Tumbang
preso, patintero, tagu-tagoan at luksong tinik. Ito’y iilan lamang
sa mga larong nilalaro ng mga kabataang Pilipino. Mga bagay na
nakikita sa paligid, kapit-bahay, mga kaibigan at ang iyong sarili
lamang ang kailangan maaari ka nang maglaro. Ngunit dahil sa mga
umuunlad nating teknolohiya ay unti-unti nang kumakaunti nag mga
naglalaro nito. Bakit nga bang kailangan nating mabahala sa
unti-unting pagkawala ng mga larong-Pinoy?
Lahat
ng mga larong-Pinoy ay nangangailangan ng malakas na pangangatawan,
isip, liksi at bilis kaya naman ito’y magandang halimbawa ng
ehersisyo hindi lamang sa pisikal nating pangangatawan kun’di sa
mental rin nating kalusugan. Ang mga batang nasa panahon ng kalakasan
lalo na ang mga batang may edad na apat na taon pataas ay
nangangailangan ng napakalaking halaga ng ehersisyo upang mas lumakas
ang kanilang mga buto at pangangatawan habang sila’y tumatanda pa.
Nakatutulong rin ang paglalaro sa pagpapatibay ng resistensya at
pag-iwas sa mga sakit tulad ng hika, ubo, sipon, lagnat, trangkaso at
LBM. Siyempre naman ang pinakamahalaga sa lahat ay ang tamang
pagkain. Hindi tulad ng ibang mga laro tulad ng golf,
badminton, bowling at
iba pang sports,
ang mga
larong-Pinoy ay hindi na kailangang gumastos pa upang ito’y malaro.
Halimbawa ay ang patintero kung saan ay kailangan lamang ng mga guhit
sa sahig at ang tumbang preso na nangangailangan lamang ng isang lata
at tsinelas. Sadyang napakamalikhain talaga ang mga Pilipino kaya
naman marapat lang nating ipagmalaki an gating mga larong-Pinoy,
ngunit bakit nga ba kumakaunti nalang ang mga naglalaro nito?
Kasalanan din ba natin ito?
Sa kabila ng lahat dahil
sa gusto nating mga tao na mas mapadali ang ating mga gawain,
unti-unti ding umuusbong ang pag-unlad ng teknolohiya. Ito ay kung
saan gumagamit tayo ng mga makinang nagsisilbi nating mga alipin.
Noon wala pang washing
machine, vacuum cleaner, cooking stove at
dry
cleaner na
tumutulong sa paglinis ng ating mga tahanan. Lahat ng mga paglilinis
noon ay sarili nating ginagawa tulad ng pagwawalis, pag-iigib ng
tubig, paglalaba at pagsisibak ng kahoy upang magamit sa pagluluto.
Dahil mas sumisimple na ang mga gawain nating mga tao, ito na rin
marahil ang dahilan kung bakit mas tumatamad ang mga tao lalo na ang
mga kabataan n gating panahon. Marami na sa mga kabataan ang
nalululong sa mga kalayawan at halos hindi na maiwasang pansariling
kagustuhan. At dahil napakadali nang tapusin ang mga gawain ay mas
tumataas na rin ang mga panahong walang magawa ang mga tao kung wala
na talaga ay iiwasan nalang ang pagkabagot sa pamamagitan ng
paglalaro. Paglalaro lalung lalo na sa paggamit ng kompyuter, isang
makabagong teknolohiya sa panahon ngayon. Ang mga usong laro tulad ng
Angry
Birds, DotA, Farmville, Cityville at Gamehouse games
ang mga iilan sa mga kinawiwilihang laruin ng mga kabataan ngayon.
Kailangan mo lang umupo at gamitin ang iyong mga kamay upang
makapaglaro nito. Maaari ka ring humanap at magkaroon ng kaibigan sa
iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng social
sites tulad
ng Facebook at Twitter. Sa umuunlad nating pamumuhay at gawain, halos
lahat na ng mga ginagawa ng tao ay pinapatakbo na ng kompyuter at
halos lahat ng tao ay dumedepende nalang sa paggamit ng kompyuter,
ngunit alam naman nating ang lahat ng pag-unlad at pagkasira ay
kagagawan naman nating mga tao na lumikha ng mga bagay na ito.
Sabi
nga nila, sa lahat ng sarap ay may magbubungang hirap. Bagama’t
napakadali lang ang paglalaro gamit ang teknolohiya kaysa sa mga
larong kailangang gumamit ng pisikal na lakas lalo na ang
larong-Pinoy, alam naman nating mas marami parin ang maidudulot na
mabuti kung maglalaro tayo ng mga larong-Pinoy. Una ay sa kalusugan.
Kung maglalaro tayo gamit ang kompyuter, hindi lalakas ang ating mga
katawan kung hindi ito’y hihina pa dahil sa napakalakas na
radiation
nating matatanggap. Maaari din itong magdulot ng pagkabulag at hindi
maiwasang panginginig ng katawan. Malaki rin ang maitutulong ng mga
larong-Pinoy sa paghulma ng sariling personalidad at pakikitungo sa
kapwa. Mas bumubuti kasi ang pakikitungo kung personal nating
nakakasama ang ating mga kalaro. Ang paglalaro din ang isang paraan
upang makahanap ng iba’t ibang kaibigan na tumutulong sa paghulma
ng atin mga ugali. Hindi tulad ng paggamit ng social
sites, ang
personal na pakikipagkaibigan ay mas nakatutulong upang masanay
tayong makipagsalamuha sa iba’t ibang uri ng mga tao at upang mas
makilala din natin sila. May mga uri din ng teknolohiya na
nakatutulong upang palakasin ang katawan ngunit kailangan lang talaga
ng sapat na salapi at kung gamot naman ay tamang preskripsyon ang
kailangan. Sa kabuuan ay kailangan rin naman talaga natin ang
teknolohiya ngayon at ang mga larong-Pinoy noon na tinatangkilik rin
naman hanggang ngayon. Hindi din naman natin maiiwasan ang paglaro ng
mga makabagong laro ngayon kaya ang pinakamahalaga lamang sa lahat ay
ang respeto sa sarili, tamang pagpipigil at matalas na pag-iintindi.
No comments:
Post a Comment