Monday, October 10, 2011

Anong pagkakaiba sa laro noon at sa laro ngayon?

Pagbata pa tayo, siguro sa mga edad na lima hanggang dyis anyos ay hilig nating maglaro. Masasabi ko talaga na hilig sa mga bata ang maglaro kasi ito lang ang kanilang pampalipas oras at nagbibigay ng aliw. Noon, nung ako’y walong taong gulang pa, hilig ko talaga ang maglaro halos mabaliw ako sa bahay pag hindi ako makalabas at maglaro. Kahit na napapagalitan ng mga magulang kasi nga lalabas agad ng bahay pag nakita na ang mga kalaro at nakalimutan ng mag almusal. Hindi ko nalang iyon napansin, pero minsan din pag hindi ako maaga gumising ay sa hapon nalang ako maglalaro at saka lang din ako payagan lumabas ng mga magulang ko. Sa aming magkakapatid, napansin ko na ako lang yung mahilig maglaro na talagang todo na halos araw-araw akong lumalabas. Ang mga laro ko noon ay patintero, tumbang preso, “paon-paon”, bahay-kubo, “sili-sili”, “dakpanay”, at “taking-king kros”. Pero sa lahat ng yan, ang pinakadabes talaga na laro para sa akin ay ang patintero, at yan ang kina-aadikan ko noon. Ang laro kasi na yan ang nagbigay ng saya ko sa buong araw. Ang paglaro niyan ay kailangan may dalawang grupo kahit ilan kayo basta patas lang yung numero ng manlalaro sa dalawang grupo at pagkatapos kung sino yung unang makapaglaro ay kailangan makatawid sa hulihan nang hindi  makuhitan sa kalaban at kapag nalampasan mo na iyon ay babalik kana naman papunta sa sinimulan mo at kapag nakapunta ka na doon ay may isang puntos na kayo. Pwede rin na sabay-sabay kayo ng mga kasama mo na tumawid pero dapat hindi kayo mahawakan ng kalaban nasa inyo na yun kung paano niyo gagawin ang istratehiya niyo para kayo ay makapuntos. Pero kapag may isa sa inyo na nahawakan ng kalaban ay talon a kayo at ang kalaban niyo naman ang maglalaro. Ganyan kasaya kapag nilaro mo yan talagang hindi ka titigil hanggat kayo na ang mananalo. Nakakatulong din itong laro sa ating katawan at isipan dahil magiging maliksi o mabilis sa pag-iwas ang iyong katawan para ka na rin nitong nag-eehersisyo.





At nakakamiss ng maglaro niyan, siguro sa isang taon dalawang beses nalang ako makakapaglaro ng ganyan kasi nga daw sabi ng pamilya ko malaki na daw ako kaya hindi na dapat maglaro ng parehas niyan kaya iba nalang daw at sabi din ng juya ko sa computer games nalang daw ako maglalaro at para hindi narin ako lalabas pa ng bahay.Kaya doon na akong nagsimulang naglaro ng mga computer games at hanggang ngayon. Sa kasalukuyan ang mga nilalaro ko ay “Tetris”, “Angry Bird”, “Apple Shooter”, “Grand Chase” at “Yuri”. Yan ang mga nilalaro ko ngayon pero kadalasan ay ang “Angry Bird” lang kasi nakaka-aliw kasing laruin ang mga ibon bilang pambato sa mga baboy na silang kumuha sa mga itlog nito at kaya rin “Angry Bird” kasi galit sila sa mga baboy. Usung-uso narin ito ngayon at marami naring naglalaro nito. Naglalaro lang ako kapag walang ginagawa at nababagot sa bahay, ginawa ko nalang pampalipas oras ang mga ganitong bagay. Minsan din kasi kapag nasimulan ko ng maglaro ay naku, lagpas pa sa kalahating araw ang pagbabad ko sa kompyuter lalo nang malaman ko ang Tweeter at nagsign-up ako, at hala bigla akong na adik nito kasi malalaman mo kasi kung ano ang estado ng halimbawa estado ng hinahangaan mung artista at pwede ka rin maging isang “follower” sa kanya pero sa Tweeter lang hindi sa totoong buhay. Pero kapag may pasok naman ay kinokontrol ko yung sarili ko para hindi maubos yung oras ko sa pagbabad sa kompyuter. Minsan nga lang din sumasakit yung ulo ko kapag napalabis na ako sa paglalaro pati mga mata ko ay sumasakit din kaya lumilipat nang ako sa pagtugtog ng gitara o kaya ay organ.
Pero nakaka aliw rin namang laruin ang “Angry Bird” lalo na pag maririnig mo na ang kukyut na mga tinig ng mga ibon at isa din yan sa dahilan kung bakit ako naa-adik rin sa kanila.







Ngayon, napansin ko na ang laki ng pinagbago sa mga laro noon at ngayon, at para sa akin mas maganda ang mga laro noon kasi pagpapawisan ka talaga, kikilos lahat ng bahagi ng iyong katawan at nakikihalubilo ka rin sa iba. Sa panahon kasi ng mga laro ngayon ay pawang mga kamay at mata lang ang kumikilos na tila talagang hindi ka pagpapawisan at pinapadali pa ang iyong mga gagawin kapag ika’y nasa laro na. At hindi talagang maiiwasan na ikaw ay ma enganyo sa mga laro dahil papaikutin talaga yung utak mo para ika’y makapaglaro. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ang mga kabataan ngayon ay lagi nang mag aabsent sa eskwela dahil nga maglalaro tulad ng larong “DOTA”, yan ang mga nalalaman ko galing sa mga magulang at halos nauubos na nga raw ang pang allowance na budget para sa isang buwan. Masakit para sa mga magulang ang malaman na ang kanilang pinagpaguran ay mapupunta lang sa hindi importanteng bagay para sa anak, lalo na kung ang mga magulang ay may malaking ekspektasyon sa mga ito. Napaka “Hi-Tech” na talaga ngayon kasi hindi lang sa kompyuter ang may tinatawag na “on-line games” pati narin sa mga celpon ay meron na kaya mas lalong dumadami ang lista ng mga kabataan ngayon na naaadik ng mga laro galing sa “internet”.Kung iisipin lang sana o hihilingin man lang n asana mawala nalang ito at ibalik ang noon para mas maging mabuti pa ang kalagayan ng mga kabataan dahil makakasakit rin ang pagiging adik sa kompyuter dahil may malakas na “radiation” ito at lumilipat din ang init nito sa iyong katawan. Kaya masasabi kong napakadelikado talaga. Ito lang ang maipapahayag ko tungkol sa kaibahan ng dalawa at ang huling salita ko lang ay sana maturuan ng leksyon ang mga kabataan sa pagiging adik ng kompyuter games at sana rin maiwasan nila ito para lang man din ito sa sariling kaayusan lalo na sa ating kalusugan.

No comments:

Post a Comment