Monday, October 10, 2011

“ Ang Mga Ko Laro Noon at Ngayon”

Lahat tayo ay may iba’t ibang libangan o kinaaliwang gawin. Isa na dito ang mga laro. At dito sa Pilipinas ay may mga tinatawag tayong larong pambansa. Ngunit sa paglipas nang panahon, dahil na rin sa tumataas na teknolohiya “high-tech” ikanga ay marami na ring mga nagsusulputang makabagong laro na mas pinagkakaabalahan ng mga kabataan ngayon. Ano nga ba ang kaibahan sa mga laro natin noon at ngayon?
    Naaalala ko pa noon, popular ang mga larong slipper game, Chinese garter, tagu-taguan, tumbang preso ,at iba pa. Madalas mong makikita sa mga kalye o lansangan ang mga batang naglalaro nito mula umaga hanggang sa gabi. Tulad ko, talagang na-enjoy ko ang aking kabataan dahil naranasan ko ang mga larong katulad noon kahit na may mga manika ako o anumang laruan. Lalo na kapag nasa paaralan noong elementarya, kapag recess time o may bakanteng oras ay naglalaro kami ng Chinese garter ng mga kaklase kong babae. Kung saan ang galing galing nilang tumalon. Kung minsan nga ay habulan ang aming kinaaaliwan at libangan kasama pati na rin ang mga kaklase naming lalake.
    Kapag nasa bahay naman, kalaro ko ang aking mga kapatid at mga kaedad na kapitbahay. Nilalaro naman namin ang slipper game lalo na sa pagsapit ng dapit hapon. At kapag nagsawa kami ay tagu-taguan naman ang aming nilalaro at umaabot kami hanggang gabi. Masayang isipin na kahit na nasa modernong panahon na tayo ngayon ay hindi ko pa rin nalilimutan ang mga  libangan ko noon. Ngunit ako lang ba ang hindi nakalimot sa mga laro noon? Iba na kasi ngayon na malaki na ako at dalaga na. Minsan napapaisip ako na sana kagaya nang dati na masaya at nakakalibang ang makipaglaro at maglaro ng mga laro noon.






    Sa paglipas ng panahon, kasabay ng modernong teknolohiya ay ang pagbabago ng antas ng mga laro. Lalo na sa mga kabataan ngayon, ang kompyuter ay hindi na lang para sa paggawa at pagresearch ng mga projects at takdang-aralin kundi ito na rin ang kinababaliwan ng mga kabataan. Katulad nga mga social networking sites na facebook at twitter, sa facebook naman ay hindi lang pakikipag-kaibigan ang iyong makikita pati na rin ang mga makabagong laro. Tulad ng Farmville, tetris, at iba pa.
    Patok na patok rin ang larong “Plants vs. Zombies”. Eto ‘yung kelangang patayin ng mga tanim ang mga papalapit na zombies para hindi sila makapasok sa iyong bahay. Maganda rin ang graphics nito kaya siguro marami ang naaaliw maglaro. Hindi lang ang mga bata ang naglalaro pati na rin ang mga matatanda kahit na nga rin ang mga artista ay naglalaro rin tulad ni Vice Ganda. Madali ring magsawa ang mga tao dahil paiba iba at pabago bago ang mga nagsusulputang laro. Katulad ng bago ngayon na “Angry Birds”,  na palagi kong naririnig na pag-usapan ng mga estudyanti sa skwelahan.
    Para sa mga lalake naman ay DOTA ang kanilang kinahuhumalingan. Kahit na ang mga maliliit na bata ay marunong ng maglaro nito. Talagang bagay na bagay ito para sa mga lalake dahil sa mga karakter pa lang at sa graphics ay naaattract ng maglaro ang mga kalalakihan. At wag ka nang magtataka kung pati mga babae ay nahuhumaling na rin sa paglalaro nito.
    Para sa akin naman, may mga computer games rin akong kinahihiligang laruin. Tulad ng “Dead or Alive” hehe hindi ito larong pambabae sa katunayan baril barilan ito. At mga zombies ang mga kaaway at pinapatay dito. Naaaliw lang kasi akong maglaro dahil nakakatakot ang mga mukha ng kaaway. Hindi rin naman ako sobrang adik sa larong ito, dalawang beses pa nga lang ako nakapaglaro nito. Hindi rin kasi ako mahilig maglaro ng “Bookworm” o kaya ‘yung “Feeding Frenzy”, basta hindi ko lang laruin. Naaaliw rin akong maglaro ng “Cityville” sa facebook pero hindi na ako naglalaro ngayon nun.
    Ang mga larong tulad ng “Bookworm” at “Text Twist” ay may matututunan ka sa paglalaro nito. Nahuhubog kasi dito ang mga kaalaman mo sa ispeling at bukabularyo. Nakakaaliw rin naman itong laruin pero iilang na lang ang naglalaro nito ngayon. Marahil ang iba ay wala ng interes sa mga ganitong laro o kaya ay talagang malaki ang naiimpluwensya ng mga makabagong laro.





    Sa pagdaan ng panahon, sana naman kahit na moderno na tayo ngayon ay pahalagahan natin at huwag din naman sanang kalimutan kung ano man ‘yung mga laro natin noon na ating nakasanayan. Masarap ngang balik balikan ang panahon noon kung saan masayang maglaro ng mga ganoong laro.
    Kahit kelan naman ay pwede nating ibalik at laruin ang mga  laro noon, nakadepende na rin sa atin. Minsan nga sa paaralan sa loob ng MSU-IIT ay nakapaglaro kami ng “takyan” ng minsang magkita kita kami nga mga kaklase ko sa hyskul. Nagkayayaan kaming maglaro ng at masarap talaga sa pakiramdam dahil mga kaibigan mo pa ang iyong mga kalaro.
    Pero sa ngayon, dahil isa na rin akong dalagita hindi na siguro magandang tingnan ang babaeng tulad ko na maglalaro ng tagu-taguan o habul habulan o kahit na anong laro na pambata. Pero ang sarap sanang gawin ang mga nilalaro ko noon. 
    Sana sa mga susunod na henerasyon o sa ating mga anak man ay matuturo natin sa kanila ang mga larong ating kinalakihan. Ikanga sana ay may maipamana tayo sa kanila kahit konti lang para naman habang buhay mabubuhay ang mga laro noon.
    Talagang nakakamiss ang mga dating nilalaro natin noon. Kaya sana kahit nasa modernong panahon na tayo ngayon ay huwag nating ibaon sa limot ang mga larong nagpasaya sa atin sa mga lumipas na panahon at tanggapin na lang din natin ang mga bagong kinahihiligang laruin sa kasalukuyan. At ito ang kaibahan sa mga laro noon at ngayon.

1 comment: