Monday, October 10, 2011

Mga Laro Namin Noon

Tago-tagoan, tumbang preso, patintero, at iba pa ay ilan lamang sa mga larong malimit nating nilalaro noong tayo’y mga bata pa. At kahit ngayon ay nilalaro parin natin kapag nagkakasiyahan kasama ang mga kabarkada o ‘di kaya’y ating mga kapamilya. Ngunit nasaan na nga ba ang mga larong ito sa kasalukuyang panahon.
Naaalala ko pa noong ako’y ako’y nasa elementarya pa lamang . Kapag may bakanteng oras kagaya ng recess o ‘di kaya’y pagkatapos naming kumain ng aming pananghalian ay agad kaming nagtitipon-tipon upang makapag-isip ng kung anong laro ang maari naming laruin. Kadalasan , “hunter x hunter” ang malimit naming laruin dahil bukod sa madali lang ay nakakaaliw pa. At kapag naaalala ko ang larong ito ay naaalala ko rin  ang isang karanasang kailan man ay hindi ko na siguro makakalimutan.Kakatapos lang naming kumain ng aming pananghalian noon nang maisipan naming mag-isip ng isang laro  na maari naming paglibangan at naisipan nga ng isa naming kaklase na maglaro ng “hunter x hunter” . Kami’y nakapili na ng aming mga kasamahan at maging ang kabilang panig ay nakapili narin. Kami ang taya nang nanalo ang kalaban namin sa ginawa naming “mano” o iyong pamimili kung sino ang magiging taya. Bago kop ala makalimutan, ang larong ito ay nilalaro sa pamamagitan ng pag-ilag sa tsinelas na ibinabato ng kalaban sa iyo, at habang ikaw ay umi-ilag ay kailangan mung hanapin ang kapares ng mga tsinelas na ikinalat sa gitna at pinaghalo-halo at kapag natapos kana sa pag-aayos ay kaiangan mo na naman itong paghiwa-hiwalayin isa-isa. At kapag nagawa niyo na itong paghiwalayin ay panalo na kayo at maaari ng maglaro ang kasamahan niyong natanggal sa laro. Nang nagsimula na  ang laro ay isa nako sa tagatira ng tsinelas o iyong tinatawag na ‘hunter”. Nagsimula ng pumasok isa-isa ang aming mga kalaban, nagsimula ng magsigawan ang magkabilang grupo na talagang tuwang-tuwa at aliw na aliw sa ginagawa. May ibang talagang napakagaling umilag sa bawat pagbato ng tsinelas at may iba rin namang hindi gaanong kagalingan. Hanggang sa dumating ang isang sandali na hindi ko sinasadyang tamaan ang isa sa aming mga kalaban ng medyo may kalakasan dahil siguro dala na ng pagod at hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa kami nakakabawi. Tamang-tama pang sa mukha ko pa siya natamaan. Sa amin kapag nangyari ang ganoong sandali ay nagrereklamo kami na ‘wag namang i“butod” o iyong napakalakas na tira dahil nga laro lang iyon at wala namang napakalaking pera ang nakapusta para maging napakaseryoso. Para naman sa akin ay hindi naman talaga ako ganoon ka seryoso upang mangyari at magawa ko ang bagay na iyon, ngunit tila iba ang pagkakaintindi niya sa bagay na iyon at walang anumang pasabi at lumapit siya sa akin at itinaas ang kamay at
 ibinato papunta sa aking mukha, at talagang sumentro papunta sa ilong ko. Ako’y natumba dala ng pagkabigla at sa lakas ng kanyang pagsapak  at paghawak ko sa aking ilong ay may dugo ito nang aking tingnan ang aking mga kamay,hindi ko alam ang aking gagawin hindi ako nakabangon kaagad at nakatingin lang rin aking mga kaklase. Pakiramdam ko para akong hinampas ng kahoy ng napakalakas,hindi naman masasabing kalabisan ang mga nasabi ko sapagkat hindi ako sanay makipagbasag-ulo dahil maging ang mga magulang ko ay hindi pa nagagawa sa akin iyon at dahil hindi naman talaga siya kasing tanda namin o kaya’y kasing laki. Siya’y labing limang taong gulang na noon na may malaking pangangatawan na para bang sanay ng mabugbog at makipagbugbugan samantalang ako sampu ng aking mga kaklase ay walo o siyam na taong gulang pa lamang na siyang tamang edad lamang para sa nasa ikatlong taon sa elementarya. Nakita kong papalapit sa akin ang sumapak sa akin at sa halip na tulungan ako at humingi ng tawad ay minurapa niya ako at talagang ako pa ang sinisi niya sa pangyayari, at sa mga sandaling iyon ay pumagitna na ang aming mga kaklase at may tumakbo na papunta sa aming guro upang magsumbong. Natapos ang isang napakasayang larong iyon nang dahil lamang sa kapikonan ng isang kalaro. Nang malaman nga aming tagapayo ang pangyayari ay agad niya kaming ipinatawag sa opisina ng principal, kami ay sinamahan pa ng isang kaklase dahil baka muli kaming mag-away,nang kami ay nasa harap na n gaming guro ay wala sa aming dalawa ang gusting sumagot sa tanong na kung sino ang nagpasimuno ng gulo, nang napansin ng ami ng guro na medyo namamaga ang aking kaliwang mata ay sinabihan niya na ako na umuwi nalang muna. Gustuhin ko man upang makatakas sa aming aralin ay ayaw ko namang mapagalitan ng aking ina kaya mas pinili ko nalang na manatili sa paaralan,nang magtagal ay pinabalik niya rin kami sa aming silid-aralan. At doon na nalaman ng kuya ko kung ano ang nangyari, siya nga pala kamag-aral ko lang pala ang kuya ko dahil noong ako’y ipasok sa unang taon ay hindi bilang isang regular na mag-aaral kun’di bilang isang bisita lamang o iyong yinatawag na “visitor”, ngunit dahil pumasa at nakuha pa ang ikalimang karangalan ay nagpatuloy ako sa pag-aaral sa ikalawang taon kaya naging magkaklase kami ng kuya ko. Ngunit ang nakapagtataka ay wala lang kahit anong reaksyon ang kuya ko dahil siguro ayaw niya akong umasa lamang sa kanya. Natapos na ang raw klase at oras na upang umuwi ngunit hindi ko pa nakikita ang kuya ko, nakapagdesisyon nalang akong umuwi na kasama ang aking kapit-bahay, pagdating sa labasan ay napabagal kami ng sandal dahil sa dami ng mga batang nag-uunahan na makalabas ngunit hindi ko parin makita ang kuya ko. Nang medyo maluwag na ay nakalabas
narin kami, talagang nagtaka ako dahil hindi naman iyon ang kadalasang nangyayari na iniiwanan ako ng kuya ko sa pag-uwi sa bahay. At nang kami ay may ilang hakbang na mula sa labasan ay nakita ko ang napakaraming mga estyudante na nagkakagulo at nagsisigawan, may sumisigaw ng “biya-biya” at sa kabila naman ay may sumisigaw rin ng “inilog-ninlog”. Para bang nasa sabungan, ako’y nagtaka at nagduda na talagang may nag-aaway, sa amin pang paglapit ay hindi ko inaasahan ang aking makikita, ang kuya kong walang tigil na sinusuntok at sinisipa ang kaklase naming sumapak sa akin. At dahil sa laki ng kuya ko ay walang nagawa ang taong ‘yon kun’di takpan nalang ang kanyang mukha. Hindi ko naisip na magagawa ng kuya ko ang bagay na iyon dahil kagaya ko hindi rin siya sanay makipag-away, at noong malaman niya ang nangyari sa akin ay parang wala pa nga siyang paki-alam. Hindi ko rin alam ang magiging reaksyon ko at maging kung ano ang aking gagawin, pipigilan ko ba ang kuya ko dahil alam ko  na nasasaktan na ang taong iyon o manonood nalang ako dahil siyempre may galit din ako sa taong iyon gawa ng kanyang pagsapak sa akin. Wala ring naglakas ng loob na umawat sa kanila, at siguro naawa na si kuya sa kanya ay tinigilan na ang pagsuntok sa kanya. Nang makita niya ako ay nilapitan niya ako at sinama pauwi ng bahay.    . Simula noong ako’y nakapagtapos na ng aking elementarya ay hindi ko na ulit nasubukang maglaro pa ulit ng larong iyon. Dala na rin siguro ng konsentrasyon sa pag-aaral  at dahil na rin sa kadahilanang kami’y hindi na bata upang maglaro pa ulit ng mga larong iyon. Minsan nga, naiinggit ako kapag nakakakita ako ng mga batang naglalaro ng mga laro namin noon.
    Dota, counter strike at xyper mu ay ilan lamang sa mga sikat na computer games ngayon, halos lahat ng mga binata ay iyan na ang laman ng usapan. Wala ng nakakaisip na maglaro ng taguan, patintero at iba pang mga laro natin noon. Ang masama pa ay ang bagong kinahihiligan ngayon ay maraning mga negatibong epekto sa kinabukasan ng mga kabataan ngayon. Marami na ang tumigil sa pag-aaral dahil mas inuuna pa ang mga computer games na iyan kaysa sa mga aralin sa paaralan. Marami na ring mga minor de edad ang natututong magnakaw para lang may maipanglaro, kung tutuusin kasing sama na ng epekto nito ang sugal. Sana’y dumating ang panahon na marami na ang bumabalik sa paglalaro ng mga laro naming noong mga nagdaang panahon. Sana’y hindi lang ito maging larong pambata.

No comments:

Post a Comment