Ang
Paglalaro
Lahat ng bata ay mahilig maglaro, ito ang kanilang paraan
upang makahanap ng kasiyahan, dito din sila nakakahanap ng munting paraiso sa
ating magulong mundo. Lahat ng tao ay dumaan sa paglalaro noong bata kaya alam
natin kung ano ang pakiramdam kapag ikaw ay naglalaro. Masasabi kong hanggang
sa lumaki tayo ay hindi pa rin tayo tumitigil sa paglalaro, maaaring medyo
childish na tignan kapag ika’y malaki na, pero minsan ito’y hindi naiiwasan
talaga, may mga tao kasing likas na sa ugali o karakter nila ang paglalaro.
Noong ako’y nasa elementarya pa lang
mahilig ako maglaro, at ang lagi kong nilalaro ay ang Chinese garter o mas
kilala sa tawag na ekis, naglalaro din ako ng Barbie at bahay-bahayan, jolen at
iba pa. Ang rason ko lang noon kapag ako’y naglalaro ay pang-aliw lang sa akin,
minsan nga naalala ko halos buong araw ako hindi makakain makapaglaro lamang,
kaya tuloy lagi akong napapagalitan. Importante
sa akin ang paglalaro dahil dito lang ako laging masaya, kapag naglalaro ka
kasi parang walang problema, lahat ng kalaro mo nagtatawanan, habulan dito,
habulan doon minsan naisip ko sana paglalaro na lang ang buhay.
Ngayo’y nasa kolehiyo na ako, oo,
naglalaro pa rin ako pero hindi gaanong kasigla tulad nung bata pa ako. Minsan
kasi nakakahiya na kasi nga malaki ka na daw, kung noon Barbie at bahay-bahayan
ang nilalaro ko ngayon puro mga online games na pero hindi ko ‘to madalas
nagagawa dahil busy na lagi sa school.
Kapag naglalaro ang isang tao ay may
mga bagay-bagay din siyang natututunan. Hindi ibig sabihin ng laro ay lagi ng
masaya, minsan nakakasakit din ito ng kapwa, halimbawa ay pinagtitripan ang
isang tao upang malibang ang kanilang sarili, para sa iba laro lang iyon pero
ang totoo ito’y pambubuli. Sa paglalaro madalas natutumba ka pero hindi
importante kung paano ka natumba at pinagtawanan ng iba, ang importante ay kung
paano ka tatayo at babangaon ulit, ito ang natutunan ko kadalasan sa aking
paglalaro, nakatulong din ito sa akin upang tumatag ang aking loob sa mga oras
ng problema.
your text is unreadable if youre having a dark background color make sure your text is in light color.....
ReplyDelete