Monday, October 10, 2011

Laro ng Pagkabata

Masayang tirahan ang mundo, lalo na kapag kasama mo ang mga taong mahalaga sa iyo at alam mong mapapasaya ka. Araw-araw, napapalibutan tayo ng ibat-ibang emosyon, may kalungkutan at kasiyahan at walang sino mang nilalang ang hindi nakakaranas nito. Dahil ang mundo ay parang laro, kung hindi ka sasali o hindi ka makikipaglaro sa iyong kapalaran ay talo ka sa laro ng buhay kaya lahat tayo ay dapat marunong lumaban sa ibat-ibang hamon ng buhay.
     Isa akong anghel bago pa ako isinilang sa mundong ito, masayang nakikipaglaro sa aking kapwa anghel at ang aking mundo ay walang pinoproblema, pero nang ako ay inatasang bumaba sa lupa ay doon na ako nagsimulang mamuhay ng normal. Habang ako ay nasa sinapupunan ng aking ina ay di na ako makapaghintay na makita kung ano talaga ang itsura ng mundong kalalabasan ko, na araw-araw, ako ay lumaki at nadedebelop na ang aking musmus na katawan at ng dumating ang araw na ako ay tinuluyan nang iniluwal at nakita ko ang bagong mundo. Nang ako ay unti-unting lumaki at nagka-isip ay nagsimula na akong tuklasin ang mundo at doon ko nalaman ang mga simpleng bagay sa paligid at naengganyo akong tuklasin pa lalo ang mundo at ang pinaka-unang bagay na aking natutunan ay ang paglalaro kung saan ako ay nasiyahan masyado, at walang tigil na ako ay naglaro nang naglaro ng walang kasawa-sawa.
     Naging mundo ko ang paglalaro dahil nga wala pa akong kamuwang-muwang sa ibang bagay sa aking paligid, ito ang aking naging mundo, kung saan umiiyak lang ako tuwing nadadapa at tumatawa lang tuwing nasisiyahan sa paglalaro.
     Dumating na araw na medyo tumanda na ang aking isip at nagsimula na akong pumasok sa paaralan at doon ako natuto pa ng maraming bagay pero di parin nawala ang aking hilig sa paglalaro at sa panahong iyon ay kasama ko na ang aking mga kaibigan at kaklase sa skwelahan. Nang ako ay nagka-edad na ay di ko maiwasang matigil minsan ang paglalaro. Ipinagliban ko muna ang aking kasiyahan para sa aking pag-aaral, kahit papaano ay namimiss ko talaga ang mga panahon ng aking kabataan.
     Nang ako ay tumungtong na nang kabataan o “adolescence” kumbaga ay di na talaga ako parating naglalaro dahil mas binigyan ko ng atensyon ang pag-aaral at mga bagong kinagigiliwan ng kabataan pero minsan naghahanap ako kasama ng aking mga kaklase ng mga paraan upang makapaglaro kahit na sinasaway na kami n gaming mga high school teachers ay patuloy pa rin kami sa aming kalokohan. Hindi namin pinapansin ang tingin ng mga estudyanteng mapanghusga basta ang importante sa amin ay masaya kami sa aming ginagawa.

    Noong mga nahonng iyon ay natuto rin akong pasukin ang mundo ng pag-ibig kung saan ay sabi nila ay puro lang daw laro-laro pero hindi ako naniwala kasi tingin ko ay hindi naman ako paglalaruan at alam na alam ko sa sarili ko na hinding-hindi ako maglalaro. Masaya nga talagang umibig at sa simula ay parang araw-araw lang akong nakangiti pero habang tumatagal ay nag iiba ang takbo ng panahon sa pagitan naming dalawa at doon na nagsimula ang aking kinatatakutan, ang masaktan. Matalo sa laro ng pag-ibig ang napakasakit at doon ako nagsimula maging maingat makisalamuha at magbigay ng tiwala sa ibang tao.

    Kinaya kong limutin ang nakaraan pero sadyang mahirap mangyari agad ang aking inaasam kaya pinilit kong kalimutin to.

Dumating ang oras na unti-unti ko nang binabaon sa limo tang sakit ng kahapon. Iniba ko lahat pati pagkatao ko para maipakita sa kanila na malakas ako. Pero di ko parin maiwasan na maipakita ang tunay na ako. Ganoon lang naman talaga ang buhay.

    Dumating ang araw na pumasok ulit ako sa isang relasyon at sa panahong ito ay ako naman ang naglaro pero hindi kami masyadong nasaktan sa mga pangyayari dahil inamin naming kaming dalawa ang naglaro.

    Pinalipas ko ang maraming taon upang ma focus sa aking pag-aaral. Nagging Masaya ang buahy ko sa piling ng aking pamilya at mga kaibigan pero di ko maiwasang mangulila sa isang tao na gusto ko nandyan para sa akin at hindi ako iiwan.
    Alam kong kasama ko amg panginoon sa lahat ng panahon pero gusto ko ring makaranas kung paano magmahal ng walang laro.

    Masaya ang mundo kapag marunong kang makapagtao sa sarili mo.
    Normal ang maglaro dahil nga ang buhay ay puno dawn g laro pero hindi natin dapat paglaruan ang lahat ng bagay lalo na kaoag alam nating may mga taong nasasaktan. Hindi tayo dapat magpa dalos dalos sa laro ng buhay, marunong sana tayong gumamit ng mga tamang aspeto.
    Nakakamis ang buhay ng aking pagkabata, kung saan sa laruan lamang umiikot ang aking mundo at walang ibang bagay na makakapagpasaya sa akin kumpara ngayon na maraming bagay na buambagabag sa aking isipan at sa aking buhay na nag reresulta sa aking walang tigil na pag iyak.
    Gusto kong bumalik sa buhay ko dati kung saan walang ka probleproblema at lagging Masaya pero hindi naman pernamente ang buhay, minsan kailangan mo ring sumubok ng ibang bagay para matutunan ang tunay na kahulugan ng buhay at maging matatag sa lahat ng bagay.

No comments:

Post a Comment