung madudumihan ba ang damit.                              Nang naging high school na ako wala pa ring pakialam sa sasabihin ng iba. Purket dalaga na daw ako dapat mahinhin ako gumalaw. Naglalaro pa rin ng Chinese garter. Pero okay lang masaya naman ako at ang mag kaibigan ko. Nakikipaglaro nga ako sa mga pinsan ko na mas bata pa talaga sa akin. Lalo na yung sipa lata at tagu taguan. Ang nakakatawa pa minsan nagaaway pa nga eh kung sino ang taya.                            Kaya nakakalibang talaga ang laro noon. Hindi ko talaga yun makakalimutan. Minsan nga dahil sa laro may nakikilala kang bagong kaibigan. Kaya kasi nitong pag isahin ang mga kabataan. Kasi ang laro noon ay may teamwork. Kailangan gamitin ang isip at katawan. Iba na kasi ngaun sa modernung mundo.   
                                      Ang mga laro ngayon ay iba sa laro noon. Nagbibigay nga sa atin ng saya pero may kapalit naman. Kompyuter games ang mga laro ngayon. May teamwork rin peru nagsusugal na sila. At minsan pa hindi na sila pumapasok sa paaralan  dahil nakatuon ang kanilang atensyon sa “DOTA”. Ang iba nga mas marami silang panahon sa kompyuter games kaysa gumawa ng takdang aralin.                                Nakakaubos rin ito ng pera. Diba kawawa nman ang mga magulang. Nagtratrabaho sila pero hindi nila alam na yung pangbaun na binigay nila ay ginastos lamang sa larong Dota. Hindi nila alam na di pala ito pumapasok sa klase. Iba’t- ibang klase ang laro sa computer na tiyak malalason ang iyong utak. Makakatulong ba ito sa magulang mo? diba hindi.                         Labing lima ang binabayaran mo bawat oras. Pagkatapos, mga tatlong oras ka nakababad sa kompyuter. Naapektuhan rin nito ang ating kalusugan kaya nga pumapayat yung iba. Nasisira rin nito ang ating mata. Natuto rin dito ang mga tao kung pano sumugal.             May iba rin nagbibinta ng kanilang “CONQUER”. Para magka pera lang sila. Ang iban din ay hindi na halos matulog kasi ayaw nilang malampasan ng iba ang kanilang “CHARACTER”. Nagagamit rin ang computer sa mga proyekto, reports at takdang aralin. Kung maglalaro ka sa kompyuter dapat may limitasyon  para hindi ka magkasakit.                                                                                    May iba rin na mas mahalaga ang Dota kaysa nobya nila. Tinatawag nila itong “DOTA VS GILFRIEND”. Meron ring baliw sa Facebook. May mga laro rin kasi sa facebook na maaaliw ka. Pataasan ng level o pera sa laro. Pero nakakatulong rin ito sa pakikipagkomunikasyon.     Sa laro noon pwede ka ring masugatan. Lahat ay may negatibong resulta peru mas malala ang ngayon. Sa panahon ngayon may mga kabataan pang naglalaro ng Chinese garter. Kaya lang mas marami ang naglalaro ng kompyuter games. Sa bawat pagkakamali natin dapat merun tayong matutonan.                         Kasi para sa akin mas lamang ang laro noon     kesa ngayun. Di ako mahiliag sa video o kompyuter games. Madali kasi akong magsawa sa ganun. Noon kasi mas nakakachallenge kaysa ngaun. Hindi talaga maiwasan na ikumpara ang noon at ngayon.                    Kung ikaw ang tatanungin ko NOON O NGAYON?

No comments:

Post a Comment