Monday, October 10, 2011

ANG MGA LARO KO NOON


Ang laro ay isang aktibidad na binubuo ng mga manlalaro . Ng paglalaro naman ay isang libangan kung saan tayo ay nagiging masaya at nakakapag-enjoy wherein ang kasayahang ito ay gumagamot ng ating kalungkutan. Sabi nila ang paglalaro raw ay isang mahalagang simbolo ng ating pagiging Pilipino. Dito rin daw unang nalinang ang ating pakikipagkapwa, natutong mag-isip at gumawa ng desisyon na alam nating nakabubuti rin sa ating pagkatao.
Ngayon, gusto ko sanang balikan ang nakaraan kahit sa paraang pasulat lamang na kung saan ay masaya akong naglalaro sa kapwa ko kabataan. Hindi maipagkailang hindi mauubos ang masayang kwento na nagging dulot sa mga larong gusto kong banggitin sa inyo. At walang duda na ito ang humuhubog at nagbibigay kulay sa kamusmusan ng bawat batang Pilipino.
Ang sarap sariwain ng mga panahon na halos wala pa tayong muwang sa mundo, yung tipong wala tayong ibang iniisip kundi ang maglaro, maglaro at maglaro. Naaalala n’yo pa ba? Wala sa ating bukabularyo ang matulog at kumain, kakain lamang tayo pag gutom, matutulog pag inaantok, kaya ganun nalang ang challenge na hinarap ng ating mga magulang sa pagpapatulog sa atin sa tanghali, di ba? Hanggang sa magsimula tayong mag-aral at pumasok sa eskwelahan. Ngayon nais ko sanang isulat ang tungkol sa magagandang ala-ala sa mga kabataan noon lalong-lalo na sa experience ko noong nasa nasabing stage pa ako.
Noon nagkakasya kami sa sulok na may pinagtagpi-tagping kumot at karton o di kaya’y sa ilalim ng mesa na tatakpan lang ang mga gilid. Hahaha. Naaalala ko pa talaga noong naisama ko pang itinakip ang anu . . . panty ng ina ko. Hahahaha. Nakakatawa talagang isipin, ano? Nagbabahay-bahayan lang kami pero pati underwear ni mama naisama ko pa. Buti nalang hindi niya nalaman dahil pag-nangyari sampal ang labas. Kung magtinda-tindahan naman  ay hihila lang kami ng banig o kaya dyaryo tapos ilalatag lang sa sahig o sa mesa, pupunta sa bakuran at mamimitas ng sari-saring bulaklak at dahon. Alas! Meron na kaming sari_saring paninda. Talo pa ang malalaking tindahan gaya ng SM at GAISANO MALL. Hahaha. Yun, nga ihanda lang ang sarili mo sa sermon na aabutin mo oras na makita ng ina na kalbo na ang hardin niya. Nyahaha. Hindi ko pwedeng malimutan na nagkaka-isa kaming naglalakad sa kalsada para lang pulutin ang nakakahawang wrapper ng mga kendi para gawing pera-perahan sa aming tindahan. Ang snowbear ang 100 na papel, frutos ang 500, 50 ang white rabbit at piso-pisohan naman ang takip ng fighter wine at coke. Paminsan-minsan naman, ihehelera lang naming ang upuan, magdadala kunwari ng bag na papel at lapis lang ang laman at yun, nagti-titser-titseran na ang mga bulilit. Noon, naisip ko na mas maganda pag nagpabili ka sa magulang ng blackboard, kasi ngayon white board na ang uso. Ayun na nga, ang isa gaganap bilang titser at yong iba estudyante. Madalas, nagkakagulo kasi lahat gusto maging titser. O, ba’t natatawa ka? Isa ka siguro sa mga nagsusuntukan, matitser lang! Tama, ano? Pag tinatamad naman tato magtayo ng kung anu-ano, nagkakasya na tayo sa ligayang dulot ng semento o kalsada, hahanap ng chalk o kahit anong pwedeng panulat sa semento at pupulot ng pamato__magpipiko. Pero kahit pagguhit at pagpupulot ay kinatatamaran kaya walang sagudsod na nagaganap at nauwi nalang ang lahat sa tagu-taguan. Naalala ko pa ang kanta,” Tagu-taguan maliwanag ang buwan, wala sa likod, wala sa harap, pagbilang ng tatlo nakatago na kayo . . . isa . . . dalawa . . . tatlo . . . larget!” Ang taya ang siyang sisilip tapos sisigaw siya ng, “Game???”  Sasagot naman ang isang tanga,”Game!!!” Kaya kadalasan siya ang naunang nakikita. At hindi lamang iyon, maraming-marami pa. Naaalala ko pa noong nasa elementary pa ako, ang Chinese garter na kinagigiliwan ng mga kababaihan ngunit alam ko rin kung papa-anu lalaruin. With matching tumbling-tumbling pa ako noon. Hahaha. Sa paglalaro ng Chinese garter ay may nasasabing stages o di kaya ay tinatawag na level. Ang una ay nasa paa pa ang garter hanggang pataas nang pataas patungong ulo  na kung hindi maabot ay yun nga, tatumblingin na lamang. May umiyong, diamond, takingking at panghuli ay kasal. Buti pa sa larong Chinese garter may kasal na! Hahaha. Pero di bale ikakasal din ako baling araw! Hahaha. Kung wala namang mahagilap na Chinese garter ay nandoon naman ang mga lastikong tinalo ko mula sa mga batang nakikipaglaro sa akin. Parami nang parami ang aking mga lastiko dahil hindi maitago ang katotohanan na magaling talagah ako sa DAMPA, LITIK at TARGET ARRO W. Charlang!!! Buti pa sa lastiko may itinatagong galling pero sa pag-aaral, magaling din naman! Hahaha, you know na. Pag-uwi sa bahay ay nagdadala na si Argel ng kinadenang lastiko pero humanda dahil kapag hindi nag-study ay patay kang bata ka! Ihanda nalang ang sarili kasi baka mabusog ka sa tinolang lastiko. Haha. Minsan sabi ng ama ko,”Pag-uunahin mu ang paglalaro, lahat ng jolin at lastikong yan ay ipapakain ko sa iyo!” Eh, sinong hindi matatakot na bata riyan??? Takot naman ang bata na baka sakaling makakain na for the very first time ng lastiko at jolin na sa tingin ko’y parang pansit with sago toppings. Hahaha. Bukod dito ay may ever-reliable na baka-baka naman. Paa’t kamay lang ang kailangan. Ayos na tumpak pa ang saya! Ewan ko kung na try mu na ba. Humanda ka nalang sa posibilidad na dumalaw sa hilot kapag napiang ka na’t nabalian ng kaawa-awang buto. Haha. So much for that, may langi’t lupa naman. Yun bang may isang taya tapos yong nakapatong sa ibabaw, halimbawa sa bato o di kaya sa puno ay iyon ang langit tapos kapag bumababa ka sa lupa ay huhulihin ka at yon matanggal ka na, kunwari ikaw na ang magiging taya sa susunod na game. May kanta pa itong,”Langi’t lupa saan ka baba? As im, sa impyerno, dili ako sa impyerno kay mainit ang kalayo. Saksak puso motulo ang dugo, patay, buhay alis ka na dyan.” Bukod sa lahat ay hindi maipagkailang lumalaki akong walang kinagisnan na telebisyon. Naiinggit nga ako sa aking mga kalaro noon dahil may TV sila, yun nga black and white pero nagbibigay saya parin. Kahit antenna man lamang ng telebisyon ay masasabi talagang kinakapus kami. Pero hindi na bale, nasisiyahan naman ako sa mga ginawa ni papa. May mga laruan ako na gawa sa kahoy na mismong Itay ko ko ang gumawa. Kahit hindi binibili ay naaliw naman ako. Tatlo lang kami sa bahay: ako, si mama at papa. Parang isa naman sila sa aking mga kalaro. Sa totoo lang ang layo-layo ng aming mga kapitbahay kaya kung minsan  ay tumatakas ako tuwing tanghalian kapag natutulog na sila. Pero, yun nga pag-uwi ay hampas ng sinturon ang nasasalubong sa kaawa-awang bata. Minsan sa kabo-bored ko sa bahay ay walang ibang magawa kundi ang mimitas ng mga dahon ng halaman . . . yong bang tinatawag nila ng tuba-tuba. Inipon ko ang mga juice na nakuha ko sa isang maliliit na baso, at gumawa ako nang circle out of  kapiraso ng walis tingting at yon ilonod mo lang sa juice at maka-produce k a na ng bubbles. Masayang-masaya ako na naglalaro, hinahabol ko ang mga bula! Haay, naku! Ang sarap talaga alalahanin ang lahat . . . buti noong panahon natin masaya makipag-laro, may inter-action sa mga kapwa bata , simple lang ang laro pero masaya, di ba? Hindi ko maiiwasang ihambing ang mga bata noon sa ngayon, tingin ko kawawa ang sila ngayon, pagdating ng Sabado, an gaga-aga pa nakababad na sa telebisyon , transformer at robot pinapanood, computer games at iba pa. Sana higit na dapat makilala ng mga bata ang laro noon dahil may mas maganda itong naidudulot sa kanilang kamusmusan. Eh, papano alam kong nakaka-relate naman kayo sa mga pinagsasabi ko. Maliban nalang sigoro sa mga taong paralisado. Alam ko na alam niyo talaga ang mga binabanggit ko maliban nalang kong hindi kayo nakapag-try sa paglalaro. Pero impossibleng mangyayari iyon. Marami pa sana akong kwento tungkol sa childhood pero alam kong tinatamad na kayong magbasa. Hehe. Pasensya na po. Maari rin naman kayong lumapit sa akin para magkukwentuhan tayo dahil alam na alam kong may nararanasan ka rin noong nasa bata ka pa. Just see me in personal.

No comments:

Post a Comment