Monday, October 10, 2011

Mga Laro Ko (Noon at Ngayon)

  Iba-iba ang ginagawa ng tao para lang sumaya. May nagkakantahan,nagsasayawan o di kaya’y  nagkukuwentuhan lng .  Pero magdedependi rin ito kng edad ,gaya ng bata ka ba o matanda na, Dahil iba-iba naman kasi tayo ng nakasanayan ng gawin o mga hilig. Kaya namn isa sa pangunahing naggawa ng tao lalon-lalo  ng mga bata ay ang paglalaro.Dahil dito, nakikita natin na sa kahit sa maliit lng naman na paraan ay ngumiti o di kaya’y umabot sa pontong sumaya ang kalooban.
                Tandang-tanda ko pa ang mga naging laro ko noon na maihahalintulad sa mga larong pinoy na nkasanayan na natin, Gaya ng “sagudsud” sa Cebuano na nilalaro ng dalawa o higit png miyembro. Luksong baka na tatalon ka mismo sa taong taya na hindi man lng magalaw ang kanyang buong parte ng kanyang katawan. Ginagawa namin ang larong ito kapg librre na o walang klase kasama ng mga kaibigan ko sa elementarya, dahil sa murang kaisipan ay laro lamang ang naiisip agad kapag walang ginagawa. Naglalaro rin ako noon ng “dakpanay” sa salitang Cebuano o habulan sa Filipino. Katulad parin na nagagawa ko ito kasama ng mga kaibiagan o mga kaklase narin. At kasali narin ang paglalaro ko ng “golgol” na gamit ang mga holen. Pagkatapos, pag nagsawa na ako, o kasama ng aking maga kalaro ay naglalaro naman kami ng patintero, na kong saan nag uunahan kami kung sino ang mananalo.
           Sa katunayan ay hindi lang yan ang aming nilalaro noon meron pa, nung tinatawag na “shatong” ang tawag sa amin, na kapag natalo ka ay sisigaw ka ng malakas dependi sa hampas na stick na siyang ginagamit na basehan kng hanggang saan ang kaya mong abutin, sa lahat ng nalaro ko ay ito yong nahirapan ako sapagkat dito talaga masususkat ang iyong katagalan sumigaw. Maliban diyan ay nasubukan ko ring maglaro ng slipper game na halos ginagawa kasama ng aking mga kaklase sa sekondarya pa kami. Naalala ko pa ng may nagsabi na isa sa amin malaki na kami para maglaro pero sabi naming meron bang pinipiling edad ang paglalaro wala naman ah, basta lng ay kaya mong gawin nagdudulot rin ito ng saya sa iyong kalooban.At  sa pamamgitan ng iyong paglalaro ay pansamantala mong makakalimutan ng iyong mga problema.

           Sa pamamagitan ng modernisasyon, tumataas ang antas ng paraan na nilalaro ng mga taolalong lalo na sa mga kabataan ngayon na halos lagi lang nakatunganga sa kompyuter. Dahil ito sa pag laganap ng teknolohiya sa ating bansa. Ang mga laro noon ay halos napag-iiwan na ng pansin at napagsawaan na. Dahil halos sa mga kabataan ngayon ay naglalaro na ng dota na kinahihiligan ng mga lalaki. Pero ako ang maga nilalaro ko ay iyong mga angry birds,na tinitira ang mga baboy na gamit ang mga ibon dapat matamaan para makawala sa kulungan ang mga ibon at naglalaro rin ako ng super text twist na kung saan  ay kailangan mong lkabuo ng mga salita gamit ang mga nasabing letra  sa ibinigay na oras dahil iba iba ang klase nito may unlimited o limited ang oras, meron ring action, crossword puzzle at word of the day, dependi lang yan kung ano ang gusto mong laruin.
           At meron pa, tulad ng bookworm adventures na gamit parin ang kompyuter, nilalaro ko ito kapag wala akong ginagawang iba at walang mga homeworks naggsisilbi rin itong pampalipas oras ko at libangan na rin. Nawawala rin ang pagkainip ko habang naglalaro ako, sapagkat may pinagkakaabalahan pa rin ako kahit papano. At saka  hindi lang yan naglalaro rin ako ng  tetris na dapat iorganisa ang mga blocks para maka iskor ng mataas. Pero habang tumataas ang antas ay nagiging mahirap ito kaya naman ay nahahamon talaga ang iyong mga  paraan kung paano mo malalampasan ang mga pangunahing lebel.
             Bakit kaya nag-iiba ang gusto ng mga bata kumpara sa mga nagdadalaga at nagbibinata? Noon kontento na ako sa paglalaro sa labas ng aming bakod ngunit ngayon ay parang tinatamad na ako at ang gusto ko na lang ay maupo sa harap ng mga “high tech” na gamit at makapaglibang. Dati rati naman ay meron naman kaming mga gamit na hindi mo naman masasabing sobrang luma na gaya ng telebisyon at gameboy ngunit iba talaga ang mga kakintalan ng aking gusto. Bawat taon na may bago ay nakasunod ako dahil ayokong mahuli o sabihin nating ayokong manatiling manang sa mga kagamitan ngayon. Syempre, nasa kolehiyo na ako at iba’t ibang tao ang aking masasalamuha araw-araw. Ayoko naming maging “out of place”. Kahit na noong wala pa ako dito sa syudad ng Iligan ay medyo bundok bundok ang  
aming tinitirahan. Kahit naman kasi bundok ‘yun ay nakaka-“relate”  pa naman kami sa mga bago at magagarang kagamitan o kasangkapan sa syudad. Uso pa nga ang “textmate” sa amin eh.
   
      HAHA. Nakakatawang isipin ngunit totoo talagang nag-iiba iba ang gusto ng kabataan sa paglipas ng panahon.
       Paano kaya kapag naging uso na ang mga sasakyang lumilipad noh? Siguro ang mga bata hindi na marunong maglakad kasi umaasa na lang sila sa mga sasakyang ito. Taon taon kasi ay nagiging mas moderno ang mundo eh. Pati nga telebisyon ay iba iba na ang klase ano pa kaya ang utak ng mga estudyante? Tsk. Tsk.
        Hindi ko talaga maintindihan na kahit anong pilit kong ipanumbalik ang mga laro ko noon ay wala naming sumasali sa bawat taong iniimbita ko. Pagod ba sila o talagang ayaw lang nila kasi dalaga at binata na sila at nahihiya sila sa mga magaganda at gwapong tao sa paligid. Hmmpf. Pagdadalaga talaga oo! Hoh!
           Kung sabagay dalaga din naman ako kaya minsan ay naiintindihan ko rin naman sila. Pero nakakamiss lang talaga ang mga laro noon. Noong hindi pa ako marunong mahiya kahit na nakikita na ang underwear ko kapag nahihikayat akong tumalon ng mataas.  Pero, nalilibang naman ako kahit pinagtatawanan ako ng mga tao sa paligid ko.
Haay naku! Nakakalungkot isipin ngunit ito ang realidad kaya wala tayong magagawa kundi tanggapin ito at mamuhay rito. Anuman ang kahihinatnan ng mga modernong gamit sana ay hindi natin makalimutan na minsan ay mayroong mga laro sa atin na hindi nagawa ng kompyuter at hindi nakakapagpaligaya sa atin ng todo todo. :]Kang kaya naman malaki talaga o ang kaibahan ng laro natin ngayon kaysa noon.:

No comments:

Post a Comment