Sunday, October 16, 2011

ANG KAIBAHAN NG LARONG BATA SA LARONG PANGMATANDA


Ang paglalaro ay nararanasan at mararanasan ito ng isang tao. Natural lamang sa isang tao ang maglaro. Ito ay hindi lamang isang epektibong paraan para sa isang masayang pampalipas oras  ito rin ay nakakatulong upang maehersisyo hindi rin lamang ang ating katawan kundi pati na rin ang ating isipan. Maraming maibibigay na magandang epekto sa atin ang paglalaro isa na rito ang panlaban sa pagkabagot ngunit ito ay nakakasama rin kapag nasobrahan. Kapag ang isang tao ay naaadik na sa isang laro, mawawalan na siya ng kakayahang mag organisa ng kanyang mga skedyul, mas pipiliin nya pang maglaro kaysa gawin ang dapat niyang gawin. Kahit ano pang gawin niyang pagpipigil na hindi maglalaro maakit at maakit rin siya nito. Dahil ang laro ay sobrang mapang-akit.
Para sa akin higit na mas masaya ang larong pangbata kasi naglalaro lamang ang mga bata para maaliw,naglalaro sila ng walang ibang inaalala. Tago dito,tago doon, akyat dito, akyat doon, takbo dito, takbo doon at kapag nadapa at nasaktan ay iiyak, umiiyak sila ng walang ibang dahilan kundi dahil sa sakit na pagkakadapa. Paminsan-minsan nilalaro na rin ng mga mas nakakatanda ang laro ng mga bata para magfeeling bata.
Masaya rin naman ang laro ng mga teenedyer katulad ng sa mga bata, sa katunayan nga mas adventurous pa ang laro nila, may larong nasusubukan lahat ang kakayahan mo, kaya lang hindi katulad ng mag bata naglalaro sila ng maraming posibilidad na dahilan tulad ng may iniiwasang isipin,may pilit kalimutan na problema kahit saglit lang at higit sa lahat ginagawa nilang pampatay oras ang kanilang paglalaro. May laro rin ang mga kabataan ngayon na sobrang makaka apekto sa kinabukasan. Kapag sila ay nasaktan sa kanilang paglalaro, hindi lamang dahil sa sakit ng epekto kung kaya’t sila ay umiiyak. Dahil alam naman natin na hindi basta umiiyak ang mga hindi bata, maaring may sakit na rin sa puso itong kinikimkim dala ng problema.
Noong ako ay bata pa marami rin akong masasayang alaala sa mga laro na aking naranasan. Ang paglalaro ng “teks” ito yung maliit na kard na mayroong larawan sa unahan, nililipad ito sa ere at pag dumapo na ito sa lupa at nakatihaya yung teks na pag aari ko ako yung panalo, paminsan minsan nanalo ako kaya lang masakit man isipin palagi akong natatalo. Palagi din akong sumasali sa mga tago-taguan paminsan nagiging taya at pag hindi makabawi titigil na sa paglalaro ganyan ako ka fair maglaro. Ang super enjoy talaga na laro ay ang habulan,masaya siya dahil super nakakapagod, pagpapawisan ka talaga ng bongang bonga. May laro pa kami noon na gamit ang Chinese garter,hola hop at jumping rope pero ang tatlong yan ang hindi ko masyadong sinasalihan dahil sa katunayan ay hindi ko talaga carry yung katawan ko.he.he.he.Masaya rin ako pag naglalaro rin ako ng “bato lata” dahil pabilisan at matinding diskarte sa pagkuha ng saktong timing kung dapat mo na bang kunin yung tsinelas mo at tumakbo o hindi pa pwede, dito rin yung mahahasa ang pagiging hunter mu sa pagtama ng sarsa gamit ng tsinelas, at pagkatapos ng laro mangangamoy ka talaga, laking pasalamat ko nalang na pag uuwi na ako ng bahay hindi galit na mukha ni mama ang sumasalubong sa akin kundi yung mga maintindihin niyang ngiti, mapayapa niyang yakap at maalaga niyang mga kamay.Ganito akong bata, babae pero mas gusto ang larong panglalaki, ni minsan hindi ko ginustong maglaro ng manika kahit binibilhan ako ni papa at mama nagiging design nalang iyon ng bahay kasi naman wala talaga akong hilig sa ganyan.
Paglalaro lamang ang inaatupag ko ng bata pa ako kahit nga sa paaralan naglalaro pa rin ako, pero simula ng nag high school ako bigla nalang nagbago ang nilalaro ko at ang rason kung bakit ako naglalaro. Pagkalikot sa cellphones, sa computer at ang pagpicture-picture, ito ay ilan lamang sa aking mga nilalaro ngayon. Naglalaro ako ng ganitong klaseng laro dahil ito yung tipo na hindi mo na kailangang lumabas at magpabandira sa matinding sikat ng araw syempre nagdadalaga na rin kaya medyo inaalagaan ko na rin yung kutis ko.he.he.he.At hindi na rin naayon sa mga dalaga ang magamoy araw dahil lamang sa kakalaro. Naglalaro ako noon para maalliw, ngunit naglalaro ako ngayon para kahit saglit lang makakalimutan ko yung problema ko o di kaya’y nagpapalipas oras lamang, pampa-fresh ng utak kung baga.
Kung iniisip natin na ang mga bata at teenedyer lamang ang may laro,nagkakamali tayo dahil may laro rin ang mga matatanda. Kaya lang ang rason kung bakit sila naglalaro ay upang maibsan ang pagkakabagot nila. Pagmamadyong, pagbrabraha at pagkakasino ang kadalasang laro nila, medyo mas magastos nga lang ang sa kanila, pero may ibang matatanda naman na sa pamamagitan ng pakikinig ng music o kaya sa pakikinig ng drama sa radio nila inuubos ang kanilang oras.
Kapag nakakita tayo ng batang umiiyak sasabihin nating cute pero kapag nakakita tayo ng mas matanda na umiiyak maaring may magsabi na tanga siya o kaya ay mahina siya dahil imbis na kayanin, tumayo at labanan ang sakit, umiiyak lang siya sa tabi at nagpapatalo.
Kahit ano pamang klaseng laro ang nilalaro natin, isa lang ang sigurado ako “pantay pantay lang ang nararandaman at mararamdaman nating kaligayahan kapag tayo ay naglalaro,”at ito yung pinaka importante sa lahat.

No comments:

Post a Comment