Sunday, October 16, 2011


Ang Paglalaro
Lahat ng bata ay mahilig maglaro, ito ang kanilang paraan upang makahanap ng kasiyahan, dito din sila nakakahanap ng munting paraiso sa ating magulong mundo. Lahat ng tao ay dumaan sa paglalaro noong bata kaya alam natin kung ano ang pakiramdam kapag ikaw ay naglalaro. Masasabi kong hanggang sa lumaki tayo ay hindi pa rin tayo tumitigil sa paglalaro, maaaring medyo childish na tignan kapag ika’y malaki na, pero minsan ito’y hindi naiiwasan talaga, may mga tao kasing likas na sa ugali o karakter nila ang paglalaro.
            Noong ako’y nasa elementarya pa lang mahilig ako maglaro, at ang lagi kong nilalaro ay ang Chinese garter o mas kilala sa tawag na ekis, naglalaro din ako ng Barbie at bahay-bahayan, jolen at iba pa. Ang rason ko lang noon kapag ako’y naglalaro ay pang-aliw lang sa akin, minsan nga naalala ko halos buong araw ako hindi makakain makapaglaro lamang, kaya tuloy lagi akong napapagalitan.  Importante sa akin ang paglalaro dahil dito lang ako laging masaya, kapag naglalaro ka kasi parang walang problema, lahat ng kalaro mo nagtatawanan, habulan dito, habulan doon minsan naisip ko sana paglalaro na lang ang buhay.
            Ngayo’y nasa kolehiyo na ako, oo, naglalaro pa rin ako pero hindi gaanong kasigla tulad nung bata pa ako. Minsan kasi nakakahiya na kasi nga malaki ka na daw, kung noon Barbie at bahay-bahayan ang nilalaro ko ngayon puro mga online games na pero hindi ko ‘to madalas nagagawa dahil busy na lagi sa school.
            Kapag naglalaro ang isang tao ay may mga bagay-bagay din siyang natututunan. Hindi ibig sabihin ng laro ay lagi ng masaya, minsan nakakasakit din ito ng kapwa, halimbawa ay pinagtitripan ang isang tao upang malibang ang kanilang sarili, para sa iba laro lang iyon pero ang totoo ito’y pambubuli. Sa paglalaro madalas natutumba ka pero hindi importante kung paano ka natumba at pinagtawanan ng iba, ang importante ay kung paano ka tatayo at babangaon ulit, ito ang natutunan ko kadalasan sa aking paglalaro, nakatulong din ito sa akin upang tumatag ang aking loob sa mga oras ng problema.

Mga Larong Filipino noon at ngayon


Lahat tayo ay nararanasan  ang pagiging bata, ang  kamusmusan ang nangibabaw. Ang pagiging inosente sa mga seryosong kaganapan sa komunidad. Nililibang ang sarili sa mga larong pambata katulad ng habulan , tagutaguan at marami pang iba. Bilang isang bata noon, natutunan kong laruin ang karaniwang mga laro sa amin, katulad bng “shatong”, “slipper game”, “langit- lupa” at iba pa ngunit ang kinahihiligan ko sa lahat ay ang “iskul bokol”, yung laro na gumagamit ng mga jolens kasi karaniwang sa mga kalaro ko ay ang mga pinsan ko, silang dalawa ay pawang mga lalaki, noong nasa elementary pa lamang kami nahilig ako sa outdoor na mga laro ngunit pagtungtong ko ng ikatlong taon sa elementary ay madalang aalagang akong naglalaro  ng “iskul bukol” at iba pang “outdoor games” dahil ako ay nahihilig sa bagong online game na “Conquer”. Usong-uso sa amin ang Conquer na games, pero nakakaiilang nga ay halos mga lalaki ang naglalaro madalang lang ang mga babae sa paaralan namin na naglalaro ng Conquer pero naglalaro pa rin ako ng langit lupa at Chinese garter pero noon ay mas mataas ang oras na binibigay ko sa paglalaro ng Conquer. Hindi lang sa Conquer, nasundan pa ito ng Flyff, Khan ,Tantra, Eudemons, Counter Strike at ang pinakapa;b;orit o ko sa lahat ay ang Ragnarok RPG. Ayaw ko sa DOTA. Makikita talaga ang kaibahan ng mga kabataan ngayon at noon. Noon kasi puro “outdoor game” lang ang nilalaro ngunit ngayon ay mga virtual games.
            May isang pangyayari ang nakakatwa noon noong bata pa ko, ewan ko lang kung nakakatawa bas a mga mambabasa. May isang araw talaga na puro laro lang ako. Walang pahinga sa paglalaro ng Ragnarok. Buong ara at buong magdama na nasa harapan ng kompyuter naming kahit gutom na ako ,hindi ko pinapansin ang tawag ng aking tiyan. Kinabulkasan ay pumasok ako sa paaralan na parang zombie. Unang taon ko pa sa sekundarya noon at napagalitan ako n gaming guro dahil hindi ako nakagawa ng takdang- aralin.
            Noon kasi ang mga bata ay walang abnormal sa katawan dahilsa paglalaro ng mga outdoor games na para na ring nag ehersisyo. Ngunit ang karaniwang mga kabataan ngayon ay mga obese dahil sa palagi nalng nasa harapan sa  kompyuter at wala nang oras na alagaan ang kanilang mga sarili. Ngunit may mga positibong maidudulot ang paglalaro ng virtual games. Halimbawa nalang sa sa mga amusement center katulad ng Hiros at Funland na may mga stimulator na nagbibigay ng mga impormasyon. ang mga laro noong bata pa ako ay napakapagbibigay aliw sa amin lalung-lalo na noong nasa elementarya pa ako kasama ang mga kaklase ko pero hindi naman makakaila na marami ang mga kabataan ngayon na nahuhumaling sa mga online games, at isa ako sa mga bata na yun.

Mga Larong Pangkabataang Pilipino Noon at Ngayon, Saan Ba Kayo Mas Sumasang-ayon?


Tumbang preso, patintero, tagu-tagoan at luksong tinik. Ito’y iilan lamang sa mga larong nilalaro ng mga kabataang Pilipino. Mga bagay na nakikita sa paligid, kapit-bahay, mga kaibigan at ang iyong sarili lamang ang kailangan maaari ka nang maglaro. Ngunit dahil sa mga umuunlad nating teknolohiya ay unti-unti nang kumakaunti nag mga naglalaro nito. Bakit nga bang kailangan nating mabahala sa unti-unting pagkawala ng mga larong-Pinoy?
Lahat ng mga larong-Pinoy ay nangangailangan ng malakas na pangangatawan, isip, liksi at bilis kaya naman ito’y magandang halimbawa ng ehersisyo hindi lamang sa pisikal nating pangangatawan kun’di sa mental rin nating kalusugan. Ang mga batang nasa panahon ng kalakasan lalo na ang mga batang may edad na apat na taon pataas ay nangangailangan ng napakalaking halaga ng ehersisyo upang mas lumakas ang kanilang mga buto at pangangatawan habang sila’y tumatanda pa. Nakatutulong rin ang paglalaro sa pagpapatibay ng resistensya at pag-iwas sa mga sakit tulad ng hika, ubo, sipon, lagnat, trangkaso at LBM. Siyempre naman ang pinakamahalaga sa lahat ay ang tamang pagkain. Hindi tulad ng ibang mga laro tulad ng golf, badminton, bowling at iba pang sports, ang mga larong-Pinoy ay hindi na kailangang gumastos pa upang ito’y malaro. Halimbawa ay ang patintero kung saan ay kailangan lamang ng mga guhit sa sahig at ang tumbang preso na nangangailangan lamang ng isang lata at tsinelas. Sadyang napakamalikhain talaga ang mga Pilipino kaya naman marapat lang nating ipagmalaki an gating mga larong-Pinoy, ngunit bakit nga ba kumakaunti nalang ang mga naglalaro nito? Kasalanan din ba natin ito?
Sa kabila ng lahat dahil sa gusto nating mga tao na mas mapadali ang ating mga gawain, unti-unti ding umuusbong ang pag-unlad ng teknolohiya. Ito ay kung saan gumagamit tayo ng mga makinang nagsisilbi nating mga alipin. Noon wala pang washing machine, vacuum cleaner, cooking stove at dry cleaner na tumutulong sa paglinis ng ating mga tahanan. Lahat ng mga paglilinis noon ay sarili nating ginagawa tulad ng pagwawalis, pag-iigib ng tubig, paglalaba at pagsisibak ng kahoy upang magamit sa pagluluto. Dahil mas sumisimple na ang mga gawain nating mga tao, ito na rin marahil ang dahilan kung bakit mas tumatamad ang mga tao lalo na ang mga kabataan n gating panahon. Marami na sa mga kabataan ang nalululong sa mga kalayawan at halos hindi na maiwasang pansariling kagustuhan. At dahil napakadali nang tapusin ang mga gawain ay mas tumataas na rin ang mga panahong walang magawa ang mga tao kung wala na talaga ay iiwasan nalang ang pagkabagot sa pamamagitan ng paglalaro. Paglalaro lalung lalo na sa paggamit ng kompyuter, isang makabagong teknolohiya sa panahon ngayon. Ang mga usong laro tulad ng Angry Birds, DotA, Farmville, Cityville at Gamehouse games ang mga iilan sa mga kinawiwilihang laruin ng mga kabataan ngayon. Kailangan mo lang umupo at gamitin ang iyong mga kamay upang makapaglaro nito. Maaari ka ring humanap at magkaroon ng kaibigan sa iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng social sites tulad ng Facebook at Twitter. Sa umuunlad nating pamumuhay at gawain, halos lahat na ng mga ginagawa ng tao ay pinapatakbo na ng kompyuter at halos lahat ng tao ay dumedepende nalang sa paggamit ng kompyuter, ngunit alam naman nating ang lahat ng pag-unlad at pagkasira ay kagagawan naman nating mga tao na lumikha ng mga bagay na ito.
Sabi nga nila, sa lahat ng sarap ay may magbubungang hirap. Bagama’t napakadali lang ang paglalaro gamit ang teknolohiya kaysa sa mga larong kailangang gumamit ng pisikal na lakas lalo na ang larong-Pinoy, alam naman nating mas marami parin ang maidudulot na mabuti kung maglalaro tayo ng mga larong-Pinoy. Una ay sa kalusugan. Kung maglalaro tayo gamit ang kompyuter, hindi lalakas ang ating mga katawan kung hindi ito’y hihina pa dahil sa napakalakas na radiation nating matatanggap. Maaari din itong magdulot ng pagkabulag at hindi maiwasang panginginig ng katawan. Malaki rin ang maitutulong ng mga larong-Pinoy sa paghulma ng sariling personalidad at pakikitungo sa kapwa. Mas bumubuti kasi ang pakikitungo kung personal nating nakakasama ang ating mga kalaro. Ang paglalaro din ang isang paraan upang makahanap ng iba’t ibang kaibigan na tumutulong sa paghulma ng atin mga ugali. Hindi tulad ng paggamit ng social sites, ang personal na pakikipagkaibigan ay mas nakatutulong upang masanay tayong makipagsalamuha sa iba’t ibang uri ng mga tao at upang mas makilala din natin sila. May mga uri din ng teknolohiya na nakatutulong upang palakasin ang katawan ngunit kailangan lang talaga ng sapat na salapi at kung gamot naman ay tamang preskripsyon ang kailangan. Sa kabuuan ay kailangan rin naman talaga natin ang teknolohiya ngayon at ang mga larong-Pinoy noon na tinatangkilik rin naman hanggang ngayon. Hindi din naman natin maiiwasan ang paglaro ng mga makabagong laro ngayon kaya ang pinakamahalaga lamang sa lahat ay ang respeto sa sarili, tamang pagpipigil at matalas na pag-iintindi.

ANG KAIBAHAN NG LARONG BATA SA LARONG PANGMATANDA


Ang paglalaro ay nararanasan at mararanasan ito ng isang tao. Natural lamang sa isang tao ang maglaro. Ito ay hindi lamang isang epektibong paraan para sa isang masayang pampalipas oras  ito rin ay nakakatulong upang maehersisyo hindi rin lamang ang ating katawan kundi pati na rin ang ating isipan. Maraming maibibigay na magandang epekto sa atin ang paglalaro isa na rito ang panlaban sa pagkabagot ngunit ito ay nakakasama rin kapag nasobrahan. Kapag ang isang tao ay naaadik na sa isang laro, mawawalan na siya ng kakayahang mag organisa ng kanyang mga skedyul, mas pipiliin nya pang maglaro kaysa gawin ang dapat niyang gawin. Kahit ano pang gawin niyang pagpipigil na hindi maglalaro maakit at maakit rin siya nito. Dahil ang laro ay sobrang mapang-akit.
Para sa akin higit na mas masaya ang larong pangbata kasi naglalaro lamang ang mga bata para maaliw,naglalaro sila ng walang ibang inaalala. Tago dito,tago doon, akyat dito, akyat doon, takbo dito, takbo doon at kapag nadapa at nasaktan ay iiyak, umiiyak sila ng walang ibang dahilan kundi dahil sa sakit na pagkakadapa. Paminsan-minsan nilalaro na rin ng mga mas nakakatanda ang laro ng mga bata para magfeeling bata.
Masaya rin naman ang laro ng mga teenedyer katulad ng sa mga bata, sa katunayan nga mas adventurous pa ang laro nila, may larong nasusubukan lahat ang kakayahan mo, kaya lang hindi katulad ng mag bata naglalaro sila ng maraming posibilidad na dahilan tulad ng may iniiwasang isipin,may pilit kalimutan na problema kahit saglit lang at higit sa lahat ginagawa nilang pampatay oras ang kanilang paglalaro. May laro rin ang mga kabataan ngayon na sobrang makaka apekto sa kinabukasan. Kapag sila ay nasaktan sa kanilang paglalaro, hindi lamang dahil sa sakit ng epekto kung kaya’t sila ay umiiyak. Dahil alam naman natin na hindi basta umiiyak ang mga hindi bata, maaring may sakit na rin sa puso itong kinikimkim dala ng problema.
Noong ako ay bata pa marami rin akong masasayang alaala sa mga laro na aking naranasan. Ang paglalaro ng “teks” ito yung maliit na kard na mayroong larawan sa unahan, nililipad ito sa ere at pag dumapo na ito sa lupa at nakatihaya yung teks na pag aari ko ako yung panalo, paminsan minsan nanalo ako kaya lang masakit man isipin palagi akong natatalo. Palagi din akong sumasali sa mga tago-taguan paminsan nagiging taya at pag hindi makabawi titigil na sa paglalaro ganyan ako ka fair maglaro. Ang super enjoy talaga na laro ay ang habulan,masaya siya dahil super nakakapagod, pagpapawisan ka talaga ng bongang bonga. May laro pa kami noon na gamit ang Chinese garter,hola hop at jumping rope pero ang tatlong yan ang hindi ko masyadong sinasalihan dahil sa katunayan ay hindi ko talaga carry yung katawan ko.he.he.he.Masaya rin ako pag naglalaro rin ako ng “bato lata” dahil pabilisan at matinding diskarte sa pagkuha ng saktong timing kung dapat mo na bang kunin yung tsinelas mo at tumakbo o hindi pa pwede, dito rin yung mahahasa ang pagiging hunter mu sa pagtama ng sarsa gamit ng tsinelas, at pagkatapos ng laro mangangamoy ka talaga, laking pasalamat ko nalang na pag uuwi na ako ng bahay hindi galit na mukha ni mama ang sumasalubong sa akin kundi yung mga maintindihin niyang ngiti, mapayapa niyang yakap at maalaga niyang mga kamay.Ganito akong bata, babae pero mas gusto ang larong panglalaki, ni minsan hindi ko ginustong maglaro ng manika kahit binibilhan ako ni papa at mama nagiging design nalang iyon ng bahay kasi naman wala talaga akong hilig sa ganyan.
Paglalaro lamang ang inaatupag ko ng bata pa ako kahit nga sa paaralan naglalaro pa rin ako, pero simula ng nag high school ako bigla nalang nagbago ang nilalaro ko at ang rason kung bakit ako naglalaro. Pagkalikot sa cellphones, sa computer at ang pagpicture-picture, ito ay ilan lamang sa aking mga nilalaro ngayon. Naglalaro ako ng ganitong klaseng laro dahil ito yung tipo na hindi mo na kailangang lumabas at magpabandira sa matinding sikat ng araw syempre nagdadalaga na rin kaya medyo inaalagaan ko na rin yung kutis ko.he.he.he.At hindi na rin naayon sa mga dalaga ang magamoy araw dahil lamang sa kakalaro. Naglalaro ako noon para maalliw, ngunit naglalaro ako ngayon para kahit saglit lang makakalimutan ko yung problema ko o di kaya’y nagpapalipas oras lamang, pampa-fresh ng utak kung baga.
Kung iniisip natin na ang mga bata at teenedyer lamang ang may laro,nagkakamali tayo dahil may laro rin ang mga matatanda. Kaya lang ang rason kung bakit sila naglalaro ay upang maibsan ang pagkakabagot nila. Pagmamadyong, pagbrabraha at pagkakasino ang kadalasang laro nila, medyo mas magastos nga lang ang sa kanila, pero may ibang matatanda naman na sa pamamagitan ng pakikinig ng music o kaya sa pakikinig ng drama sa radio nila inuubos ang kanilang oras.
Kapag nakakita tayo ng batang umiiyak sasabihin nating cute pero kapag nakakita tayo ng mas matanda na umiiyak maaring may magsabi na tanga siya o kaya ay mahina siya dahil imbis na kayanin, tumayo at labanan ang sakit, umiiyak lang siya sa tabi at nagpapatalo.
Kahit ano pamang klaseng laro ang nilalaro natin, isa lang ang sigurado ako “pantay pantay lang ang nararandaman at mararamdaman nating kaligayahan kapag tayo ay naglalaro,”at ito yung pinaka importante sa lahat.

Kung Takbo ako noon, Upo naman ngayon


“Hoh!!hapit ko makatsan da!!” Isa lamang yan sa mga naibulalas ko noon tuwing ako’y naglalaro kasama ang aking mga kaibigan.
Aliw na aliw ako sa mga larong nahahamon ang aking talas ng mata at bilis ng takbo. Ilan dito ay ang “Tumba Lata” at “Bahog-bahog” na labis kong kinagigiliwan doon sa liblib na pook ng Lantapan,Bukidnon.
Sa kabuoang laro ng “Tumba Lata”, iisa lamang  ang taya na siyang nagbabantay sa lata, habang tinitira ito ng mga kalaro gamit ang tsinelas. Babantayan nya at huhulihin ang sino mang kukuha ng tinitirang tsinelas upang makatira ulit. Ang tensyon sa larong ito ay sa tuwing tatamaan ang lata, lalo na’t mapadpad sa malayo. Kasi naaagaw ang atensyon ng taya sa pagkuha lata dahil kailangang ibalik muna ng nya ito bago manghuli, kung saan ito kadalasang tympo ng pagtakas ng mga tumira. At kung sino man ang unang mahuli ay siyang papalit na taya.
Katulad ng “Tumba Lata”, paggana ng isip at diskarte ang dapat isaalang-alang sa larong “Bahog-bahog”. Ito ay binubuo ng dalawang kupunan. Bawat kupunan ay may sariling bahay (base). Kailangang may “bahog” o pinasulong na taya ang bawat kupunan bilang hudyat ng pagsisimula ng laro. Maghahabulan ang mga miyembro ng bawat kupunan ng may talas ng mata at stratehiya upang makadakip ng magiging bihag.
 Bukod sa mga larong pakikipagharutan ay nalolong din ako sa mga larong may talon-talonan. Ilan dito ay ang “Chinese Garter”, ang Luksong tinik at ang “Sun, Moon, Earth”.
Naalala ko pa noon, ako ang laging pikon kapag naglalaro kami ng mga kaibigan ko ng “Chinese Gater”. Papano ba naman kasi ang tatangkad nila. Kapag sila na ang taya, alkanse ako lalo na kapag nasa balikat na ang haba ng garter. Hay naku!! Nahihirapan talaga akong abutin yon. Maging sa luksong tinik ay nagkaganoon din minsan ang eksena, ang haba din kasi ng mga dangkal nila. Gayunpaman, nauuwi parin ssa katuwaan ang lahat ng mga angal kong iyon.
Sa kabilang banda, parang nanghahamon ng gulo ang seryosong mukha na maikikintal sa larong “Sun, Moon, Earth” Dahil kailangang maalam na pag-iisip sng sandata dito. Ang lugar na paglalaroan ay kailangang may kahit tatlonh baitang o ang-ang. Dito ipinagpalagay na ang pinakamataas na baitang ay ang “sun”, ang panggitna ay “moon” at ang pinamababa ay ang “earth”. Iisa lang ang taya na siyang nag dedekta kung anong baitang bababa o aakyat ang mga kalaro. Diskarte na niya ang bilisan ang pagdedekta upang litohin ang mga kalaro upang magkamali. Kung sino o kung sino-sino man ang magkamali ay siyang paplit na taya.
Hahay!! Talagang walang sawa akong naglalaro noon kahit sinunog na ni ‘araw’ ang aking balat at kinakantahan na matulis na tinig ni nanay. Basta’t makapaglaro lang ay ayos na.
Di naglaon, ang atensyon sa nakahiligang aliwan ay nauwi sa mas makabulohang libangan. Ang larong tulad ng “Truth or Dare”, “Concentration”, “Puzzles” at “Q and A”(question and answer) ay ilan lang sa mga panibagong laro ngayong ako’y teenager  na.
Sa ‘truth or dare’ ay kadalasang naihahayag ang mga sekreto naming magkakibigan lalo na’t ‘truth’ ang piniling parusa. Samantalang ssa ‘concentration’ ay pukos at talas ng pandindinig ang naipapamalas.
Ngunit mas naaliw ako sa pagguhit at pagsulat ng mga sariling komposisyon na aking libangan at nauuwi sa laro kadalasan.  Ito ay dahil hindi lamang takot na sa sikat ng araw at pagod makipagharutan, higit pa roon ay nais kong maensayo ang aking kaalaman at natutunan.
 Sadya ngang walang permanente sa mundo mat hindi lahat ay magkapareho. Ang laro ng isang siyam na taong gulang na bata ay sadya ngang nag-iiba kapag lumlaki na. Maging ang kinakasama sa paglalaro ay napaplitan din. Talagang sa bawat yugto ng buhay ng tao, hindi maiiwasan ang mga pagbabago. Ito ay maaring dulot rin ng pagbabago sa sitwasyong kinasasangkutan. Maaring impluwensya rin kapaligiran, kagustohan, mga desisyong pinagpipiliian at paggamit ng mga natutunan.
 Sa kabilang banda, ang paglalaro ay bahagi na ng ating kultura. Ito ay nagsisilbing ‘break’ sa mga puyat sa kanya-kanyang trabaho at maging sa kung sino man nais maaliw, mag ehersisyo,magpalipas ng araw at magkaroon ng ‘bonding o jamming’ sa mga mahahalagang tao sa bawat isa.
Ngunit kung may maganda itong maiidulot sa ating buhay, ay mayroon din itong hindi kanais-nais na epekto depende kung paano ito gigamit. Ika nga nila “lahat ng sobra ay masama”. Hinay-hinay lang, ika nga sa patalastas ng mga inuming alkohol “DRINK MODERATELY”, bago ka malulung at maging “HABANG TUMATAGAL LALONG SUMASARAP”  ang pananaw sa buhay. Tandaan nasa huli ang pagsisisi. 

LARO NOON GAMIT ANG KOMPYUTER?


Nitong mga nakaraang araw, hindi ko manlang napansin, ubos na pala ang perang pang-allowance ko? Saka naisip ko, halos isang lingo rin pala ako sa kompyuteran. Kunwari may ginagawang project hayun, nagdodota pala, opz! Huwag mo ankong ibuking kay lola hapf?, sige kah gusto mo pagalitan ako?
Taggdadalawang oras ako kung magbuhos ng oras sa kompyuteran , 15 pesos ang oras at 20 pesos naman ang pustahan namin kada game. Minsan panalo pero kadalasay talo ako, mas magaling kasi sila keysa sa akin. Naalala ko tuloy noong nasa high skol pa ako. Alam mo ba kung saan ang standby area ko tuwing lunch break?..sa kopyuter laboratoryo n gaming skol. Hindi naman ako opisyal doon, ito kasing guro naming eh!, lagi kaming pinapatawag ng kaklase kong babae din, scheduled na kasi kaming maglaro ng dota, syempre hindi kami nagpupustahan, nasa skol kasi eh!.. wala rin naman kaming bayad maglaro doon ng dota kasi yung kalaban ko sa dota ay ang guro naming sa pisika, wala ring trouble kasi siya rin iyong incharge sa kompyuter laboratoryo, so ok kami!..ay! hindi pala araw-araw, mga tatlong beses lang sa isang linggong pasok, kasi pag martes ay doon sa kompyuter laboratoryo nagmemeting ang mga guro at kapag huwebes naman ay ginagamit ng mga skol journalist yung komlab. Minsan naman tinatamad akong makipaglaro ng dota, kasi nga lagi akong talo, nakakainis!.ginagawa ko nalang libangan ang magsurf sa internet, nag yayahoo, at nagfafacebok ako. Ay naku kung alam mo lang, 351 na ang level ko sa paglalaro ng farmtowm sa facebok. Naisip ko nga minsan eh, sana totoo nalang ang pera, bahay, lupa at mga ari-arian sa farmtown sa facebok, hindi n asana ako nag-aaral ngayon,,eh ganun talaga eh, hanggang sa panaginip nalang yun, ay!, hindi pala, hanggang sa pag fafarmtown lang pala.hahah
Hay naku!,, puro pagkokompyuter na talaga ang laman nitong utak ko. Alam mo kagabi na nanaginip ako?,, medyo weird nga lang pero makabuluhan din kung iisipin.
“pumunta raw ako sa isang pamilyar na lugar, hindi ko lang matandaan. Doon ay may isang konkreto, maliit na bahay at ang gandang tingnan dahil kulay bughaw ang pintura nito sa labas. Pumasok ako sa bahay na iyon , iwan ko kung maniniwala kayo. Higit bente ang mga taong….este mga batang naglalaro ng kompyuter doon. Na excite tuloy ako, parang nakakainganyung maglaro rin, at hayun may nakita ako, isang bakanteng kompyuter doon sa sulok. Dali-dali ay lumapit ako doon upang gumamit at minamalas nga naman, naunahan pa ako. Kaya wala akong magawa pinanood ko nalang sila, nakakatuwa. Nakalimutan ko tuloy mga bata pala itong mga nadito. Nagtanong ako sa isa sa mga bata “ bata, ilang taon kana? Bakit kopyuter ang laro mo?” “ anim na taon na ako, ditto ako naglalaro kasi andito ang mga laro na babagay sa batang tulad ko”sagot ng bata. Batang tulad ko?napaisip ako, ang weird naman, eh bakit ditto sa kompyuteran? At saka ko lang napansin, may naglalaro ng slipper game, in-in, Chinese garter, bater-lata, balay- balay, dampa, golen-golen, aper og sticker, maring-maring at saka paun-paon. Nalito tuloy ako, bakit ganito? Mga laro ko noon yan ah!,,pero bakit? Sa kompyuteran na rin ba uso laruin ang mga iyon? Hay naku, naisip ko tuloy “ siguro, sa susunod pang mga henerasyon, ang mga larong iyon na kung tawagin ay mga pisikal na laro ay sa kompyuter na talaga lalaru-in. bakit nga ba hindi? Eh nandito na nga eh!,, nakikita mo naman diba? Kung saan kamy, mata at utak nalang ang gumagalaw para ma-enjoy mong laru-in ang mga laro noon. Hindi ako makagalaw sa kinanatayuan ko, manghang-mangha talaga ako. Grabe ang teknolohiya ngayo, napaka high-tech na, at sigurado akong Pilipino ang nag-imbento ng mga kompyuter na iyan. Eh kasi sa pilipinas lang usong laru-in ang mga iyo, kumbaga larong pinoy iyon. Akalain mo nga naman, nag level-up na ang pinoy. Exaggerated mang isipin pero ok na rin.hanngang sa akoy magising at napag alaman na panaginip lang pala ang lahat ng iyon.
Iba na talaga noon at ngayon. Kung ikukumpara malayo na rin talaga ang kabataan noon at ngayon. Ang mga laro kasi noon ay mga larong pang pisikal. Takbo ditto, takbo doon. Kagaya ng larong patintiro,in-in kung tawagin sa aming probinsya, kung saan grupo-grupo ang paglalaro nito at papasok ka sa rektanggulo at kapag nahuli ang isa ay ang kalaban na naman ang maglalaro. Ang slipper game, kung saan tinatapon patalikod na taya ang tsinelas at kung masalo ng mga nsa likod ay talo ang taya at kung hindi naman ay magiging mistulang manikin na hindi kikilos ang mga tao sa likuran hanngang sa pulutin ng taya ang tsinelas. Ang balay-balay, kung saan ay may kunwa-kunwaring ina, ama at anakpara mabuo ang isang masayang pamilya. Ang bater-lata, kung saan may lata at tinitira ito ng tsinelas at kung matumba ang lata ay kukunin ng mga manlalaro ang kanilang tsinelas ngunit siguraduhing hindi ka mahuhuli ng taga bantay ng lata at kung ikaw ay mahuli ay ikaw na naman ang magbabantay ng lata. Ang Chinese garter, kung saan may garter at tatalunin mo hanggang pataas ng pataas ito. Ang paun-paun, kung saan may dalawang grupo at may tinatawag na bahay na pinoprotektahan ng bawat grupo upang hindi ito maagaw ng kalaban. Ang maring-maring, kung saan sa larong ito ay pwede ang dalawang pares lang, ginagamitan ng pares ng tsenilas. Ang dampa, kung saan lastiko ang ginagamit at dinadampa ng kamay upang manalo. At ang paborito  kung laro na onggoy-onggoy , kung saan gumagamit ng baraha at kailangan lahat  ay may pares upang manalo.
Ang mga nilalaro ko dati ay ibang-iba sa mga nilalaro ko ngayon. Ngayon kasi, lagi nalang akon sa kompyuteran, hindi pa ako pinapawisan dahil air conditioned at magastos pa sa pera. Uso na talaga kasi laru-in ang farmtown sa facebok ngayon, yung magkakaroon ka ng sarili mong farm at magtatanim, mag-aani at pwede ka pang magbenta ng iyong ani at ari-arian. Yun nga lang sa facebok lang at hindi sa totoong buhay. At ang larong tumblebugs, isa sa mga nakahiligan kung laru-in sa kompyuter, kung saan may ibat-ibang kulay ito at ipinagtatlong pares mo ito ng kulay hanggang sa maubos ang lahat ng mga bola at panalo kana. Marami pa ang mga laro na kinamamahalingan ng mga kabataan ngayon, kagaya nalang ng dota, na tulad koy adik rin sa larong ito, elements qou, chuzzle at marami pang iba.
May ibat-ibang uri man tayo ng mga laro, ibat-ibang paraan man ang gamitin natin sa paglalaro ng mga ito, mahirapan ka man sa paglalaro, ang importante ay nag-eenjoy ka sa ginagawa mo. Ang nilalaro ko noon at ngayon, alinman sa mga larong iyonay nakapagbigay sa akin ng aral at saya. Hindi na importante kung anu ang nilalaro mo upang aliwin ang sarili, para akin noon man o ngayon, ibat-iba man ang paglalaro ay pareho paring nagdadala ng saya sa ating mga munting puso.

Laro ko……


“ Hala! Na tae ka…. “, “ Huli ka…..! “, “Nakita rin kita”, “ Takbo…! “, hahaha… iyon lang naman ang ilan sa pinaka-sikat na mga diyalogo na sikat na sikat sa amin kung kami ay naglalaro. Ewan ko nalang sa iba pang sulok ng Mindanao o maging sa buong Pilipinas. Pero sa pagkakaalam ko, ang mga sikat na mga diyalogo nila kung sila ay naglalaro ay dumedepende kung anong laro at kung ano ang kultura nila. Tingnan nalang natin kung ano-ano ang mga laro ko at mga laro nila.
“ Huli ka…! “, iyan lang naman ang popular na linya ang madalas naririnig kung ito ay nilalaro. Boung Pilipinas mismo ay alam kung anong laro ito, sapagkat ito ay minsan nang binansagang isa sa mga laro ng lahing Pilipino. Ang larong ito ay nilalaro kung saan isa sa mga manlalaro ay ang humahabol, mas kilala bilang “ taya “, at ang iba naman ay ang mga hinahabol, kailangan mahawakan ng humahabol ang kamay, katawan, paa, likod o ulo ng kanyang hinahabol para siya ay hindi na ang taya, sapagkat pinapalitan siya ng taong nahabol niya at na kapkapan sa alin mang bahagi ng kanyang katawan. Alam niyo ba kung anong laro ito? Haha…. alam kong alam niyo kung ano ang larong ito. Kung sa amin ito ay sikat sa tawag na “ dakpanay “, nakakatawa lang isipin, pero alam niyo ba na sa ibang lugar ng Pilipinas partikular na sa Sultan Kudarat ang larong ito ay sikat sa tawag na “ lagsanay “. Pareho lang ang mekniks ng larong lagsanay sa mekaniks ng dakpanay. Habol dito, habol doon, yun lang naman ang dapat gawin.
 Sa isla nga ng Cebu, iba rin ang tawg nila sa laron ito sikat ito sa taawg na “ iro iro “ ang cute diba. Hehehe, nakakatuwa talaga, biruin mo klase-klase pala ang mga pangalan ng larong ito. Pero hindi bale meron pa namang ibang laro na sikat rin.
“ Nahanap rin kita..! “, “ Save.. “, “ Nakauna ko nimo..! “, hahaha…. Alam nyo siguro kung ano ang tawag sa larong ito, kung saan ang taya ay nakasandal sa isang haligi o pader at nakapikit, habang ang ang iba naman ay tumatakbo papalayo sa taya at nagtatago kung saan-saan sa bahay, sa hardin, sa bakuran at maging sa c.r. “ hide and seek “ sa Ingles kung ito ay tawagin. Naku napaka-obyus naman kung anong larong ito. Sa mga Tagalog naman ay mas kilala ito sa pangalang “ taguan “. Oo, talagang obyus na talaga kung anong laro ito talaga. At
iyon na talaga, ito ay mas kilala sa amin sa tawag na “ taguanay “, halos magkapareha lang naman ang tunog ng pangalan nito kung sa mga Tagalog mo ito ikukumpara at talagang magkapareho sila ng mekaniks sa paglalaro nito. Kung saan dapat at hindi dapat na gawin ay pareho rin sapagkat meron itong mga alituntunin na dapat isaalang-alang o dapat sundin. Pero akalain mo hindi lang pala mga viruses ang marunong mag mutate pati mga laro rin pala, sapagkat ang larong ito ay nilalaro na sa ibang paraan ang pinakaangkop na halimbawa nito ay ang larong “ pulis-dunggab “. Oo nga talaga…
Ok, sa ibang banda naman, hindi talaga malilimutan ang mga linyang “ na tae ka..!, “ sayop imong pamato.. “ at “ salamat naa nakoy balay.. “, sapagkat ang larong ito ay isa sa mga sikat na laro ko noon, ewan ko nalang kung ano ang tawag ng larong ito sa mga Ilonggo, Tagalog, at iba pa. Pero alam niyo, ito ay  tinatawag na “ tin tin bata “ at “ tin tin cross “ sa mga Hiligaynon. Ang paraan sa paglaro nito ay napakadali lang, kailangan mo lang tumalon gamit ang isang paa lang, dapat malagay mo ang pamato mo sa dapat nitong landingan at higit sa lahat hindi mo dapat  apakan ang mga linyang nakaguhit sa sahig, dapat talaga. Kung maapakan mo ang isa sa mga linya ay tiyak papalitan ka ng ibang kalaro mo.
Ang larong ito ay mas kilala bilang “ saya saya “ at “ tingking cross “, ang mas nakatatawa pa nito ay may lumitaw na bagong laro na nang lumaon ay naging tanyag na sa tawag na “ vecks-vecks “. Sure talaga, ito ay nilalaro na hindi ka dapat tumitingan sa baba, kailangan mong tumalon at nang tumalon na hanggang mapasa mo ang pagsubok at meron talagang papalit sayo kung nagkamali ka ng apak.
Sino kaya dito sa atin ang hindi nakakakilala ng larong “ Chinese garter “, oo, tama ang narinig mo. Baka akalain mo mga babae lang ang marunong maglaro nito. Kung iyong mararapatin  ikaw ay nagkakamali. Sapagkat hindi lamang mga babae sa amin ang naglalaro nito sa amin, para ngang mas magaling pa ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Sa hindi lang sa pagmamayabang isa ako sa mga “ varsity “ sa ganitong laro , kung cartwheel ay napakamadali lang kung pagtalon ng hanggang ulo? Ay napakasisiw lang baka hindi mo alam hindi lang basta ulo ang kaya kung abotin. Sa mga hindi pa alam kung ano ang paraan ng paglaro nito, ang dapat mo lang gawin ay ipahawak mo lang ang magkabilang dulo ng garter sa iyong mga kalaro, magsisimula ang  ang laro sa pinaka mababang lebel sa paa, patungong tuhod, tapos sa bewang, sa kilikili, sa leeg, sa ulo at sa 1 hanggang 3 inch daw. At iyon, ang dali dali lang.
Sa “ jackstone “ kaya, alam mo? Hahaha…. Kung hindi mo naitatanong, ako lang naman ang undefeated sa amin sa 4rth year hayskul kung jackstone ang pag uusapan, kasi nga napakadali lang ng paglaro nito. Gusto mo bigyan kita ng mga tips para mgiging magaling ka katulad ko? Dapat una meron ka munang pera pangbili ng jackstone yaong bola at mga stone, pagkatapos magpraktis ka lang ng magpraktis sa bahay mo hanggang maging kasinghusay mo ako. Yun, meron bang mga tanong? Wala, ah sige nakuha mo na rin ang mga magic tips ko.
At sige, papunta na tayo sa isa pang laro na gustong-gusto ko. Tinatawag itong       “ patintero”, alam mo na man siguro kung ano ito lalaruin kaya hindi ko na tatalakayin pa ng husto kung ano ito talaga.
Ganito talaga ang laro ko noong bata pa ako, masaya ako sapagkat isa ito sa mga  naghubog sa akin ngayon at kung bakit ako naging ganito ngayon. Kung titingnan natin meron talagang pagkakaiba sa mga laro ko at sa ibang laro pero parang sa pangalan lang siguro nagkakaiba. Pero higit sa lahat ang pinaka-importante ay nalaman ninyo ang mga laro ko noon.

AngLarong Pilipino: Noon at Ngayon


Ang mga larong Pilipino ay sadyang napakasayang panlibangan,, lalong-lalo na noong kapanahunan ko.Tandang-tanda kopa ang larong “bungkola” gamit ang mga marbles, ito ay nilalaro sa pamamagitan nang double o maski ilang tao ay pwedeng makapaglaro nito.Unahan ang lahat sa pag “shomoy” sa ginawang parang maliit na “crater,” at kapag naka tama ng isang kalaro saka kalang makakatapos.
Sa larong ito ay kapag ikaw  ‘yong pinakahuling hindi makatapos ay ikaw ang “bungkol”,dito ay inilalagay mo ang iyong kamay sa maliit na” crater”  na ginawa at doon ay isa-isang titira sa kamay mo ang mga kalaro mo.
Kapag natamaan ang kamay mo ay tiyak na napakasakit,nito ngunit depende na rin sa laks ng pagkakabato ng kalaro mo.
Minsan rin naman ay ang larong ito ay may tinatawag na “1,2,3 bungkol,” ito ay higit na napakasakit dahil ang kalaro mo na babato sa kamay mo kapag ikaw  na ang “bungkolan” ay lalapit sa bilangng hakbang “ 1, 2, 3” at saka babatuhin ang iyong kamay ng malapitan, ito ay tiyak na mas masakit at siguradong mabubukol ang kamay mo nito.                Ang mga sakit na mararamdaman gaya nang mga sinabiko ay naranasan ko na lahat, grabe talaga ang sakit! Namamaga talaga ang kamayko noon sa kakasakit.
Iba rin ang kasiyahang dala ng mga paglalaro sa kalsada o mga bakuran. Mas madalas ang mga larong aral-aralan na si Ate Osette ang teacher at kaklase ko sina Wena (mas kilalang Inday) at Charie. Alam nyo bang napag-tripan din naming magpipinsan ang That’s Entertainment? Kumpleto ang cast. Si Ate Osette si Cristina Paner na feel kapartner si Cris Villanueva. Si Wena si Manilyn Reynes katambal si Aljon Jimenez. Si Chary bilang si Sheryl Cruz na palipat-lipat ng ka-love team at sa sobrang dami ay hindi ko na natandaan kung sino ang nakatambal nito basta alam ko naging kapareha niya si Romnick Sarmenta. O sige sa kanya na si Romnick kahit sa bandang huli naman ay si Harlene Bautista ang napangasawa. Kasi noong kapanahunan ko, ako si Harlene at si Michael Locsin ang kapartner ko. Kabog! Hahaha!
Paborito rin ang walang kamatayang taguan, ang langit-lupa-impiyerno na hirap na hirap akong mag-aakyat sa mga may kataasang lugar na madalas na nilalaro namin sa terrace nila Inang. Nalaro ko rin ang tinikling sa goma, ang Chinese garter na ang kaya ko lang talunin ay hanggang bewang. Hindi ako sanay mag-bending ever at mababalian ako ng buto. Lahat ng may kinalaman sa paggalaw ng katawan ay hirap talaga akong manalo o umabot man lang sa pinakamataas na level. May diperensya kasi ang paa ko. Pero ang version namin ng football gamit ang plastic na bola at magkaharap na homebase ay nalalaro ko naman ng maayos at hindi ako natataya. Mahusay din ako sa piko. Naalala ko na mahilig akong gumawa ng sarili kong hugis na lulundagin not the usual hugis babaeng may palda. Masaya din ang tumbang preso gamit ang lata ng Alaska condensed milk at mga tsinelas na upod na. Takot akong mag moro-moro, baka masugatan ako at hirap akong magtatakbo at magpalagit. Madalas akong matalo sa harangang-taga.
Kung hahamunin ninyo ako sa jackstone, okay fine. May mga inimbento rin akong sariling mga exhibition. May tinatawag pa nga tayong kuweba, pasok sa banga, ferris wheel, running man, gagamba, basket, at kung anu-ano pang halos magkakamukha naman. Chopstick o pick-up stick? Domino, lucky nine, unggoy-ungguyan, pekwa, pitik- bulag, scrabble, snakes and ladder, monopoly, sungka, bingo!
Ngunit ngayon ay bihira ko nang makikita ang mga kabataan na nilalaro ang mga laro noon dahil narin sanapakabilisnapagusbongnangagham at teknolohiya. Angkaraniwangnakikitakongnilalaronanangmgabatasakompyuter ayangmga “online games” gayanang : war craft; DotA; facebook at marami pang iba.
I-ilanlamangangmgayansamgapumalitnangmgalaro noon, minsan pa nga ay kahitnanapakabata pa ay gumagamitnanang “cell phone”. Napaka rami narinnangmga features angmga cell phones.Iba’t-ibalangangmgakayanggawinnangmga cell phone, gayanangpwedekanang making nang radio gamitlamangang cell phone, mag upload at mag download nangmgadokumento, larawan, kanta at iba pa gamitlamangang cell phone.
Grabenatalagaangbinagonangpanahonngayongayonnarinangmgaugali at kasanayannangmgabata ay ibang-ibanasamgakaugaliannangmgakabataan noon. Sapagkatniminsankanangmakakakitanangbatanggumagalangsanakakatanda.
Isa narinsamgaimbentonangagham at teknolohiya ay angpagkakaroonnatinnang “internet access” kung saan ay pwedenatayongmakapag research nangmgahinahanapmongmgainformations, at gayonnarin ay sapamamagitannito ay makakapag “facebook” ka. Sapamamagitannangfacebook ay makakakonekkasamgaiba’t-ibangtaosabuongMundo. Isa lamangangfacebookanglumalaganapsalarangannangtawagnating “social networking”.
Sa natatandaanko pa noon  ay angkaraniwankongnilalarorin ay ang “dampa,” itonglaronaito ay nilalarogamitangmga “lastiko”gayonnarinangmgakamay  kung saan ay palakasan  at patalinohansapagtiraangkaraniwangsekretoupangmakalikomnangnapakaraming “lastiko”.
Kung may “paon-paon” akongnaranasanglarosaakingkapanahonan ay mayroon ding “tumbanglata” naisarinsamganilalaroko noon. Anglarongito ay binubuonangkahitilangmanlalaro.
Simple lamangitonglaruin, angkakailanganinlamangsalarongito ay “lata”, mgamaglalaro at tsinelasna kung saanginagamitsapagtirasalata. Kailanganmolamangmatamaananglata at kapagkatamaanmoito ay aayusinnangnagbabantaysalata at ang mag hindinakatamasalata at nakatirana ay tatakbosa kung saansilamulingtitirasalata.
Isa rinsaakingnaranasanglaro noon ay ang “halap-halap”. Taakpannangpanyoangmgalmatana kung sinoangtayasalaro ay kina kailanganniyangmakadakipnangisasamgahinditayasalaro at kaoagnakahawak o kahitnahawakanlamangitonangkaunti ay huhulaanniya at kapagito ay kanyangnahulaan ay angnahulinaangsusunodnatayasalaro.
Ano pa ang hihilingin ko kung sagana naman ako sa mga kalaro? Hindi ko kailangan ng mamahaling robot na ipagdadamot ko lang o game and watch (hindi ako nagkaroon) na ako lang naman ang makakagamit. Nakakalaro ako ng atari yung may joy stick kapag nakapagbakasyon ako sa Olongapo. Bongga ang koleksiyon ni Ate Leng ng Barbie at nilalalaro namin na parang mga Ms. Universe. Isa lang ang Ken niya kaya kawawa yung ibang gerlalu, walang ka-partner!
Bata pa lang kami ay naglalaro na kami nila Nanay ng scrabble na pagka minsa’y kasama si Ate Judith. O di ba pampahasa ng English vocabulary at talaga namang si Nanay ay hindi paawat. Palaging panalo. Kapag baraha naman ang pinag-usapan hindi patatalo ang Tatay kong nagsusugal. Inuumaga pa nga. Kaloka. Pero siya ang nagturo ng 41 at ng lumaon ay sanay na akong mag-tong hits na si Mommy naman ay talagang ginagabi pa sa kapit-bahayan.
 
Kung may naranasanakongganoongmgalaro ay hindikorinmalilimutananglarong “taguan”. Walangkriteryasalarongito mag titipon-tiponlamangangmgagustongsumalisalaro at mag papasyasila kung sinoangmagigingpinakaunangtayasalarosapamamagitannangmagbibilangsilasa kung anongnumero at kung ikawangmatamaansanumeronginyongnapagpasyahan ay ikawangmagigingpinakaunangtayasalaro.
Ipipikitmolamangangiyongmgamata at samgahinditaya ay mag hahanapsilananglugarnamatataguanna limit nangpinagugnayanghangganannanglugarnapagtataguan at hahanapinnangnakatayaangmgahinditayasalaro.
Dahil sa laro, ang dami kong naikuwento. Halos ang buhay pala natin ay naglalaro lang sa paglalaro. Puro laro, libangan at talaga namang nakakapagpasaya ng bonggang bongga. Walang ibang klaseng karanasang hindi ko alam kung mararanasan pa ng ilang kabataang natutok na sa mundo ng Cyber Technology.
 
 
Maraminasamgabatangayonaynaglalaro pa rinnangmganilalaroko noon. Pero basis a akingnakikita ay angmganilalaronangmgakabataanngayon ay ibana-ibanasamgakabataangnilalaronilangayonsamganilalaronangmgakabataannoonayhindimasyadongmahirapgawin at walasilangpakialamsa kung anoangmgamasasabinangibasakanilanglarodahilwalaitongmasyadongkritaryasapaglalaro at hindinamanitomahiraplaruin.
Samantalangangmgalarongnilalaronangmgakabataanngayon ay karamihan ditto ay may mgakriteryanadapattalagangsundin at gayunnarinmga arte at  maramingmgabawalkapagikaw ay naglalaro.
Hindi katulad  noonnahindimasyadongpinagpapasyahanangmgadapatgawin. Malakinatalagangkaibahansamgalaro noon at samgalarongayon. Isa narinditoayangmgalaro noon ay walangmasyadongkagamitangginagamitsapaglalarohabangangmgalaro ay maramina at isanarinsiguronitongdahilan ay habangtumatagal ay patuloy pa rin naumuunlad ang agham at teknolohiya lalong – lalo na sa henerasyon naming ngayon.
Hindi na rin mapagkakaila ang mga naging malaking pagbabagong naidulot nito sa mga kabataan ngayon, sapagkat makikita at ma oobserbahan naman sa mga Gawain at kaugalian nang mga kabataan ngayon
At marami pang larong Pilipino ang aking minsan na ay nalaro noong kapanahonan ko nang kabataan, ang lahat nang iyon ay sadyang na makasisiya at nakalilibangat daan na rin upang pang ehersisyo sa katawan.
Masasabi na mas at maganda ang mga larong Pilipino noon kaysa mga larong aking nalalaman ngayon.

Thursday, October 13, 2011

Mga Laro: Noon at Ngayon



Noon. Tandang tanda ko pa noon. Tuwing makakatanggap ako ng laruan, tuwang tuwa ako. Kahit gano man ka simple. Walang ngang ka high-tech-high-tech yung mga laruan. Simpleng mga trumpo, paulit ulit lang na pinaiikot. May pa tricks tricks pa sa kamay. Nakakamiss nga eh. Ngayon, wala ka nang makitang naglalaro ng trumpo. Ni hindi nga nila alam kung ano ang trumpo eh. Nakakalungkot na nakakalimutan na ang mga laruang old times. Meron ding yoyo. Na sa ngayon puro plastic na. may mga bago pang features. Dati rati, patintero, sipa, tagu-taguan, habulan at “sikyo” base lang ang mga laro naming magpipinsan at magkakaibigan. Napaka libre, di mo kailangan ng kung anu-anong gadget, atbp. Purong saya. Puro pawis rin. Nakakatawa ngat sa tingin ko mas konti pa matataba noon.

           Sa tingin ko, nung mga bata kasi tayo, ganoon talaga ang tipo ng mga laro. di naman natin mapipigilan ang pag develop ng mga laruan. natural kasi na mahilig tayo sa mga pang entertain sa atin. noon, maaliw na tayo sa mga laro na simple lang. kahit naman siguro na tumanda tayo ay mahihilig parin tayo sa mga laro pero ibang klaseng laro na siguro yon. yung di na mage-gets ng mga bata. yung mga ngiti na nakukuha sa mga laro noon ay masasabi kong "priceless". natatandaan ko pa nga na pati mama at papa ko kalaro ko eh.

Ngayon. PSP dito, Nintendo Ds doon. Laptop ditto, iPhone doon. Technology naks! Di mo mabilang ang mga nagsilabasang mga gadgets. Punong puno nga radiation. Medical science naks! Kaya siguro napakaraming obese ngayon. Fitness and health naks! Di ko maitatangging ako rin ay isa sa mga gumagamit ng ganito ngayon. Ngunit hindi ako isa sa mga nababansagan na “techy”. Sa totoo lang, mas interestado ako sa mga instrumento ng musika. Musical genius naks! Haha. Ngunit kaming magpipinsan at magkakaibigan, di talaga mawawala ang mga larong lahi sa amin. Enjoy na enjoy naming. Parang kahapon lang mga bulilit lang kami, ngayon ang lalaki na pero looks bata pa. Anti-aging naks!

             ayos eh no. sa napakaliit na bagay eh pagkadami-daming laro ang mailalaro mo. nasa computer age na nga talaga tayo. nakakatuwa nga eh at nasusubukan ko pa ang ganitong bagay. kahit wala talaga akong hilig sa ganoon. di ko rin naman masasabing masyado akong matanda para sa ganoon. ngayon ay bukod sa mga gadgets ay halos puro sports nga ang laro. swimming, frisbee, marathons, etc na ang sinasalihan.


                Sa lahat ng naobserbahan ko, masasabi ko na ang sistema ng paglalaro ay patuloy na magbabago kasabay ng panahon. di ko naman sinasabi na masama ang makabagong mga laro ngayon, ganoon lang talaga ang daloy at sistema nito kumpara sa dati. ang laro ay laro parin, bago man o luma, ito ay magmamarka parin sa ating mga puso at isipang Pinoy.

Monday, October 10, 2011

Mga Laro Noong Bata Ako


Mga Laro Noong Bata Ako



Noong unang panahon ay hindi pa masyadong sikat ang mga teknolohiyang nagagamit natin ngayon. Kung ano ang nakikita, yun lang ang ginagamit at nakukuntento na. Natural kasi sa mga bata ang hilig nila sa laro. Ewan ko ba’t sa tingin ko ay hindi nakukumpleto ang araw nila kapag hindi nakakapaglaro. Ang paglalaro ay isa sa mga paraan upang mapasaya ang mga bata. Tuwing nakaka-kita ako ng ilang batang naglalaro ay naaaliw ako at nakakaramdam ako ng tuwa, kusa na ring bumabalik ang aking nakaraan. Naaalala ko pa na parang kahapon lang ang madalas kong paglalaro sa dating eskwelahang pinapasukan ko, tumbang preso ang palagi naming nilalaro ng mga dati kong kaklase  kapag oras ng resses. Madalas pa nga kaming pagalitan ng guro dahil basang-basa na ng pawis ang mga likod namin at wala pa kaming dalang ekstrang damit. Hindi lang sa paaralan natatapos ang aking paglalaro, pagdating sa bahay ay ang mga kapatid at pinsan ko ang kasama ko sa paglalaro. Habulan ang una naming nilalaro, malawak kasi ang bakuran ng lola namin kaya’t nakakapaglaro kami ng maayos doon nang walang nasisirang kahit anong bagay. Minsan naman ay agawan-base, masaya kasi itong laruin lalo na’t hindi nawawala ang tawanan. Bukod sa naaaliw tayo sa paglalaro ay ang tuwang nadarama at tawanang nagaganap ay ang pinakamasarap na parte ng paglalaro. Paborito ko yung patintero kasi palaging may nag-aaway sa larong yun, ayaw kong isipin mo na sadista ako ngunit naaaliw kasi ako sa pagiging referee ng mga nag-aaway, ako ang palaging pumapagitan upang hindi matuloy ang namumuong bangayan ng magkabilang kampo. Ang mga laro noon ay ang isa sa pangunahing dahilan kung bakit nakakakilala tayo ng ibang tao at nakakabuo ng pagkakaibigan. Napapatibay din nito ang relasyon ng kahit sino. Kapag walang kuryente, sa halip mainis ay sumasaya pa kami ng mga kapatid ko kasi nalalaro namin ng mabuti ang taguan, mas matagal kasi makita ng taya ang mga nagtatago kapag wala talagang ilaw. Nagiging mas malaking hamon sa taya ang paghahanap sa ibang manlalaro. Lilituhin naman ng mga manlalaro ang taya upang mahirapan ito sa paghahanap. Hindi parin nawawala ang tawanan sa kahit anong laro. Kapag walang pasok, pagkatapos gawin ang mga asignatura ay pinapayagan na kaming maglaro, tumbang preso ang nilalaro namin. Sa tingin ko ay nakaugalian na talaga ng mga Pilipino ang larong-kalye. Ang mga bata noon magpa-hanggang ngayon ay nilalaro pa rin ito. Nakakaugalian na itong laruin mga bata kapag walang ginagawa. Napapaisip tuloy ako, dahil sa modernisasyong tinatamasa ng ating mundo ngayon nagiging mas moderno na rin ang nilalaro ng mga bata. Sa halip na naghahabulan at nagtatawanan sa bakuran ang mga bata ay naroon na sila sa loob ng kwarto at naglalaro ng kompyuter nanghihinayang tuloy ako’t hindi nila mararamdaman ang sayang hatid ng paglalaro sa labas. Ang kapatid ko nga na dati rati’y tinuturuan ko ng larong chinese-garter ay hindi mo na mapipilit na lumabas upang sumali sa mga larong pambata. Nakaharap na lamang siya sa kompyuter at doon naglalaro. Umiiba na kasi ang mga ugali ng tao,nangangamba tuloy ako na baka mababago na nito ng  tuloyan nito mga naka-ugalian at darating ang panahon na mawawala na lamang na parang bula ang mga laro na dati’y kay saya nating ginagawa. Nakakatakot isiping magiging isang magandang ala-ala na lamang ang lahat. Iyan dapat ang iwasan nating mangyari dahil ang larong-pambata ay mabuti rin namang ihersisyo. Nasasanay kasi ng paglalaro ang isip, mahilig din kasi akong maglaro ng mga manika at masasabi ko talaga na napapalawak talaga nito ang imhinasyon ng isang bata. Bukod dun’ ay marami pang ibang mabuting naidudulot ang paglalaro. Maisaisip sana natin ang kahalagahan ng paglalaro, hindi lang kasi ang aliw at tuwang nadarama ang importante dito mas malaki kasi ang mawawala sa atin kapag tuloyang mawala o maglaho ang mga larong kinagisnan ng mga ninuno natin. Dahil kasi sa mga larong nabanggit ko ay nakilala ko ang mga taong naging matalik kong kaibigan hanggang ngayon. Nakakilala ako ng mabubuting tao dahil na rin ditto kaya’t malaki ang pasasalamat ko dahil may mga ganitong laro akong nakagisnan. Ang mga alaalang nabuo habang naglalaro kasi ang nagbibigay ng mas malalim na kahulugan dito. Kaya’t importanteng-importante para sa akin ang mga larong pambata o larong-kalye kung tawagin dahil isa ito sa nakapagbigay ng mahahalagang alaala na hindi ko makalimutan hanggang ngayon. Patintero, tumbang preso, agawan-base at Chinese-garter ay ilan lang sa mga laro noong bata ako.

Mga Laro Namin Noon

Tago-tagoan, tumbang preso, patintero, at iba pa ay ilan lamang sa mga larong malimit nating nilalaro noong tayo’y mga bata pa. At kahit ngayon ay nilalaro parin natin kapag nagkakasiyahan kasama ang mga kabarkada o ‘di kaya’y ating mga kapamilya. Ngunit nasaan na nga ba ang mga larong ito sa kasalukuyang panahon.
Naaalala ko pa noong ako’y ako’y nasa elementarya pa lamang . Kapag may bakanteng oras kagaya ng recess o ‘di kaya’y pagkatapos naming kumain ng aming pananghalian ay agad kaming nagtitipon-tipon upang makapag-isip ng kung anong laro ang maari naming laruin. Kadalasan , “hunter x hunter” ang malimit naming laruin dahil bukod sa madali lang ay nakakaaliw pa. At kapag naaalala ko ang larong ito ay naaalala ko rin  ang isang karanasang kailan man ay hindi ko na siguro makakalimutan.Kakatapos lang naming kumain ng aming pananghalian noon nang maisipan naming mag-isip ng isang laro  na maari naming paglibangan at naisipan nga ng isa naming kaklase na maglaro ng “hunter x hunter” . Kami’y nakapili na ng aming mga kasamahan at maging ang kabilang panig ay nakapili narin. Kami ang taya nang nanalo ang kalaban namin sa ginawa naming “mano” o iyong pamimili kung sino ang magiging taya. Bago kop ala makalimutan, ang larong ito ay nilalaro sa pamamagitan ng pag-ilag sa tsinelas na ibinabato ng kalaban sa iyo, at habang ikaw ay umi-ilag ay kailangan mung hanapin ang kapares ng mga tsinelas na ikinalat sa gitna at pinaghalo-halo at kapag natapos kana sa pag-aayos ay kaiangan mo na naman itong paghiwa-hiwalayin isa-isa. At kapag nagawa niyo na itong paghiwalayin ay panalo na kayo at maaari ng maglaro ang kasamahan niyong natanggal sa laro. Nang nagsimula na  ang laro ay isa nako sa tagatira ng tsinelas o iyong tinatawag na ‘hunter”. Nagsimula ng pumasok isa-isa ang aming mga kalaban, nagsimula ng magsigawan ang magkabilang grupo na talagang tuwang-tuwa at aliw na aliw sa ginagawa. May ibang talagang napakagaling umilag sa bawat pagbato ng tsinelas at may iba rin namang hindi gaanong kagalingan. Hanggang sa dumating ang isang sandali na hindi ko sinasadyang tamaan ang isa sa aming mga kalaban ng medyo may kalakasan dahil siguro dala na ng pagod at hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa kami nakakabawi. Tamang-tama pang sa mukha ko pa siya natamaan. Sa amin kapag nangyari ang ganoong sandali ay nagrereklamo kami na ‘wag namang i“butod” o iyong napakalakas na tira dahil nga laro lang iyon at wala namang napakalaking pera ang nakapusta para maging napakaseryoso. Para naman sa akin ay hindi naman talaga ako ganoon ka seryoso upang mangyari at magawa ko ang bagay na iyon, ngunit tila iba ang pagkakaintindi niya sa bagay na iyon at walang anumang pasabi at lumapit siya sa akin at itinaas ang kamay at
 ibinato papunta sa aking mukha, at talagang sumentro papunta sa ilong ko. Ako’y natumba dala ng pagkabigla at sa lakas ng kanyang pagsapak  at paghawak ko sa aking ilong ay may dugo ito nang aking tingnan ang aking mga kamay,hindi ko alam ang aking gagawin hindi ako nakabangon kaagad at nakatingin lang rin aking mga kaklase. Pakiramdam ko para akong hinampas ng kahoy ng napakalakas,hindi naman masasabing kalabisan ang mga nasabi ko sapagkat hindi ako sanay makipagbasag-ulo dahil maging ang mga magulang ko ay hindi pa nagagawa sa akin iyon at dahil hindi naman talaga siya kasing tanda namin o kaya’y kasing laki. Siya’y labing limang taong gulang na noon na may malaking pangangatawan na para bang sanay ng mabugbog at makipagbugbugan samantalang ako sampu ng aking mga kaklase ay walo o siyam na taong gulang pa lamang na siyang tamang edad lamang para sa nasa ikatlong taon sa elementarya. Nakita kong papalapit sa akin ang sumapak sa akin at sa halip na tulungan ako at humingi ng tawad ay minurapa niya ako at talagang ako pa ang sinisi niya sa pangyayari, at sa mga sandaling iyon ay pumagitna na ang aming mga kaklase at may tumakbo na papunta sa aming guro upang magsumbong. Natapos ang isang napakasayang larong iyon nang dahil lamang sa kapikonan ng isang kalaro. Nang malaman nga aming tagapayo ang pangyayari ay agad niya kaming ipinatawag sa opisina ng principal, kami ay sinamahan pa ng isang kaklase dahil baka muli kaming mag-away,nang kami ay nasa harap na n gaming guro ay wala sa aming dalawa ang gusting sumagot sa tanong na kung sino ang nagpasimuno ng gulo, nang napansin ng ami ng guro na medyo namamaga ang aking kaliwang mata ay sinabihan niya na ako na umuwi nalang muna. Gustuhin ko man upang makatakas sa aming aralin ay ayaw ko namang mapagalitan ng aking ina kaya mas pinili ko nalang na manatili sa paaralan,nang magtagal ay pinabalik niya rin kami sa aming silid-aralan. At doon na nalaman ng kuya ko kung ano ang nangyari, siya nga pala kamag-aral ko lang pala ang kuya ko dahil noong ako’y ipasok sa unang taon ay hindi bilang isang regular na mag-aaral kun’di bilang isang bisita lamang o iyong yinatawag na “visitor”, ngunit dahil pumasa at nakuha pa ang ikalimang karangalan ay nagpatuloy ako sa pag-aaral sa ikalawang taon kaya naging magkaklase kami ng kuya ko. Ngunit ang nakapagtataka ay wala lang kahit anong reaksyon ang kuya ko dahil siguro ayaw niya akong umasa lamang sa kanya. Natapos na ang raw klase at oras na upang umuwi ngunit hindi ko pa nakikita ang kuya ko, nakapagdesisyon nalang akong umuwi na kasama ang aking kapit-bahay, pagdating sa labasan ay napabagal kami ng sandal dahil sa dami ng mga batang nag-uunahan na makalabas ngunit hindi ko parin makita ang kuya ko. Nang medyo maluwag na ay nakalabas
narin kami, talagang nagtaka ako dahil hindi naman iyon ang kadalasang nangyayari na iniiwanan ako ng kuya ko sa pag-uwi sa bahay. At nang kami ay may ilang hakbang na mula sa labasan ay nakita ko ang napakaraming mga estyudante na nagkakagulo at nagsisigawan, may sumisigaw ng “biya-biya” at sa kabila naman ay may sumisigaw rin ng “inilog-ninlog”. Para bang nasa sabungan, ako’y nagtaka at nagduda na talagang may nag-aaway, sa amin pang paglapit ay hindi ko inaasahan ang aking makikita, ang kuya kong walang tigil na sinusuntok at sinisipa ang kaklase naming sumapak sa akin. At dahil sa laki ng kuya ko ay walang nagawa ang taong ‘yon kun’di takpan nalang ang kanyang mukha. Hindi ko naisip na magagawa ng kuya ko ang bagay na iyon dahil kagaya ko hindi rin siya sanay makipag-away, at noong malaman niya ang nangyari sa akin ay parang wala pa nga siyang paki-alam. Hindi ko rin alam ang magiging reaksyon ko at maging kung ano ang aking gagawin, pipigilan ko ba ang kuya ko dahil alam ko  na nasasaktan na ang taong iyon o manonood nalang ako dahil siyempre may galit din ako sa taong iyon gawa ng kanyang pagsapak sa akin. Wala ring naglakas ng loob na umawat sa kanila, at siguro naawa na si kuya sa kanya ay tinigilan na ang pagsuntok sa kanya. Nang makita niya ako ay nilapitan niya ako at sinama pauwi ng bahay.    . Simula noong ako’y nakapagtapos na ng aking elementarya ay hindi ko na ulit nasubukang maglaro pa ulit ng larong iyon. Dala na rin siguro ng konsentrasyon sa pag-aaral  at dahil na rin sa kadahilanang kami’y hindi na bata upang maglaro pa ulit ng mga larong iyon. Minsan nga, naiinggit ako kapag nakakakita ako ng mga batang naglalaro ng mga laro namin noon.
    Dota, counter strike at xyper mu ay ilan lamang sa mga sikat na computer games ngayon, halos lahat ng mga binata ay iyan na ang laman ng usapan. Wala ng nakakaisip na maglaro ng taguan, patintero at iba pang mga laro natin noon. Ang masama pa ay ang bagong kinahihiligan ngayon ay maraning mga negatibong epekto sa kinabukasan ng mga kabataan ngayon. Marami na ang tumigil sa pag-aaral dahil mas inuuna pa ang mga computer games na iyan kaysa sa mga aralin sa paaralan. Marami na ring mga minor de edad ang natututong magnakaw para lang may maipanglaro, kung tutuusin kasing sama na ng epekto nito ang sugal. Sana’y dumating ang panahon na marami na ang bumabalik sa paglalaro ng mga laro naming noong mga nagdaang panahon. Sana’y hindi lang ito maging larong pambata.

Mga laro ko noon at ngayon

Noong bata pa ako, marami akong nalaman na laro. Umaga pa lang nasa kabilang bahay na ako para maglaro. Kahit walang pera o kahit hindi pa naka ligo, okey lang yun dahil sa labas lang naman kami nang bahay naglalaro.
Alam mo ba yung laro na “bulan-bulan”? Nilalaro lang namin yun kapag lumabas ang buwan, gumuguhit kami ng malaking bilog sa lupa tapos maliliit na hagdan sa gilid nito. Pagkatapos, jak-en-poy na kaagad para malaman namin kung sino ang taya. Kapag ikaw ang taya, ang gagawin mo lang ay lalabas sa bilog at hulihin mo lang kami gamit ang maliit na stick at kung sino ang yung madakip, SIYA na naman ang taya! O diba Masaya?
Kapag wala naman kaming pasok, naglalaro na naman kami sa labas o sa loob ng bahay. Ito ang mga larong alam ko: Jock stones, Chinese garter, step in, tombang-preso, habulan, bahay-bahay , sili-sili , hulihin si maria, jumping rope, Takyan, patintero at ibpa. Hindi talaga ako napapagod dati sa kalalaro. Umulan man o Umaraw, naglalaro parin kami.
Alam mo ba ‘pag Haloween, kumukuha kami ng kalabasa at kandila tapos gumuguhit kami dito ng mukha na nakangiti tapos yung kandila ay nilalagay naming sa loob nito, pagkatapos, nilalaro naming yung Hulihin si maria.
Ngayon, iba na talaga ang mga larong tinatangkilikan ng mga bata.Mga Online Games na. Hindi na nila nilalaro ang mga larong naranasan namin. Dahil din ito sa mga teknolohiya sa ating mundo ngayon. Sabi nga nang lola ko, iba na talaga ang Generation namin ngayon. Dahil noon kahit walang pera ang mga bata, okey lang, pero ngayon hindi lumalabas nang bahay pag walang pera at magagalit kung  hindi naman bibigyan. Dahil din yun sa “high-tech” na ngayon. Ang mga larong gusting-gusto nang mga bata ngayon ay: Dota, warcraft, left for dead, counter strike, plants vs. zombie, Zuma, Bookworm, Tetris, Feeding Frenzy, Angry Birds at iba-iba pang mga online na laro.
Kung ikukumpara noon at ngayon, mas malulusog ang maga bata noon dahil sa naglalaro sila physically. Sabi pa ng mama ko para din daw itong Exercise. Kapag masigla ang bata dahil sa kalalaro, ibig sabihin siya ay malusog, Hindi tulad ngayon, naka opo lang, naka tunganga sa laptop, computer, Ps4, PSP at iba pang play station. Umiiba na rin ang mga Ugali ng mga bata ngayon dahil ayaw na nilang lumabas nang bahay, nagiging tamad at minsan nga hindi na sila kumakain nang maayos dahil mas gusto nilang naka tunganga sa computer para maglaro.
Pagdating naman sa paaralan, mas gusto nilang matulog dahil puyat sila sa kalalaro ng Computer Games. Ayaw nilang magstudy dahil boring.Tapos ang nasa utak nila ay puro laro nalang, naabsent minded na rin sila sa mga lessons nila araw- araw.
At kung ako ay babalik sa pagkabata, mas gusto kung maglaro ng mga larong nakaraan kesa sa laro ngayon. Nakakadagdag sakit pa sa kalusugan ang mga laro ngayon. Natutunan ko na mas masasaya ang mga laro noon dahil ito ay nakalulusog sa ating katawan at nakakaexercise pa tayo nang hindi natin alam.

Mga Laro ko noon: Iba na pala sa mga laro ng mga kabataan ngayon.

Kabataang kaysarap balikan.Mga panahon ng kainosentihan.Walang ibang gusto kundi ang matuto sa mga bagay na makapagbibigay aliw nito.Ang pagiging bata ay isa lamang yugto sa buhay ng tao. Na kung saan walang ibang hilig gawin kundi ang maglaro. Na sa pamamagitan nito ay may matutonan silang mga mahahalagang bagay na makapag- uunlad sa kanilang sariling kakayahan at katatagan.
Hindi ko maitatangging lumaki akong isang napakalikot na bata hindi naman kasi ako masakitin. Walang ibang gusto kundi ang maglaro dito, maglaro diyan. Marami kasi kaming kapitbahay na may anak na kasing edad ko lang kaya marami akong kalaro. Lahat sila ay pawang aking mga kaibigan. Sabi nga nila“friendly” daw ako.
Karamihan sa mga laro na nilalaro ko kasama ang aking mga kaibigan ay ang mga sumusunod:
Balay-Balay
Ang tawag nila nito sa tagalog ay bahay-bahayan. Nagsimula akong maglaro nito noong nasakindergarten pa ako hanggang nasa ikalawang baitang na ako. Gumagawa kami ng bahay gamit ang sako ng bigas o di kaya’y sako ng feeds. Hindi naming nilalagyan ng kisame kasi kadalasan nasa loob lamang kami o di kaya’y nasa sala kami ng bahay ng aking mga kaibigan. Ang palagi kong ginagampanan ay ang pagiging tindera o di kaya’y negosyante. Nagtitinda ako ng mga pagkain na kung saan ay mga supot lang naman ng mga walang laman na “junkfoods”.Nagbibinta rin ako ng BBQ na mga katawan lang ng gabe. Itinutusok ko ito sa isang tikog, lulotuin kahit walang apoy. Ang aming pera ay yong mga tansan(1 piso), wrapper ng mga candies(snowbear-100 pisos, white rabbit-50 pisos).
Slipper Game
Dapat sa larong ito ay may dalawang grupo na may dalawa pataas ang myembro. Nangangailangan ito ng anim na tsinelas. Na kung saan ay diamond ang porma ng pag kakapwesto nito. Isa sa ibaba, isa sa itaas, isa sa bawat gilid, at isa sa gitna. Yong nasa gitna ay kung saan may pitcher na syang magpipitch at sisipain ng isa sa myembro ng kalaban ang tsinelas na pinipitch. At ang ibang kasamahan nong pitcher ay dapat saluin yong trinelas na sinepa. At kung nagkataon na masalo ang tsinelas ay evicted na yong tao na sumipa nito hanggat sa maubos na yong mga myembro at sila nanaman yong magiging taya.
Army- army
Nauso ang larong ito noong nasa ikaapat na ako na baitang. Grupo din ang larong ito. Dalawang grupo lang at kahit ilan ang myembro. Ang larong ito ay kung saan tinipon-tipon ang mga pares naming tsinelas, ilalagay sa gitna, ihahalo-halo. At bago simulan ang laro ay mag bato-batopik pa yong mga lider sa bawat grupo upang malaman kung sino iyong taya. Ang taya na grupo ay siya iyong babato ng tsinelas  sa grupo na nanalo sa bato batopik. At yong nanalo na grupo ay sya yong babatuhin at mag pares-pares sa mga tsinelas na hinalohalo. Pagkatapos paresin at pagdikitin ang lahat ng tsinelas ay huhubarin nanaman ulit iyong mga pares ng tsinelas na pinagdidikit. Sapagkat yong mga myembro ng grupo na natamaan ng tsinelas ay out na. Hindi na maaring magpatuloy. At kung natamaan na lahat ay iyong grupo nanaman na taya noong una ang magpapares ng mga tsinelas at babatuhin.
Nescate
Napapanahon din ang larong ito. Ang larong ito ay dapat dalawang grupo. Bawat grupo ay may bahay. Kadalasan ang ginagawa naming bahay ay tsinelas. Na kung saan dapat munang tumapak doon bago tatakbo at  echallenge mo yong ibang myembro ng grupo na makipaghabulan sayo.
Kung ikaw ay nahuli noong humahabol sayo at siya iyong huling nakatapak ng bahay nila ay magiging bihag ka na nila. Ang tanging paraan lang upang maligtas ka sa pagkabihag ay dapat mahawakan ang kamay mo sa kasamahan mo kaya palagi mong itaas ang kamay mo para hindi sila masyadong mahirapan pagligtas sayo.
Labay Lata
Ang pangunahing gamit lang na gagamitin para makapag laro nito ay isang latang maliit na walang laman at isang tsinelas. Isa lang ang taya. Ang taya ang siyang magbabantay sa lata na babatuhin ng kanyang mga kalaro ng tsinelas at siya din iyong huhuli sa kung sino man ang pupolut ng kanilang tsinelas na hindi pa natamaan iyong lata. Kaya dapat pupolutin lang iyong tsinelas kapag natamaan iyong lata para hindi ka mahuli at maging taya. At pag natamaan mo iyong lata at nakatayo o di kayay hindi siya natumba ay dapat unahan mo iyong taya sa pagtoktok ng tatlong beses. Dahil kung maunahan ka nong taya ay ikaw ang papalit sa kanya bilang taya.
Slipper mannequin
Sa larong ito isa parin ang taya. Siya ang hahagis ng tsinelas at sasaluin noong mga kalaro niya at kung hindi masalo ay dapat maging mannequin sila na para bang hindi kikilos hanggat hindi kinukuha nong tagahagis ang tsinelas. At kung mahuli sila nong tagahagis na kumilos sila at nakanganga iyong baba nila at nakita iyong ngipin ay papaluin ang kanilang binti depende sa kung ilan ang napagkasunduan. At kung masalo naman nang isa sa mga  tagasalo ang tsinelas ay siya yong papalit sa tagahagis.
Tago-taguan
“Tago-taguan maliwanag ang buwan tayo’y maglaro ng tago taguan, mag bilang ako ng tatlo nakatago na kayo 1…2…3…”Ito ang sinasabi ng taya sa puntong tatago na yong mga kalaro niya. Dapat niyang hahanapin ang kanyang mga kalaro at ng makita na niya ay totoktok siya sa lugar na kung saan yon ang kanyang bahay kadalasan ay dingding o di kayay sa puno ng kahoy.
At kung sino yong unang nakita ay siya yong posibleng maging taya pag nakita na iyong iba. Ngunit pwede pa siyang tubusin nong mga kasamahan niya na hindi pa nakikita. Sa pamamagitan ng pagtoktok sa bahay nong taya.
Langit-Lupa
“Langit, lupa saan ka baba? Sa im-sa im sa imperno dili ako sa imperno kay mainit ang kalayo, saksak  puso nitulo dugo”.
Sa pamamagitan noong kanta sa itaas ay pipili kami ng taya. Kung saan nakapoint yong kamay sa huling salita ng kanta  ay siya ang magiging taya. Ang taya ay ang hahabol sa kanyang mga kalaro at kung sino man iyong kanyang mahuli ay siya nanaman ang magiging taya.
Halap-halap
Ang larong ito ay kung saan pinipiringan ang mata noong taya. Huhulihin niya iyong mga kalaro niya na nakapiring siya. Dapat ay isasatinig niya ang pangalan kung sakaling may mahuli siya. At kung hindi niya makikilala ang kanyang nahuli ay siya parin iyong taya. Kadalasan ang larong ito ay nilalaro sa maliit na silid lang para madali lang makahuli yong taya at mas interesting or challenging iyong laro.

Makikita natin na ang mga laro na nilalaro ko noon noong bata pa ako ay pambihira nalang ngayon na nilalaro ng mga kasalukuyang  bata. Karamihan sa mga bata ngayon ay computer games ang nilalaro. Nagbababad sa harap ng computer, nag facebook, naglalaro ng DOTA, naglalaro ng KOS, o di kaya’y naglalaro ng Plant vs. Zombies, at ang uso ngayon na Angry Birds. Maiikompara natin ang noon at ngayon ay ibang-iba na. Siguro nga dahilan ito ng pagtaas ng ekonomiya at tumataas na din ang mentalidad ng tao na luma na lang iyong mga laro natin noon at mas sosyal ang mga laro ngayon. Sabi nga nila “SABAY SA PANAHON BA”. Pero ang tangi kong tanong nasaan na ba ang mga larong nilalaro ko noon?

“Mga Laro Ng Aking Kabataan”

Paglalaro ay isa sa mga bagay na nakakapagpasaya sa isang bata, dahil kapag sinabing “LARO”, ang unang pumapasok agad sa isip ng isang bata ay “SAYA”. Parte na talaga sa buhay ng isang bata ang paglalaro. Sa pamamagitan nito, maraming katangian ang nabubuo o nalilinang. Hindi talaga maipagkakailang lahat tayo, kahit matatanda ay sabik sa paglalaro. Maraming klase ng laro ang kadalasang nilalaro ng mag bata. Dito nakikita ang naiibang kasiyahan na nakukuha ng mga bata. At  sa paglalaro, dito kadalasan nabubuo ang pagkakaibigan na pwedeng tumagal hanggang sa paglaki. Gaya na lamang ng istorya ko:
            Bagong salta ako noon sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Wala akong kakilala doon kshit mga kamag-anak man lang. Wala akong kaibigan dahil nahihiya akong lumabas ng bahay dahil nga sa walang akong kakilala. Hanggang isang araw, may lumapit sa akin, batang lalaki na halos kasing edad ko lamang. Niyaya niya akong maglaro  ng BALAY-BALAY o mas kilala sa tawag nga bahay-bahayan. Doon ko nakilala ang mga bago kong  mga kaibigan. Masayang laruin ang bahay-bahayan, may nagpapanggap na ina, ama at anak. Dahil ako yung pinakabta doon, ako ang naging bunso kunwari. Sa larong ito nakikita ang pagiging “famil-oriented” ng isang bata kasi sa pamamaraan ng pagganap ng bata sa kanyang ROLE, nakikita kung papaano dinadala ng kanyang magulang ang kanilang pamilya. Kunwari ikaw yung ina, ginagaya lamang ng bata kung paano sila dinadala ng kanilang ina. Kung palagi silang pinapalo sa maliit na rason, nakikita iyon sa larong ito dahil kung ganoon ang nangyayari sa bahay nila, yun rin yung gagawin o gagayahin ng bata.
            Marami pang klaseng laro ang nilaro naming. Isa sa mga larong yun ang tinatawag na TUMBA LATA. Ito yung laro na ang lata ay ilalagay sa loob ng guhit bilog sa lupa. Kailangan tirahin ang lata gamit ang tsinelas para matumba upang makatakbo ang iyong mga kasama. Ang taya ang siyang magtatayo sa lata kapag natumba at pagnaayos na niya pwede na niyang hulihin yung nga kasali na tumatakbo na hindi umabot sa linya na parang nagsisilbing BOUNDARY LINE, kapag lumagpas kana sa linyang iyon, hindi kana huhulihin pa ng taya. At kung sino man iyong hindi umabot sa boundary line tapos nahuli na ng taya, iyon na ang magiging sunod na taya. Dito nakikita ang pagiging alerto ng mga kalahok dahil kung hindi ka alerto pwede kang maging taya. Dito rin nakikita ang pagtutulungan ng lahat maliban sa taya, dahil kailangan mong tulungan yung mga kasama mo makatakbo sa pamamagitan ng pagtumba ng lata. Isa ito sa mga paboritong laruin naming noong bata pa kami. Naiisip ko lage ang aking mga kaibigan kapag may nakikita akong mha bata ngayon na naglalaro ng laronh ito.
            PATINTERO ay laro na sa tingin ko ay paborito, hindi lamang ng aking mga kaibigan kung hindi pati na rin ng ibang tao. Masaya talaga ang larong ito dahil guguhit kayo ng malalaking parihaba sa lupa. Mas mainam na gamitin ang tubig sa pagguhit dahil hindi kaagad nawawala. Dumidepende ang pagguhit mo ng parihaba sa dami ng kalahok. Hahatiin niyo sa dalawang grupo ang mga kasali. Kailangan ng malaking espasyo kapag ito ang napili ninyong laruin. Dapat makakalagpas kayo sa mga parihaba ng hindi nahahawakan o nahuhuli ng grupong kalaban niyo dahil kapag nagkataon, kayo naman ang magiging taya. Nabubuo sa larong ito ang tinatawag na TEAMWORK sa mga kalahok sa larong ito dahil kailangan niyong magtulungan upang manalo kayo. Makikita din dito ang pagiging  wais ng mga kalahok dahil kailangan niyo mag-isip ng taktika at stratehiya  na gagamitin nila para mapagtagumpayan ang laro. Natatapos ang larong ito depende kung ang mga kalahok ay pagod na at gisto ng tumigil.
            Isa rin sa mga nilalaro naming palagi ay ang TAGO-TAGUAN. Nakakairita rin itong laruin minsan lalo na pag ikaw ang taya pero kung hindi naman ang okey lang. Ito ang kadalasan naming nilalaro ng mga kaibigan ko noon. Bata palang ako noon ito na iyong  palaging gusto kong laruin, kahit na naiinis ako minsan kapag ako ang taya. Madali lang ang paraan ng paglalaro nito, ang taya ay tatalikod at sasandal sa isang pader, magbibilang hanggang sa mayroong magsabi ng salitang “GO”  mula sa mga kalahok. Pero bago sabihin ng mga kasali ang salitang “GO”, dapat nakatago na sila lahat. Tapos sisimulan na ng taya ang paghahanap. Kung sino ang pinakaunang nakita ay siyang posibleng maging taya sa susunod na “GAME”, ngunit maari pa siyang ma-“SAVE”, kapag isa sa mga kalahok ay hinidi pa nakikita ng taya tapos hahawakan niya iyonhg pader kung saan nakasandal ang taya noong nagbibilang pa lamang ito at sasabihin ng kalahok ang salitang “SAVE”, kapag nagawa na iyon, magbibilang ulit ang taya at balik tago nanaman iyong mga kasali, ngunit kapag hindi nagawa iyon at lahat ng kalahok ay nakita na, iyong pinakaunang nakita ang siyang magiging taya sa susunod na game. Nadedevelop sa larong ito ang pagiging pasensyoso, dahil sa larong ito kailangan ng pasensya o PATIENCE sa paghahanap ng mga nagtatagong mga kalahok. Dapat din maging alerto sa larong ito upang hindi ka na maging taya ulit.
            Noong bata pa lamang akoay mahilig ako sa pagsasayaw, kaya naman hilig ko rin laruin ang tinatawag na “JEMPAPARU”. Sa larong ito halos puro bababe lamang ang sumasali. Dito sa larong ito, ang mga kalahok ay tatayo na nakapormang bilog, kung sino iyong naatasa na magsimula ng GAME ay siyang unang lalapit sa kung sino man iyong gusto niyang lapitan sa lahat ng mga kalahok, sasayaw siya sa harap ng nilapitan niya,tapos yung isang nilapitan ay siya nanaman ang pipili ng kung sino man iyong gusto niyang lapitan at sayawan. Ganoon lamang ang mekaniks nga laro, natatapos ang laro kapag titigil na ang mga kalahok at naubusan na ng mga STEPS na sasayawin. “CONFIDENCE”  ang na nalilinang sa larong ito dahil kailangan ng confidence  upang hindi ka mahihiya sa pag sasayaw sa gitna  kaya naman sa larong ito na dedevelop ang CONFIDENCE dahil unti unting nababawasan ang iyong hiya sa tuwing nilalaro niyo ito. At sa pamamagitan ng larong ito napapakita ang iyong talent sa pagsasayaw.
            Isa sa mga pampalipas oras naming nuon ay ang larong PAON-PAON. Kadalasan  naglalaro nito ay mga lalaki pero sumasali pa rin naman iyomg mga babae minsan. Ito yung laro kung saan hinahati sa dalawang grupo ang nga kalahok.Pipili ang bawat grupo ng isang lugar na magsisilbing “BASE”  o bahay ng grupo. Nagsisimula ang laro kapag isa sa bawat grupo ng  mga kalahok ang pupunta sa gitna at magsisilbing pain sa mga kalaban, kapag tumakbo ang kalaban upang hulihin ang pain sa kabilang grupo na nasa gitna, babalik naman sa base iyong pain. Ganoon lamang ang proseso sa larong ito, kapag mayroong nahuli ang bawat grupo, papatayuin ito na naka-EXTEND  yung mga kamay upang kung sakasakaling  makalapit ang kanyang mga kasamahan ay maSAVE pa yung nahuli.Ang mananlo sa lrong ito ay iyong grupo na maraming nahuli at hindi nasave na grupo. Makikita ang “TEAMWORK” sa bawat grupo dahil kailangan magtulungan silang lahat upang mahuli yung mga kalaban at kailangan rin nilang isave yung mga kasamahan nilang nahuli ng kalaban. Nasusubukan rin sa larong ito ang pamamaraan ng pag-iisip sa bawat kalahok sa pagbubuo ng TECHNIQUE at STRATEGY upng mapagtagumpayan ang laro.
            Sa lahat ng nga laro, ang pinakapaborito ko ay ang larong “DAKPANAY”. Napakasayang laruin ang larong ito. Kahit ilan ang sumali okey lang. Ito anng pinakasimpleng laro  na nilalaro naming nuon. Kung sino iyong  taya ay siyang huhuli sa mga kalahok. Tatakbo kahit saan man gusto ng mga kalahok. Kung sino iyong mahuhuli ng taya ay siya naman ang  manghuhuli. Pabalik-balik lang ang proseso ng laro. Nadedevelop  ang  “SELF-CONFIDENCE” sa larong ito dahil kailangan mong magtiwala sa sarili mo dahil wala kang ibang aasahan kung hindi sarili mo dahil ang larong ito ay individual at hindi  grupo.
            Lahat ng mga larong aking sinulat sa ibabaw ay ang mga laro na palagi namning nilalaro ng mga kaibigan ko. Dahil sa mga larong ito nagkabuklod-buklod ang aming samahan at dahil din ditto kung bakit mas naging malakas ang malakas ang pagkakaibigan namin. Laro ay isa sa mga dahilan kung bakit marami akong nagging kaibigan noong kabataan ko na hanggang ngayon ay kaibigan ko parin. Mas naging matatag ang pagsasamahan naming dahil sa patuloy naming paglalaro at sa tuwing naiisip naming ngayon iyong mga panahon na nagka sama-sama kami dahil lamang sa mga laro, hindi naming maiwasan ang matuwa kahit na nagka layo layo na kami sa isa’t  isa ay patuloy pa rin ang walang hanggang pagkakaibigan naming.
            Maraming bagay ang nagsisimula nang dahil lamang sa isang laro. Dito nagsisimula ang pagkakaibigan  at dito rin nagsisimula ang pag aaway, ngunit gayun pa man hindi dapat ito maging hadlang upang tumigil na tayo sa paglalaro. At kahit ganoon pa man, dapat maging masaya tayo dahil  sa pamamagitan ng “LARO” mas naging makabuluhan ang ating kabataan noon at dapat rin maging masaya pa tayo dahil may nakilala tayong bagong tao sa buhay natin. Dahil rin sa paglalaro may naiiwan tayong mga “MEMORIES” na maaari nating dalhin hanggang sa ating kamatayan. Hindi talaga mapapantayan ang kaligayahan ng isang bata kapag ito ay naglalaro   dahil ito ay isang kasiyahan na hindi maikukumpara sa kahit na anong bagay dahil ito ay nakukuha ng kusa. Iba rin talaga ang saya na naiiwan sa atin kung ito ay galing noon bata pa lamang tayo dahil kahit na sa kawalan natin ng malay noon sa mga bagay bagay nagawa pa rin nating ma –APPRECIATE ang mga simpleng bagay nakukuha natin gaya ng sa paglalaro.
            Laro ay isa sa mga bagay na nakakapagbigay sa atin ng kasiyahan  noong bata pa lamang tayo kaya imposibleng malimutan na lamang natin basta basta ang mga bagay bagay na nakakapagpasaya  sa atin.Siguro kahit papaano ay naging makabuluhan an gating kabataan nang dahil sa paglalaro. Kaya nga minsan naiisip natin n asana bumalik na lamang tayo sa pagkabata upang mabalikan lang natin ang mga alaala noon. Mahalaga talaga sa isang tao ang mga masasayang araw na naidulot ng paglalaro.  Kaya naman naging makabuluhan talaga an gating kabataan nang dahil lamang sa laro.

Mga Laro Noon at Ngayon

Ang laro ay isang aktibidad na kinasasangkutan ng isa o maraming manlalaro. Ang laro ay isang libangan o kasiyahan ngunit maari din itong isang ehersisyo at isa rin ito sa paraan para malinang ang ating mental at pisikal na kakayahan.
Sa panahon natin ngayon kokonti nalang ang nakikita natin na mga batang naglalaro sa lansangan. Kadalasan ay nasa bahay nalang o nasa mga internet cafe naglalaro nga mga online games. Ngunit noon lalo na pag hapon ay marami kang makikitang bata sa kalye na naghahabulan at abala sa paglalaro. Isa rin ako sa mga bata noon na kung hapon na ay lumalabas ng bahay para maglaro at makigpag habulan sa mga kaibigan ko. Minsan pa nga ay gusto kong balikan ang pagkabata ko na parang wala lang, nag-eenjoy lang sa paglalaro. Kahit nahihirapan na sa paghinga ay naglalaro pa rin. Naaalala ko pa noon isa sa mga nilalaro ko ay ‘yong Chinese garter ‘yong bang tatalon ng ka ng ten, twenty sa garter na nilalagay muna sa tuhod hanggang sa pataas na ng pataas . Nakaka-enjoy talaga ‘yon lalo na pag nalampasam mo yong ulo. Naglalaro rin kami luksong tinik at luksong baka. Grabe to na mga laro, kailangan maataas ang talon mo, pataas kasi ng pataas. Sa luksong tinik may dalawang tao na dinudugtong dugtong ang kanilang kamay at saka ka tatalon hanggang sa pataas ng pataas. Sa luksong baka naman may tao na yuyuko at siya ang niluuluksuhan. Minsan pa nga eh natutumba yong taya eh dahil hindi ako masyadong mataas kung tumalon, haha. Tawa na lang kami. Ako na naman yong taya ako na naman yong tinatalonan nila. Minsan lang ako sumasali sa larong ito, iniiwasan ko kasi maging taya kasi nasasakitan ako sa likod. Ikaw ba naman yong tinutukudan habang lumulukso, hindi ka ba masasakitan. Pero kahit papano namimiss ko pa rin laruin to, masaya din naman kasi eh. Alam mo ba laruin ‘yong syatong? Naku, isa din ito sa mga paborito ko. Naghuhukay kami ng di naman masyadong malalim sa lupa, at kukuha ng dalawang kahoy. At iyon na umpisa na ng laro. Naaalala ko pa nga kahit na di masyado malaki ang lugar basta pwede lang makapag laro doon ng syatong ay naglalaro talaga kami. Isa din sa mga nilalaro ko noon ang tumbang preso. Ito ‘yong nilalaro gamit ang tsinelas at binabato ang lata. At kapag natumba yon ay unahan sa pagkuha ng tsinelas at habulan na. Ang saya talaga nito laruin, naaalala ko pa nga noon kakagising ko pa lang sa hapong iyon tapos lumabas lang ako para magpahangin. Nakita ko mga kaibigan ko na naglalaro nito, aba tumakbo agad ako sa kanila at pinilit sila na pasalihin ako. Kaya ayon nakasali din. Haha, ang kulit ko talaga bata pa naman kasi. Kung minsan pag puro lang kami mga babae ay blakjak ang nilalaro namin o ‘yong tinatawag niyo na piko. May mga iba’t iba pa kaming uri ng blakjak. Sa naaalala ko, blakjak no.5, blakjak no.2 at di ko na maalala yong isa pa. Basta piko din ‘yon kung tawagin niyo.
Ang sarap-sarap talaga balikan ng mga larong iyon, lalo na yong mga laro na takbo ka lang ng takbo. Habulan ng habulan. Kagaya nalang nung bahug-bahug o agawan ng base. Ang saya nito,lalo na kapag marami kayong naglalaro. Nakakalito nga dahil sa dami ninyong naghahabolan pero nakakatuwa pa rin. Lalo na pag ang grupo niyo ay maraming nahuli, parang ayaw mo ng umalis sa base niyo para magbantay sa mga nahuli para di sila makuha ng kabila. Nakakapagod talaga tong larong ito, minsan pa nga pagkatapos naming maglaro nito ay basing basa kami ng pawis kung umuuwi sa mga kabahayan naming. Kaya ayon napapagsabihan dahil baka raw magka-ubo. Nakz naman, hehe. Ito pa ang malupit tira 7 o batuhan ng bola. Ang sakit kaya nung pambato, pero sumasali pa rin ako, haha. Kakatuwa to lalo na pag marami kayong naglalaro, at sa gabi pa nilalaro. Naaalala ko pa noon habang tumatakbo ako para di ako matamaan ng bola ay nadapa ako. Di ko talaga napansin ‘yong bato kahit na malaki pa iyon ang dilim naman kasi. Pero kahit na masakit ay pinilit ko pa ring tumakbo, pero nung matamaan na ako ng bola ay naku napakasakit talaga. Kaya ayon pumigil ako, haha. Medyo madaya ako, pero masakit talaga eh. Haha. Eh ‘yong sili-sili alam mo ba paano laruin iyon?  Ito ‘yong may isang taya at nanghahabol siya at sinasabihan ng sili ‘yong nahuhuli niya. At titigil sa pag takbo ‘yong na-silihan, makakatakbo lang siya ulit kung may may magsasaggip sayo at sasabihan ka ng tubig. Mapapalitan lang ang taya kung lahat ay nahuli na niya at sabay silang sisigaw ng “viva”. At kung ikaw naman ay nahuli, lagot ka ikaw na naman ang taya. Ang hirap pa naman manghuli lalo na pag marami kayong maglalaro, malas talaga kapag ikaw ang nagging taya at marami kayong naglalaro. Kaya wag kang patanga-tanga pag “viva” part na, para di ka mataya. Ang sarap maglaro ulit nito, haaay! Isa pa ang larong langit lupa. Naaalala ko pa nung grade 3 pa ako. Maaga natapos ang klase namin noon kaya naglaro kami ng langit lupa. Doon kami sa building ng mga grade 5-6, dahil may hagdanan doon. Iniiwasan ko talaga maging taya noon kasi ang hirap na mabigay ang trono mo sa pagiging taya sa iba. Haha. Inaasar ka pa nga pag di ka na halos mapalitan sa pagiging taya, nakakinis kaya ‘yon. At ito pa isa sa mga paborito ko’ng nilalaro noon kung tawagin naming stop mannequin o ‘yong slipper mannequin. Iyon bang tatalikod ang taya at magtatapon ng tsinelas at kung di masalo ng mga naglalaro ay nagiging istatwa sila. Paikot-ikot ang taya at pag may nakita siyang gumalaw kahit konti man lang ay siya na naman ang taya. Pero kung wala siayng nakitang gumalaw siya pa rin ang taya. Paulit-ulit lang to pero nakakatuwa dahil kapag ang nagiging istatwa ay kinukulit ka ng taya hanggang sa makagalaw ka. At nakakatawa din yong mga nagiging istatwa yong iba ay di mailarawan ang porma nila. Nakakatawa talaga. Isa din sa mga diskarte ng mga taya na ginugulo ka nila para hanggang sa makagalaw ka para ikaw na naman yong taya.
Napakarami pa talagang mga laro noon na nakakalibang at nakakamiss laruin. Isa na dito ang taguan. Sino ba naman ang di nakakakilala sa larong ito, dba? Eh halos lahat tayo ay nakaranas maglaro nito. Kahit gabi ay naglalaro kami nito, nagbibilang hanggang sampu yong taya. At kung hindi ka pa nakatago ay nagsasabi ng “taympers”. Haha, nakakamiss talaga yong linya na iyon. At ang na miss ko ay yong unahan kayo ng taya na makapunta sa base para ma’save yong sarili mo at para din di ka mataya. Pero pag naunahan ka na ng taya, ay ano paedi ikaw na ang taya. Naaalala ko pa ng minsan gabi na kami nglaro nito, natatakot na ako magtago kung saan saan dahil ang dilim na. Kaya sumasama nalang ako sa kaibigan ko para may makasama akong nagtatago. Dahil natatakot talaga ako sa dilim noon, kahit nga nayon eh. Pero kahit natatakot ay go parin basta makalaro lang. Haha. Habul-habolan, nakakapagod to dahil takbo ka ng takbo para di ka mataya. Minsan pa nga ay nadadapa ako pag ito ang nilalaro naming dahil din a ako tumitingin sa dinadaanan ko. Para di lang ako mataya, pero kahit anong takbo ko ay palagi talaga ako natataya ang hina ko naman kasing tumakbo eh. Haay! At ang pinaka paborito ko sa lahat ang patintero. Kahit noong nasa high school na ako ay naglalaro pa kami nito. Nang minsan ay napagalitan nga kami ng isang guro sa aming paaralan dahil sigaw kami ng sigaw habang naglalaro nito. At kapag bakasyon, halos tuwing hapon ito ang nilalaro naming. Pumapalakpak lang ang isa sa aking kaibigan, at iyon ay signal na lumabas ka na dahil maglalaro na. Haha, grabe talaga. Ang taas kaya ng tinatakbuhan naming, dahil ang dami naming kung maglaro. Naaabutan pa kami minsan ng gabi sa kalalaro. Haaay, gusto ko maglaro ulit nito.
Ngayon minsan ka nalang makakakita ng mga batang naghahabulan at naglalaro sa kalye. Pati nga ako nakisabay na rin sa daloy ng panahon, kompyuter na palagi ang inaatupag. Sa facebook na naglalaro, gaya ng Farmville, fishville at iba pang mga online games maliban nalang sa Dota at Crossfire dahil hindi ako marunong nun at ayaw ko rin ng matuto nun. At kung minsan Plants vs. Zombies na at Angry Birds ang aking nilalaro. Di talaga maipagkakaila na iba na ang hilig ng mga tao nga kung noon ay larong pisikal, nagayon ay din na halos lumalabas ng bahay dahil naglalaro ng online games. Pero kahit na ganito di ko naman binabaon sa limo tang mga laro noon. Dahil parte na ito ng ating kultura na tradisyon din naman natin. Sana naman ay marami pang mga nakakaalala sa mga laro noon at hindi nila ito kalimutan. At buhayin natin ang mga larong pinoy ng sa ganon ay buhay pa ito sa mga susunod pa na henerasyon.