Sunday, October 9, 2011

Mga Laro ng Kabataan

 Noong bata pa ako, marami akong mga larong natutunan. Ito’y nagbibigay sa akin ng kasiyahan,                kasiyahan na tila walang hanggan. Hahaha. . Dahil marami kasi akong mga kalaro at marami akong mga naging kaibigan. Mga kalarong mababait, pero minsan naman hindi. Minsan kami ay nag-aaway dahil lang sa mga laro. At nakakatuwang isipin na nag-aaway kami dahil lang dito. Hahaha. . Pero minsan naman kapag kami’y naglalaro, may mga nasusugatan dahil sa sobrang pagtakbuhan o kaya nama’y sa sobrang kalikutan. At sa tuwing may nasugatan pa, sa halip na tulungan ay tinatawanan ng iba. Hahaha. Para bang wala talaga silang pakialam sa iba, at may iba din naming tumutulong. ‘Yun lang sigurong mga batang may pakialam at mabuti ang kalooban. “char lang!”. Hahaha. . At isa na ako ‘dun. Pero ang aming samahan ay sadyang pambihira. Dahil minsan kami ay nagkakaisa, minsan naman hindi. Minsan din kami ay mabait sa isa’t-isa, pero minsan ding’ nag-aaway. Para bang mga batang “walay buot”. . Hahaha. Kaya nga bata eh, mga bata. .
      Ang mga laro namin noon ay maraming marami, ito’y dahil higit sa isa ang aming mga laro. Hahaha. Isa na rito ang “Pusil-dunggab”, kagaya rin ito ng “tagu-taguan”. Naglalaro kami kadalasan nito tuwing gabi dahil daw masaya at nakakatakot pag-gabi. Pero minsan lang ako makasali dito kasi nagagalit ‘yung Nanay ko kapag lalabas ako nang bahay pag-gabi. Kung minsan nga tatakas nalang ako sa bahay para lang makasali sa kanila. Hahaha. .May laro rin kaming tinatawag na “Bulan-bulan”. Nilalaro din naman ito kadalasan pag-gabi. Talagang napakaingay namin pag-gabi kapag kami’y naglalaro. Hahaha. Kaya nga minsan ay sinisita kami ng iba naming mga kapit-bahay dahil daw maingay kami. Pero hindi namin sila pinapansin. Talagang wala kaming pakialam sa iba, basta masaya lang kami “ok na ok” na ‘yun sa amin.
     Pag-umaga naman o kaya sa hapon, marami kaming nilalaro. Depende na ‘yun kung ano ‘yung aming napag-usapan. At kung nasa “mood” ba kaming maglaro nito o niyan, ganito o ganire. Hahaha. . Sa labas kami naglalaro kapag ang nilalaro namin ay ‘yung “Tsinelas-lata”, “Dakpanay”, “Sili-sili”, “Chakay”, “In-in”, “Step-step”, “Padidit”, “Bike-bike”, “Badminton”, “Jumping Rope”, “Palipad ng Tabanog”, “Tigso-tigso” at “Dancing Ball”.  Minsan nga sa kalsada kami naglalaro nito dahil malaki ang espasyo at  para daw makagalaw ng maayos. Hahaha. . Lahat kami ay pwedeng makasali dito na laro, mababae man o malalaki. Basta lang walang “KJ o kill-joy”. Hahaha. . at walang “OA o over acting”. Kadalasan nga “sama-sama powers” ‘yung mga babae tapos ‘yung mga lalaki din. Sasabihin nalang nating “boys vs. girls” basta ganitong mga laro. Dito kasi namin makikita kung sino talaga ang mas magaling sa’min na grupo. Hahaha. . ‘Yun namang “Dampa”, “Jolen” at “Langit-lupa” ay nilalaro namin malapit sa aming bahay. Masyado kaming maingay at kapag kami’y nagtatawanan ay maririnig sa loob ng aming bahay. Kasi syempre malapit kami sa aming bahay naglalaro. Hahaha. . ‘Yun namang “Jackstone”, “Baraha”, “Mga Cards”, “Chess/Dama”, “Clay” at “Domino” ay doon kami naglalaro sa balkonahe ng aming bahay. Ginagawa na nga naming palaruan ang aming balkonahe ‘eh. Hahaha. . Pero hindi naman rin ako pinapagalitan ng aking mga magulang dahil mas mabuti raw na nasa loob ako ng bahay kaysa nasa labas kami naglalaro. Talagang “strict” ‘yung mga magulang ko pagdating sa’kin. Hhmmm. .
     Ang mga laro naman naming mga babae, ‘yung walang kasaling lalaki, ‘yung eksklusibo lang talaga para sa’min ay “Chinese Garter”, “Balay-balay”, “Lutu-luto”, “Baligya-baligya”, “Pick up sticks” at “Paper Dolls”. Ito talaga ‘yung nilalaro namin kapag gusto naming kami lang talaga. ‘Yung walang kasaling lalaki, kasi minsan rin ay may ginagawang iba ‘yung mga lalaki. Nakakatuwa ito para sa’min dahil ‘yun nga “for Girls only”. Hahaha. .Nagkukulitan kami minsan at nagtatawanan. Masayang-masaya talaga kami kapag kami ay naglalaro. Lalo na ako dahil puro lang mga laro ang nasa isip ko, pero hindi ko naman rin pinapabayaan ang aking pag-aaral.
     Sa eskwelahan, sa tuwing “lunchtime” naglalaro kami ng “Dancing Ball”. Ito talaga ‘yung usong laro namin doon. Kung minsan nga naglalaro kami ng “Chinese Garter”, “Chatong”, “Slipper Manikin”, “In-in” at marami pang iba. Halos lahat nang mga laro ay alam na alam ko na at “expert” na talaga dahil simula sa bahay hanggang sa eskwelahan ay sumasali ako sa mga laro nila. Para bang walang katapusan ang paglalaro namin. Basta lang masaya ako kapag kami’y naglalaro. Dito namin nakita na talagang “free na free” kami at nagagawa naming ‘yung aming gusto.
     Alam nyo ba kung bakit ako Masaya sa tuwing ako’y naglalaro noon? Hahaha. . Kasi. . Kasi sumasali rin ‘yung mga “crushes” ko. Ang dami kong “crushes”, noh?! Hahaha. . Crush lang naman at “it’s normal”. ‘Yung apat na kapitbahay namin at ‘yung isang kaklase ko. Pero hindi lang rin naman dahil sa mga “crushes” ko ‘ah. Dahil rin sa mga kaibigan ko
     Nang nasa “highschool” na ako, naglalaro pa rin kami kapag “lunchtime” at kapag may “free time” kami. Dahil gusto naming balikan ang mga laro namin noon. Tulad ng “Chakay”, “In-in”, “Bulan-bulan” “Pusil-dunggab”, “Jackstone”, “Pick up sticks”, “Badminton” at “Volleyball”. Wala kaming pakialam sa iba kung ano ang sasabihin nila sa amin. Basta lang masaya kaming naglalaro at “ na-feel” namin ‘yung aming larong pambata. Hahaha. .
     Tuwing Miyerkoles ay nilalaro namin ang “Chakay”. Ang larong ito ay may dalawang grupong magkakalaban. May tsinelas na sisipain sa unang grupong maglalaro. Tapos ‘yung isang grupo ay sinasalo nila ang sinipang tsinelas, kapag nasalo nila ay mabawasan ng isang tao ang unang grupo. Kapag hindi naman nasalo ay lilibutin ng sumipa ang tatlong bilog na parang “triangle”. At babalik sa kanilang “base”. Depende ito kung ilang puntos ang mga nakuha. Ang mababang puntos ay may “consequences”. Hahaha. .Ang larong “Pusil-dunggab” naman ay nilalaro namin, depende kung sino ang gustong sumali. Minsan nga nililibot namin ang buong Paaralan. Hahaha. Kawawa masyado ang “taya” kasi matagal niya kaming mahanap. hahaha. .Kasi naman maraming mga estudyante na nakakalito. Talagang napakahirap hanapin ang mga nagtatago. Hahaha . .
     Ang larong “In-in” ay nilalaro naming mag-barkada na puro babae, ‘yung grupo namin. Anim kasi kami at hahatiin namin ito sa dalawang grupo. Kapag kami’y naglalaro ay “nagpapa-cute” kami dahil tinitingnan kami ng mga lalaki. Tapos ‘yung ibang lalaki kasi ay mga “crushes” namin. Hahaha. . Pero “it’s normal” naman di ba?! Palagi kaming nagtatawanan at “nagsmile” para mapansin nila.
     Sa loob ng aming silid-aralan ay nilalaro namin ‘yung “Jackstone” at “Pick up sticks”. Sa sahig kami nakaupo nang pabilog. Kahit madumi at hindi pa nawalisan ay talagang maglalaro kami. Basta maglalaro kami. Hahaha . .Kung minsan nga may “stolen pics” kami nito. At kapag kami’y nagtatawanan ay halos “mag-convulsion” ‘yung buong silid-aralan namin. Napakaingay kasi namin noon at napakasaya kapag kami’y naglalaro nito. May kulitan at tawanan na halos hindi makahinga dahil sa tawanan na nangyayari. Sumasakit ang tiyan at panga ng aming nga bibig. Hahaha. .
     Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ‘yung mga nangyari noon at lalo na ‘yung mga laro namin noon. At lalong lalo na rin ‘yung mga kaibigan ko at ang aking mga kaklase. Pinapahalagahan ko ‘yun lahat dahil alam kong hindi na ‘yun maibabalik pa. Ang kasiyahan o katuwaan na nangyari at ‘yung away o tampuhan namin. Marami akong mga natutunan noon at pwede ko rin itong maibahagi sa iba. Dito ko kasi naramdaman ang aking pagkabata at alam naman natin na minsan lang tayong maging bata. Kaya dapat nating lubus-lubosin ang mga panahon na darating at darating pa. Dahil hindi natin mamamalayan na tayo ay malaki na pala at hindi na natin magagawa ‘yung mga nagawa natin noon. At alam nating lilipas at lilipas rin ang panahon, at dapat nating pahalagahan ang lahat nang mga nangyari. Dahil may mga bagay na nakatutulong para sa’ting kinabukasan. At ‘yung nakaraan ay maging isa na lang alaala na nagbibigay sa atin ng tamang daan. Kaya lahat nang nangyari o mangyari ay dapat nating bigyang importansya. At lahat ng tao sa mundo, lalo na ‘yung malapit sa’yo ay dapat mung mahalin at bigyang-pansin.

No comments:

Post a Comment