Monday, October 10, 2011

Larong-pinoy unti-unting Naglalaho


Larong pinoy sadyang kay ganda,isang biyayang maituturing ng iba dahil malaki ang naitutulong ng ating pagkatao. Ang kamusmosan na dala ng ating kabataan ay sadyang kay ganda. Ito ay naghahatid sa atin ng isang magandang karanasan na walang sino man ang makaka-agaw sa atin. Walang tao ang hindi dumaan sa pagkabata at hindi naranasan ang masayang panahon ng kanyang pagkabata. Dahil sa mga karanasang ito, ito ay nag tutulak sa atin upang tahakin ang magandang kinabukasan. At dahil sa larong ito nabubuo ang samahan at alaala ng masayang pagkabata. Ito rin ay nag bibigay ng buhay sa mga komunidad. Bukod rito ay pinagtitibay rin ang samahan ng magulang dahil pinaglalapit rin ang damdamin nila sapagkat nagiging daan ito sa masayang kwentuhan ng pamilya sapagkat may isang aspeto sa kanilang buhay na nag uugnay sa kanila. Nakatutulong rin ang mga laro upang mas mapatalas pa ang kanilang kaispan at lakas ng katawan dahil natuturuang maging maliksi ang kilos nila at nagpapatalas din ng kaisipan ang karamihan sa mga laro. Dahil din sa laro ay napapalayo rin ang maraming kabataan sa masamang bisyo o di kaya ay sa mga kalayawan.
Ang pagkabata ay dumaan sa maraming karanasan isa na rito ang ay ang masayang paglalaro sa nakagisnang laro. Ako ay masaya pag nagkukuwento na ang aking lolo sa kanyang kabataan na naglalaro ng ng mga larong pinoy. Ako`y napangiti pagng marinig na kung paano siya nananalo sa mga larong kanyang nilalaro at kung paano ito nilalaro. Noong bata pa ako ay nagtataka ako kung paano unti-unting naglalaho ang larong pinoy gayong tayo`ng mga Pilipino ang gumawa nito. Napakasakit isiping ang mga larong ito ay unti-unting naglalaho at halos lahat ng mga bata sa mga modernisadong lugar ay hindi na marunong maglaro ng mga larong-pinoy.
Modernisasyon ang isa sa mga nakaka-apekto kung bakit ang larong pinoy ay unti-unting naglalaho. Maituturing ng iba na malaking pakinabang nito sa kanilang ikabubuhay nila. Ngunit di ba nila naisip na ang malaking pakinabang na ito ay may dulot ring masama. Para itong apoy sa isang apoy sa isang kandila na kung saan unti-unti ring tinutunaw ang kandila. Kung baga ang modernisasyong ating tinatamasa ngayon ay malaki rin ang nagiging epekto sa ating tradisyon at kultura natin. Isa sa mga halimbawang ito ay ang kapaligirang napalibot sa atin. Halimbawa ngayon ang mga bata sa halip na mag laro ng larong-pinoy ay sa mas pinipili nalang na ubusin ang kanilang oras sa paglalaro ng kompyuter . Maraming hindi kaaya-ayang epekto ng sobrang paglalaro ng kompyuter isa na rito ay hindi na igagalaw o na eehersisyo ang kanilang katawan at dahil ditto mas napalapit na sila sa mga sakit. Maraming mga magulang ang mas pinipili na maglaro ng kompyuter ang kanilang mga anak sa kadahilanang di na nila kailangan na mag higpit pa dahil na sa loob lamang ng bahay ang kanilang mga anak.
Idagdag mo pa rito ang pahirap na pahirap na kalagayan ng ating bansa na kung saan hindi na masyadong napapansin ang ganitong problema ng ating bansa. Dahil dito ay mas pinipili ng ibang bata na mas mag banat ng buto upang sa ganon ay makatulong sila sa kanilang magulang. At dahil dito ay wala na masyadong masayang bata ang matatagpuan sa mga eskinita o di kaya ay sa mga bakanteng lote na kung saan ay masayang naglalaro kundi sa mga kalye o mga kalye na kung saan makikita mo na nangangalakal ng basura upang may maitulong sila sa kanilang mga magulang.
Nakakadismaya ang ganitong uri ng pagkabata paano na ang sinabi ng ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal na “Ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan” gayong ang mga simpleng karapatan tulad ng paglalaro ay hindi pa kayang ibigay sa kanila. Nakakalungkot ang isiping wala na ang maituturing na atin at napalitan na ng mga dayuhang impluwensiya sa kadahilang tayong mga Pilipino ay mas tinatankilik ang mga banyagang inbensyon at produkto at nakalimotan na ang sariling atin. Tayong mga Pilipino ay parang isa pader na kung saan unti-unti rin tayong kinakain ng ating karupukan. Nakakabahala ang ganitong uri ng lipunan na kung saan pikit-matang tinatanggap an gating karupokan. Sabi nila makikita rin ang kaunlaran ng isang bansa sa mga taong nakatira kung gaano sila ka saya sa lipunang kanilang kinabibilangan. Kabaliktaran dito sa ating bansa na kung saan kahit ang mga masasabing munting problema ay di kayang solusyonan.


Ang isa pang dahilan din kaya nawawala ang mga laro ay sa kadahilang wala nang mga nagtatag ng mga palaro sa eskuwela man o barangay. Pagkatapos ng sampung taong gulang, ang mga kabataan ay wala nang choice kung di sumali sa mga liga na ino-organisa sa paaralan at barangay. At kadalasan ang mga laro na ino-organisa ay basketball o di kaya ay volleyball.kaya pag lumaki na ang isang bata ang larong-pinoy ay napagpag-iwanan na sa kalye.
Ok lang naman mag-Western sports, gaya ng basketball, volleyball... o kahit na skateboard o touch ball... pero, ituro din natin ang mga laro ng lahi sa bagong kabataan. Pag natutunan nila yan, at minsan nilang laruin --- tiyak na habang buhay na nila tataglayin ang alaala nila. At kahit papaano'y masasabi nilang, "nilaro ko rin yan".
Ituro natin ang mga Larong Pinoy sa bagong kabataan. Maganda itong gamiting paraan upang ipamahagi sa kanilang katauhan kung papaano maging tunay na Pinoy.
Alam ko kung gaano ka halaga ang larong-pinoy dahil naranasan ko rin ito. At habang may panahon pa ay magisip-isip na tayo upang muling ibangon ang sariling atin. At alam ko ring napakahirap ang ating bansa pero hindi ba dapat tayong magsimula sa mga simpleng pag bagay gaya ng mga larong-pinoy na kung saan unti-unting kinalimutan ng mga kabataan at walang imposible kung tayo ay mag tulongan para sa ikakaunlad pa sa sariling atin. Ang katutubong laro ay maituturig na palatandaan ng isang lahi, kung kaya`t dapat balikan at pangalagaan sa pamamgitan ng aktong paglalaro.

No comments:

Post a Comment

Post a Comment