Sunday, October 9, 2011

Laro, Laro at Laro


Ang laro ay sumasalamin sa kultura. Ito ay di lang nakaka-aliw kundi nkakahubog din sa bata. Maraming natututunan ang mga bata rito. Pag-tutulungan ng magkakasama ay isa na rito na maaari nilang ma-gamit sa hinaharap.

Ako ay lumaki na kasama ang dalawa sa aking mga pinsan. Ang nilalaro namin dati ay mga bigay na laruan ng aming mga magulang. Hindi kami pinapalabas dati dahil nakatira kami sa syudad at sa labas ay kalsada na. Parati naming nilalaro ay mga laruang kotse, eroplano at iba pa.

Noong pag-balik nila sa Maynila, nagkaroon ako ng bagong kalaro. Araw-araw, siya ay pumupunta sa aming bahay upang makipag-laro. Ako ay napaka-palad dahil ang aking ama ay nagbibigay ng mga laruan mula sa China at iba pang lugar na kanyang pinupuntahan. Kaya naman, ang aking laruan ay napakarami at nanghihiram siya.

Binigyan rin ako ng aking ama ng usong-usong Family Computer. Marami pa siyang bigay na mga video games. Ang nakaka-aliw pa ay ang ina ko'y baliw na baliw sa larong "Super Mario".

Makalipas ang ilang taon, bumalik ang mga pinsan ko kasama ang buong pamilya. Mayroon pa pala silang kapatid. Lima sila lahat. Hindi pa kasama riyan ang aking tiyuhin at tiyahin. Kaya naman, naragdagan ang aking mga kalaro.

Lumipat kami ng bahay. Malapit ito sa iba pa naming pinsan at may malaking puwesto na kami para makapaglaro. Ngunit, sa loob parin ito ng bahay. Ang kaibahan lang, mas malaki na ito. Kung ano-ano na ang linalaro namin. Ang nakakatawa pa nga noon ay pinaglaruan namin ang bigas. Pinagtatapon namin ang mga bigas at pinapasok namin sa electirc fan para tumalsik ang mga butil. Sa kasamaang palad, nasunog ang aming tirahan at tumira na kami sa bahay ng lola ko sa Kiwalan.

Malaki na puwestong aming napapag-laruan. Naglalaro kami sa labas ng habulan, taguan, "Langit Lupa" at "Patintero" gabi-gabi.

Sa computer, nag-lagay ng laro ang aking tito, ang "Bats" at "Cops". Agawan kami sa computer dahil nakaka-aliw talaga ang mga larong ito. Kahit ang aking tito, tita at maging ang aking ina ay nag-lalaro rin.

Ng mga panahon na 'yon, ako ay nakakapag-aral na. Kaya naman, doon ko natutunan ang larong "Teks". Maraming nagtitinda nito sa labas lamang ng aming paaralan at tuwing uwian, nagpapabili ako sa aking ina. Patakaran ng laro ay kapag ikaw ang na-iiba sa sa ibang kalaro mo, magbi-bigay ka ng dalawa o tatlong teks mo. Kaya naman, parati akong nagpapa-bili.

Nauso rin noon ang "Yoyo". Palagi akong nakaka-sira at palagi naman akong nagpapa-bili, kaya pabago-bago ang aking mga yoyo. Mga laruang eroplanong gawa sa papel naman ang ginagawa namin dati ng aking mga ka-klase. Tina-tapon namin ito sa ere upang maka-lipad.

Pina-lipat ako ng paaralan upang makasama ang aking mga pinsan. Doon sa paaralang iyon, mayroon kaming asignaturang "Computer". Ang ibang proyekto namin ay laro sa computer gaya ng "Jumpstart". Sa larong ito, kami ay gumagamit ng matematika. Minsan, pumupunta kami sa office upang makapag-laro lang ng computer games upang mahasa pa ang aming kasanayan sa pag-type at paglutas ng mga problemang pang-matematika. Kung minsan naman ay naglalaro kami ng "Patintero", "Bulan-bulan", "Dakpanay", "Langit Lupa" at "Paon-paon" tuwing naghihintay kami sa aming mga sundo.

Nauso naman ang larong "StarCraft" sa computer. Aliw na aliw ako noon kaya't mag-damag akong naglalaro. Isa pang laruan ang nauso, ang "PlayStation" kung saan nakapaloob sa mga CD ang mga video games. Mayroong nakakatawang laro kung saan ang mga kalaban mo ay baboy. Ito ang "Tomba 2: The Evil Swine Returns". Ang storya ng laro ay may mga magkaibigan, sina Tomba at Tabby, na nagkahiwalay dahil lang kinidnap ng mga baboy si Tabby. Si Tomba ang nilalaro dito at siya ay naghahanap sa kanyang kaibigan.

Ilang taon ang nakalipas, nauso naman ang larong "WarCraft". Ito naman ay storya ng isang Paladin na si Prince Arthas na pumanig sa mga "Undead". Ang larong ito ay hango sa nobela. Sa WarCraft rin nalalaro ang larong "DOTA" o "Defense of the Ancients" kung saan ikaw ay ang Hero ng mga "Sentinel" o "Undead". Naglalaro akong mag-isa noon sa aming computer. Tinuturuan rin ako ng boyfriend ng aking mga pinsan. Mga ka-klase ko dati ay nakikipag-laro na rin sa akin. Parati ko pa nga silang natatalo noon kaso, noong tumungtong na ako ng 3rd year high school, huminto na ako dahil naiinip na.

'Yan ang mga laro na aking kinagigiliwan noon. Ang ebolusyon ng laro ay napaka-dali lamang magbago dahil sa panahong ito, marami nang inobasyon na madali nang ma-access. Gayun pa man, mas nakaka-aliw ang mga larong sumasalamin sa ating kultura. Mga Larong Sariling Atin!

No comments:

Post a Comment