Monday, October 10, 2011

Laro Ko Noon at Ngayon

Una sa lahat magtatanong muna ako. Ano kaya ang mga laro mo noon? Magkatulad kaya tayo? Ehh... pano naman ngayon? Ano na mga laro mo? Hmmp... anong laro kaya ang mas masaya,mas mabuti at mas malayo sa temtasyon, noon o ngayon? Alam mo, may gusto akong sabihin sayo, tungkol kasi ito noong bata pa ako, opss! Tika lang bata paman din ako hanggang ngayon ah. Noong maliit pa ako,hmmp.. maliit? Di naman siguro ako maliit noh? Ahh basta! ‘Yon na ‘yon alam ko naintindihan mo na ibig kong sabihin, diba? Basta, intindihin mo na nga lang..
    Ganito kasi yon oh.. naalala ko pa noon, takbo dito, takbo doon, dapa doon, dapa dito, eh pa’no nga ba naman bata eh. Tumbang priso, “padol”, langit lupa, jackstone, Chinese garter, patintero, slipper manikin, pagpaparis-paris ng tsinelas, bahay-bahayan, luto-lutoan, iskate , tinda-tindahan, “dampa”, “bungkolay”. Hahay! Basta marami pa, nakakapagod ng sabihin. Pagod na ako, kaya di ko na muna sasabihin lahat ngayon.
    Patintero? Grabe talaga kami noon, kahit madilim na kasi gabi(bakit madilim ba pag araw? Heheh..) takbuhan parin. Kahit tanghali ganun parin. Alam mo, naalala ko pa nga noon eh..dahil sa patintero nag sabunutan kami ng kaibigan ko, haha.. ako naman kasi eh, hinila ko agad buhok niya, eh kasi naman inaway niya ako eh, kaya yon tanggal sana pati leeg niya buti nalang naawa ako,haha.. alam mo ang ending, nag iyakan kami pariho tapos pagkalipas ng ilang oras pumunta siya sa amin kasi nilebra niya ako, ano yon? Peace offering? Alam mo naman bata eh, pag may pagkain kaibigan na ulit. Naku! If I know ganyan ka rin noon.
    Ito talaga, bahay-bahayan.. alam mo ang tibay ng ginawa naming kubo, sa totoo nga para kaming ugoy na nag lalambit-lambitan sa loob ng kubo. Ganito yon oh, may kakumpitensya kami sa bahay-bahayan at sa kasamaang palad di matibay ang sa kanila,haha.. kaya nga ‘yon sa sobrang inggit nila hinampas ng malaking kahoy pero di tinabla kubo naming. Pasalamat nga sila hindi namin sila ginantihan eh, kasi kung ginawa namin yon? Malamang parang lasug na lasug na katawan ang kubo nila,haha.. ito talaga yong nakakainis eh, kasi sa sobrang inis nila sa amin binuhusan ang kubo namin ng ihi. Kakainis talaga! As in! as in! pagpasok namin sa kubo parang mamatay na kami sa baho eh. Mga inggitira kasi sila palibhasa mga loser, haha.. di kasi nila kayang patumbahin kubo namin eh, kaya siguro napasok sa mga kukuti nila na kami nalang patumbahin, kami nga? Kami talaga, wala kasi sila magawa eh, kakainis talaga sila, diba? Kakainis talaga sila noh? pero alam mo anong maganda pag bata? kasi kahit anong samaan ng loob nagkakabati parin sa lalong madaling panahon.
    “slipper manikin” “freeze na tayo, sige go!” ‘yon talaga ‘yong mga linya namin pagnaglalaro kami ng “slipper manikin”. Kiliti dito, kiliti doon para makagalaw ang mga umanong manikins. Alam mo, naalala ko pa talaga, ihing-ihi na talaga ako noon pero di pwedeng gumalaw eh. “Naku! Bibigay na talaga ako nito” sabi ko, buti nga may taya na kaya ‘yon ang gumalaw ay okay na. pakinding-kinding talaga ako ng lumakad kasi lalabas na talaga eh. Kaya ‘yon kahit saan ihi, bungga nga diba kasi public CR, haha..
    “Naku po! nasampal ko ng tsinelas.”, ito talaga ‘yong nasabi ko nang tinamaan ko ng tsinelas kaibigan ko. Ganito kasi ‘yon oh.. paharang-harang kasi eh, ayon, wapak! Sapul! Naglanding sa mukha niya. Alam mo, nagmarka talaga ang tsinelas sa mukha niya. Ano ‘yon? Footprints in the sand?,haha.. alam mo, bungga talaga kasi di ko alam kung talaga ba kayang sinadya o dala kaya ng forces that results to motion that causes object to move freely in the air without the intention of the doer(physics te?, haha..).Alam mo, nagka footprints in the sand din ako, karma siguro ‘yon te.
    “Langit, lupa saan ka bababa?...” choral singing te? Ito kasi ‘yong sabay-sabay naming kinakanta. Patung dito, patung doon, eh langit nga daw yon kaya yon, sige go! “bantay pari lage ka ay!”, tag line namin pagwala na kaming magawa kasi over-over kung makabantay ang taya eh. “lumbag lampinig nalang ta oy! 1,2,3”, alam mo, chaka para sa ‘kin ang line na ‘yan,haha.. kasi naman di ako mabilis tumakbo eh, kainis! Sa totoo nga parang I’m in a state of nervous (as in? haha..), I’m afraid kasi eh, baka ako maging taya,haha.. naku! Kung ako lang talaga papipiliin, mas gusto ko nalang siguro tumayo sa pinapatungan ko for many decades kaysa patakbuhin kasi ‘yon nga nasabi ko na kanina, mahina akong tumakbo, nasabi ko ulit tuloy, pero okay lang unli naman ako te,haha..
    “ Nah hala!  Kamo nalang pagdula sa pader ha?”,haha.. comment namin sa mga kalaro paghindi straight ang lipad ng shuttle cock. Pero alam mo friend, like ko ang comment kasi sa tuwing nairirnig ko ‘yon natatawa talaga ako. “Buslot man guro racket ani niya oh!”,haha.. linya rin namin ‘yan paghindi na sapol ng kalaro ang shuttle cock,haha.. pero ignore lang nang ignore ang sinabihan, sanay na kasi sa comment eh, kaya ‘yon tawa lang kami ng tawa. “ Tu-a! hapaka ang hangin day ha!”, “Gila tarungon na nato oy, mga representative biya ta sa Olympics ay.”, haha.. ‘yon talaga ang mga linyang di ko makakalimutan.
    “ Oy, ayaw mo lihuk bah kay di ta matugpahan ani ug tapuri” dah oy, kapuy na kayo ko”, tag line namin pag may huhulihin kaming tutubi. Sa gilid ng tulay kami nag-aabang ng tutubi para paglaruan namin.
    “Tagu-taguan maliwanag ang buwan...” kanta rin namin pag naglalaro kami ng tagu-taguan. Tagu dito, tagu doon. Minsan nga even our clothes nag papalit-palitan kami. Para naman maging confuse ang taya, kaya kahit amoy pawis nagpapalit-palitan parin kami, hehe.. masmagandang maglaro paggabi kasi mas nalilitu ang taya.
    “Oy, igna kog naa na ako mama ha!” “oh lage, pagdali diha.”, nasa ilalim kasi ng tulay eh. Nanghuhuli kasi ng mga little frogs. Alam mo, sa totoo nga iniyakan ko tala ‘yong nahuli ko kasi namatay sila lahat eh, haha..
    Alam  mo friend, kahit hanggang ngayon, ito parin talaga ang mga nilalaro ko. Wala paring nagbago eh.  Kasi you know, as I observed, mas Masaya talaga laruin ang mga laro noon kaysa ngayon. Kung iisipin nga mas magastus ang ilan sa mga laro ngayon namely: DOTA na kinababaliwan ng mga karamihang kabatan, isama pa natin ang KOS. Ang masama pa nito ay halos napapabayaan na nila ang kanilang mga pag-aaral kasi  they spend more time playing such games kaysa mag-aral.
    Hahay.. ang sarap talaga balikan ang mga nakaraan noh? , minsan nga natatawa pa ako dahil sa mga funny experiences ko. Kahit nga ngayon college na ako, nilalaro ko parin(sinabi ko na ‘yon diba?, paulit-ulit nanaman?, unli talaga noh? Haha...). Hanggang ngayon ,oras at panahon na bakanti  lang talaga ang mga hinihintay ko upang makapaglaro ulit, pano nga ba naman busy na sa pag-aaral eh.
    Friend alam mo, pagud na akong magsulat eh, kaw pagud kana bang magbasa nito? Tatapusin ko na ‘to ha. Hanggang dito na muna ako kasi maglalaro muna ako eh, bakanti na kasi ako ngayon, gusto mo laro tayo friend?

No comments:

Post a Comment