Monday, October 10, 2011

Mga Laro sa Aking Pagkabata

Sa ating kamusmusan at kabataan, mayroon tayong mga laro na kinalilibangan at pinaglalaanan ng panahon. Mga larong kinasasabikan ng bawat isa sa tuwing may bakanteng oras. Mga laro natin noon na larawan ng dating mura nating kaisipan ngunit mapanghamon, mga larong kung saan nagagamit ang katawang maliit ngunit aktibo sa anong pisikal na gawain lalo na kung laro. Ito ang mga nakagisnan nating mga pangkatuwaan na pinaghuhugutan natin ng aliw at kasiyahan, mga larong unang nagpinta ng ngiti at tuwa sa mukha ng bawat bata at maging ng mga matatanda na kailan man ay walang sinuman ang magkakaroon ng pagkakataong nakawin.
     Dahil sa lahat tayo ay minsan na ring naging bata, mayroon din akong mga larong hinding-hindi ko malilimutan. Sa tuwing naiisip ko ang mga ito, naiisip ko rin ang kung anong ligayang naidulot nito sa akin at sa aking mga kalaro noon na hindi ko nakita sa ibang bagay. Ito ang mga larong nagbigay-buhay sa mga nakakatamad at nakakabagot na araw, mga larong nagpatingkad sa makulay kong kabataan.
Una sa aking listahan ay ang patentero. Nakakatuwang sabihin na ang larong ito ay ang klase ng laro na kinahihiligan ng kapwa bata at matanda. Simula pa ng ako ay nasa elementarya pa ay nilalaro ko na ito hanggang sa nakaabot na ako sa high school. Nasa high school na ko noon ng huli kong laruin ang patentero. Inaasam-asam at inaasahan kong makapaglalaro pa ulit ako ng patentero kahit na nasa “college” na ako. Dahil sa larong ito ay masyadong pisikal, kailangan ng bilis at malinaw na mata upang makalusot at makahuli naman kung ikaw ang taya. Talagang tutulo ang pawis mo sa larong ito dahil sa sobrang pisikal at dahil kailangan mo pati na ng mga kagrupo mong mag-isip ng mga istatehiya at plano kung paano makakapuntos at kung paano ninyo matatalo ang kalabang kuponan. Masaya ngunit hindi madali ang larong ito sapagkat mali ng isa ay katalunan ng buong grupo. Mas lalong mahirap kung pa-home kana ngunit na trap ka at napapalibutan ka pa ng mga taya. Paano ka kaya makakatakas? So dito mo masusukat ang iyong bilis at istrategi kung paano mo madadayvert ang at atensyon ng taya.
Pangalawa sa aking listahan ay ang taguan o kung sa amin ay mas kilala na “taguanay”. Marami akong naging karanasan na hindi malilimutan sa larong ito. Kung saan-saan nalang ako nagtatago kasama ng mga kalaro ko. Sumisiksik sa mga sulok  na pwedeng pagtaguan. Umaakyat sa mga matataas na lugar para lamang makapagtago at kung minsan nga kapag wala na talagang mataguan ay parang nagkokomoflage nalang sa mga kahoy o di kaya sa mga halaman sa mga gilid-gilid. Nyahaha :D. Nakakatawa pero ganon ako minsan. Kapag ukopado na ang lahat ng pwedeng mapagtaguan ay nagkokomoflage nalang. Nakakatawa din minsan kasi sa kalagitnaan ng pagtatago naiihi ako. So ang ginagawa ko ay nagstastalem ako o kung baga time out muna. Kaya lang pagkalabas ko para magstalem ay nauunahan naman ako sa pagkasabi ng taya. Nahuhuli tuloy ako. Tssssssskkk! Pahamak na ihi! :D. Nyahaha pero okey lang kesa naman maihi ako sa shorts. Hahaha. Pero minsan narin akong naihi! Buti ngalang hindi tumagos sa uniform ko, kundi lagot! Nakakahiya! Mangangamoy pa! Pero hindi lang sa pagtago masaya salarong ito. Syempre sabawat laro may istrategi talaga kung paano ka makapuntos o paano ka makakawala sa taya. At sa mga nagiging taya, ang ginagawa ay hindi umaalis sa home. Sa palibot lang nagbabantay para madali niyang mataya ang mga nahuli. Kumbaga ang tawag sa kanya ay “bantay-pari”, taya na sigurista na hindi umaalis sa home. So pagka ganon ay gumagamit ng mga “code-code” kumabaga tulad ng “tinidor” kung tago at “kutsara” kung labas. Yong mga nahuli ay ang nagsasabi ng code para masave sila ng mga hindi pa nahuhuli.
    Isa pang laro na gusto ko sa aking kabataan ay ang larong slipper game. Masaya ang larong ito dahil naipapamalas din dito kung gaano ka kbilis. Ang larong ito ay parang sa baseball. Parang lang kasi iba ang base dito, tsinelas. Sinisipa ang tsinelas at tatakbo papuntang base at kapag malayo pa ang may hawak ng tsinelas ay maari ka pang dumiretso sa susunod na base, yun ay kung mabilis kang tumakbo. Dapat  talaga malakas ang pagsipa upang malayo ang abutin ng tsinelas at makakatakbo ka pa hanggang maka home  para one point sa grupo. Pero kapag naman masyadong mahina ang pagkasipa, dalawa lang ang posibleng mangyari; una ay kung masasalo ng taya at lahat kayo ng kagrupo mo ay na-lose ang turn at ang taya na naman ang maglalaro; at pangalawa ay hindi ka makakaabot sa susunod na base at kapag nagkataon ay “you lose a turn” o out kana sa laro at ang iba mo na namang kagrupo. Kaya dapat alaga maingat din at malakas ang pagkasipa ng tsinelas. Kung minsan kapag masakit na ang paa sa kakasipa ay pwede namang kamay ang gamiting pamalo sa tsinelas, kaya lang kapag kamay ang ginagamit ay kadalasang lumilipad palikod ang tsinelas pagkapalo . Masaya talaga lalo na kapag makakapuntos. Ito ang palagi naming nilalaro dati noong elementary pa ako at kahit noong hindi pa ako pumapasok sa skol, sumasali lang ako sa mga ate at pinsan ko kapag naglalaro sila na kumbaga “flower-flower” lang ako . Ang nakakatawa lang sa larong ito ay minsan kapag nauubusan na kami ng tsinelas pang base ay  kinukuha naming ang mga tinelas na iniiwan lang sa tabi-tabi kahit na may nagmamay-ari nun para lang talaga makapaglaro
    Sunod naman ay ang “Chinese” o Chinese garter. Ang larong nasusukat ang pagkaflexible ng katawan mo, at kung gaano kataas ang maabot sa pagtalon upang abutin ang garter. Masaya din ang larong ito lalo na kapag mataas na. Thrilling kumbaga kasi “everybody is counting on you” kung maabot mo ba ang garter. Nagsisimula kasi yan sa baba. Mula sa lupa kung saan aapakan ng talo ang garter. Sunod ay sa tuhod, tapos ay sa beywang, sa kilikili, sa balikat, sa leeg, sa ibabaw ng ulo at ang huli ay “VIVA” o nakataas na ang kamay. Kung hindi naman maabot sa pagtalon, pwede naming icartwheel. Ang mahirap lang din dito ay kapag na-“step” o na out na ang mga kasama mo, kailangan mo silang i-save isa-isa. Kumbaga kailangan kang magpaulit-ulit ng talon hanggang sa ma-save lahat. Oo nga at masaya ang larong ito kaya lang ay delikado din kasi maari itong magdulot ng pilay o kaya ay maaring mabali ang buto kapag nasobrahan. Naalala ko nga ang ate ko noon naglalaro kami, masyado ng mataas ang garter at pilit niyang inaabot ito kasi siya nalang natitira na makakasave sa aming mga na-out na. Hindi naabot ni ate at yun natisud at napilayan siya.
    Isa rin sa pinakamasayang laro namin dati ay ang “bater-lata” kung saan may dalawang lata na pinagpatong at hahampasin ng kahoy o anumang pamalo. Good luck nalang  kung taya ka kasi mahirap talaga hanapin ang mga kalaro kasi walang limit ng lugar na pwedeng pagtaguan. Kadalasan ang pumapalo sa lata ay yun kumbaga mga “master” na o mas nakakatanda kasi mas malakas silang pumalo kaya yung iba ay magtatago na. Minsan nga pag masyadong malakas ang pagkapalo ay nayuyupi ang lata pero patuloy pa rin sa paglalaro. Hahahaha  Minsan nga din sa sobrang lakas ng pagkapalo ay tumatapon sa malayo ang lata at hindi na nakikita at bahala na ang taya na maghanap doon. At para makasigurado ako na hindi ako makikita ay nagtatago ako sa bakery malapit sa amin o kaya ay sa skwelahan likod lang ng bahay naming pero kung tutuusin ay malayo nay an sa pinaglalaruan naming.  Para lang talaga makasigurado. Nyahaha.
Siguro naman lahat ng dumaan sa pagkabata ay nasubukang maglaro ng “balay-balay”. Eto naman ang nilalaro naming ng pinsan ko kapag mahaba-haba ang walang pasok. Kumukuha kami ng mg gamit sa bahy na pwedeng gamitin sa paggawa ng bahay kunyari.  Kinukuha ko ang mga sako na lalagyan ng bigas kapag bumibili si daddy at mga lumang gamt naman sa pinsan ko. Kapag kumpleto na at gawa na ang bahay naming ay nagluluto kami kunyari na kung anu-anung dahon ang pinaghalo-halo. Kumukuha din aku ng mga hamit sa bahay tulad ng mga kaldero at kutsilyo. Kung minsan nga pinapagalitan ako kasi nga kung anu-anu nalang ang kinukha ko sa bahay at hindi ko naman sinasauli, iniiwan ko lang daw sa labas. Nyahaha! Ganoon naman talaga maglaro ang bata. Hindi na iniintindi ang kalat basta lamang makapaglaro.
Eto pa ang mga nilalaro ko dati; Teks. Dati nagpaparamihan kami ng mga sticker cards tsaka nagteteks. May mga kalaro kasi ako dati  na ang card nila “double-body” o yong bawat mukha ng card ay  nakaharap so hindi talaga matatalo. Tawag sa kanila “mga maruis”  Eto pa,jolen. Minsan dati sumasali ako kahit mga lalaki ang mga naglalaro at kahit na mamalakas silang tumira kapag natalo ka, basta lang rumami ang jolen ko. Tumba lata, ito yong may lata sa gitna ng bilog at kailangang patumbahin gamit ang tsinelas at kapag hindi mo ito naumba ay hahabulin ka ng taya so kapag ganon ay kailangan mong kunin ang tsineas mo at bumalik sa linya. Tubma balay, ito naman yng may tsinelas na pinormang bahay at kailngang patumbahin. Parang katulad lang din sa tumba lata. Halap-halap, naman ang laro na ng taya ay tinatakpan ang mata tsaka pinapaikot ng ilang beses –depende sa napagkasunduan- tsaka huhulihin niya nag iba. Eto pa oh! Dampa! Gamit dito syempre “lastiko”. Laro namin dati na patago kasi pinapagalitan kami kapag naglalaro kasi daw baka maputol ang ugat namin sa kakadampa. Dati nagpaparamihan kami ng lastiko. Parang nagpapahambugan kami  bah. Tsaka nilalagay ang mga lastiko sa kamay na parang bracelet. Kung hindi man ganon ay sinasalapid ang lastiko ng limahan para malaman ng iba na marami kanang lastiko .
 Matatagalan ako kung iisa-isahin ko pa ang mga nilalaro ko noon. Marami talaga as in marami. Dati kasi wala pang laro na pangbabae o panlalake lang. Lahat pwedeng laruin. Pero hindi naman dahil sa lumipas na ako sa stage na yon ay hindi na ako nakakapaglaro. Ngayon din naman sa college ay nakakapglaro pa din naman ako. Tulad nalang ng habulan pero hindi na katulad dati na todo-todo ang paghabol, ngayon kasi kapag hinihingal na ay tigil agad. Isa pa ay ang baraha na bihira lang nilalaro noon kasi nga daw masama sa bata. Masama kung nagsusugal, eh kami hindi eh!
Iba na talaga ngayon at dati. Nakakapaglaro pa man din ako nagyon kahit college na ay sa mga pipiling tao nlang din. Yung mga tao na feel na feel pa ang paglalaro. Isa pa din ay kung nakakapaglaro pa man ako ngayon ay hindi na masyadong pisikal o aktiv kumbaga na patakbo-takbo, talon doon dito, at sigw-tawa kahit saan kasi syempre isinasaalang-alang na ang mga tao sa paligid kung proper bang tumawa dito at okey lang ban a maglaro banda dito. Dati nga pinapauwi lang kami ng mga ate ko galling laro kapag alsa-3 na ng haon kasi snack time naming yan at kung alas-6 na kasi uwian na talaga. Dati hindi iniinda ang sikat ng araw basta lamang makapaglaro kasama ang mga kaibigan pero ngayon kunting daplos lang ng init reklamo na agad.
Iba-iba man tayo ng pinagdaanan sa pagkabata ay hindi ito makukumpleto kung wala ang mga kaibigan natin na nagshare ng kaligayahan sa atin at ang mga larong kailan man ay hinding-hindi natin mailimutan at ang kung anong saya ang naibigay nito sa ating mga buhay at ang dulot nitong ngiti sa ating mga labi na patuloy at habang-buhay nating maalala

No comments:

Post a Comment